Pagkatapos namin kumain ay bumalik na ako sa silid ko. Nagpaalam sa akin si Addy na may kailangan lang siyang gawin at susunod siya dito sa loob ng silid ko. Sinigurado ko muna na nakadouble lock ang pintuan bago ako nagtungo sa kama ko saka ko kinalikot ang cellphone ko. Nilagpasan ko yung unang dalawang video ko at isinunod ko ang nakalagay na Addy. Binuksan ko iyon at lalo akong nakadama ng pagkainis kay Gino dahil sa nasaksihan ko. Si Addy naman ay sarap na sarap habang pinapapak ng haliparot na bakla na iyon ang katawan niya. Nakadama rin ako ng pagkainis kay Addy dahil base sa video ay hindi siya mukhang biktima lang ni Gino. Ginusto niya ang mga nangyari. Tumigas ang anyo ko. Hindi lahat ng sinasabi ni Addy ay totoo. May kasinungalingan pa rin sa mga pinagsasasabi niya sa akin.

