Dalawang araw matapos ang gabing nahuli ko si Tita Ruth sa kalaswaang ginagawa niya sa garden kasama ang guard na si Tony ay minabuti ko na iwasan na lang sila ni Kuya Kiel. Mas makakabuti siguro iyon para sa sitwasyon namin. Sinubukan ko na rin magpabook ng plane ticket pabalik sa maynila pero dahil sa paparating na bagyo ay hindi ako nakakuha. Isang umaga ay naisipan kong daanan muna si Gino sa silid niya. Makikipagplastikan muna ako sa kanya hangga't hindi ko napapatunayan na may ginagawa nga sila ni Addy na hindi ko alam. Kakatok na sana ako nang makarinig ako ng mga bumabagsak na gamit sa sahig. "Saan mo nilagay ang flash drive?" galit na sigaw ni Tita Ruth. "Katulad ng sinabi ko sayo kahapon. Ibibigay ko lang iyon kapag naibigay mo na sa akin ang pera na hinihingi ko sayo." sabi

