Kiel's POV Part 3 Kahit paano ay gumaan ang bigat sa dibdib ko nang marinig ko ang mga sinabi ni Kuya Jordan. Bumangon siya at umupo sa tabi ko. Pagkatapos at tumingin siya sa akin bago siya muling nagsalita. "Naaalala ko pa noon. Napakaliit mo pa lang pero para ka nang matanda kung mag-isip. Kaya nga natutuwa ako sayo noon. Kaya ang ginawa ko ay naging mabuting kuya ako sayo." Napangiti na rin ako nang bumalik sa alaala ko ang nakaraan. Kung paano ako tinanggap ni Kuya Jordan sa pamilya nila kaya kahit na hindi naging maganda ang pakikitungo sa akin ni Ruth nung unang tapak ko sa bahay na ito ay hindi ko naramdaman na iba ako. "Kahit na nararamdaman ko na ikaw ang paborito nilang lahat lalo na ni Lolo ay hindi ako minsan man nagtanim ng sama ng loob sayo." "Dahil ikaw ang kapatid na

