Kiel's POV Part 2 Halos kalahating oras na kaming magkayakap sa ibabaw ng kama nang maramdaman ko ang malalalim na paghinga ni Renz. Nakatulog siya sa mga bisig ko at mas lalo ko siyang hinila palapit sa katawan ko. Hinaplos-haplos ko ang braso niya na nakayakap sa akin habang nakatitig ako sa kisame. Nakatulala lamang ako doon at nag-iisip ng napakaraming bagay. Hanggang sa maglakbay ang isip ko patungo sa nakaraan. 4 Years Earlier Nag-overtime ako sa restaurant ko dahil napakarami ng kailangan ayusin. Nagkaroon pa ng complain kanina sa pagkain na sineserve namin kaya mas natagalan kami sa pagsasara. Sumakay ako sa kotse ko saka ko hinilot ang sentido ko. Sa totoo lang ay kanina pa masakit ang ulo ko pero dahil sa dami ng mga kailangan kong asikasuhin ay tiniis ko na lamang iyon. K

