Kiel's POV Part 1 Nakangiti ako habang inilalapag ko sa kama si Renz. Napakagaan lang niya. Sa edad niyang bente uno ay para lang akong nagbuhat ng papausbong pa lang na teenager. "Magpahinga ka lang diyan. Ako na ang oorder ng pagkain natin." sabi ko saka ko siya kinindatan. "Bakit mo ba ginagawa ito?" tanong niya. Sumulyap lang ako sa kanya saka ko kinuha ang cellphone ko. "Alam mo ang sagot sa tanong mo Renz." sagot ko naman. "Ikaw bakit mo ba ginagawa yan?" "Ang alin?" maang na tanong naman niya. "Yung patuloy na pag-iwas mo sa akin kahit alam naman natin pareho na mahal mo pa rin naman ako." seryosong sabi ko. "Hindi ko sinabi na mahal pa rin kita. Ikaw lang ang nag-aassume." depensa naman niya. Napangiti naman ako sa isinagot niya. "Kahit hindi mo naman sabihin nararamdaman

