bc

Love By Chance

book_age16+
43
FOLLOW
1K
READ
adventure
reincarnation/transmigration
submissive
heir/heiress
bxg
lighthearted
mystery
campus
medieval
rejected
like
intro-logo
Blurb

True Love Trancends Time and Space... as so they say.

Dapat sana ang araw na pinakamasaya para sa isang babae ang araw na tila bangungot para kay Ren Athea. Iniwan siya sa altar nang lalaking dapat pakakasalan niya. And to make everything worse She run into an accident. Broken and alone. Akala ni Ren iyon na ang katapusan nang mundo niya. Then she woke up, Years to the past panahon bago pa nauso ang social media panahon kung saan niya nakilala ang lalaking magtuturo sa kanya kung paano magmahal sa pangalawang pagkakataon.

chap-preview
Free preview
Love Chance - 01
Are you ready?” Tanong ni nang isang babae sa dalagang katabi na nakasuot nang wedding gown habang nasa loob sila nang sasakyan. Huminto ang sasakyan nila sa labas nang isang simbahan. Habang sa labas nang simbahan nag-aabang lahat nang kanilanag mga kaibigan at pamilya. Masaya ang mga ito habang hinihintay na bumaba sila. Napatingin ang babae sa dalaga na mahigpit na nakahawak sa bouquet habang bahagyang na nginginig ang mga kamay nito. Napahawak naman siya sa kamay nang dalaga para pakalmahin ito. “Are you scared?” Tanong ni Babae. “Hindi ba’t excited ka para sa araw na ito bakit ka tila na tetense ngayon.” Wika nang isang lalaki na nakaupo sa passenger’s seat nang sasakyan saka humarap sa kanila. “Rather than scared, I am excited yet nervous.” Wika nang Dalaga. “I am not dreaming. Am I?” Dagdag pa nito saka tumingin sa mga kapatid “This isn’t a dream.” Ngumiting wika nang babawe at hinawakan ang kamay nang kapatid at bahagyang pinisil. Nang hawakan niya ang kamay nang kapatid niya naramdaman niyang nanlalamig iyon. Bahagya siyang napatingin sa kapatid niya. “You don’t have to be nervous.” Nakangiti wika nito sa dalaga. “You have been through a lot to get to this day. It’s your day. So don’t be nervous.” Wika nito upang ipanatag ang loob nang kapatid niya. “Ito dapat ang pinakamasayang araw mo. Hindi ka dapat kabahan o matakot. Everything’s going to be okay.” Wika Nang binata saka hinawakan ang kamay nang dalaga. “Yeah, coming from someone na hindi pa nag-aasawa dahil takot sa responsibilidad.” Wika nang dalaga na humarap sa kapatid na nasa passenger’s seat. “That’s not true.” Angal nito. “It’s just that. Hindi pa dumarating ang babae para sa ‘kin.” Wika nito. “Don’t get me wrong Ren.” Wika nito saka tumingin sa dalagang naka wedding dress. “Hindi ba masyado ka pang bata para ikasal? Mas inunahan mo pa si Ash. Baka tumandang dalaga yang Ate mo.” Wika nito na nilagyan nang pabirong tono ang sinabi na ang tinutukoy ay ang kapatid na katabi nang Bride. “Oh, Shut up Xander.” Wika ni nang dalaga at tinapik ang kamay nang kapatid. “Darating din ang para sa ‘kin. For now, let’s be happy dahil nahanap na ni Ren ang para sa kanya. Wala naman yan sa edad kung talagang nagmamahalan sila. They’ve been together since childhood.” ngumiting wika nang dalaga sa kapatid niya. “Kung hindi lang natin siya kilala baka hindi ako pumayag na ikasal ka sa kanya.” wika nang binata. “Oh, Umandar na naman yang pagiging overprotective mo. Kung hindi pa niya kababata si Nat. Baka walang makalapit na lalaki kay Ren dahil Diyan sa ugali mo.” Wika nito sa binata. “Aba Dapat lang. Ren is my precious little sister. Dapat pino---” Naputol ang sasabihin nito nang biglang may kumatok sa bintana nang passenger’s seat. Agad na napatingon ang binata sa kumatok nang makilala kung sino iyon agad niyang ibinaba ang salamin nang Bintana. “What are you guys still doing? Kanina pa kayo hinihintay nang mga bisita.” Wika nang lalaki na tumingin sa loob nang kotse at tumingin sa bride. “Are you ready?” tanong nito sa dalaga. Simple namang tumango ang dalaga. “Let’s go.” Anito at naglakad patungo sa pinto nang sasakyan sa likod saka binuksan ang pinto para makalabas ang bride. Lumabas naman sa kotse ang binata at ang kapatid nang dalaga na katabi nito sa sasakyan. Inilahad nang lalaki ang kamay sa bride para alalayan itong lumabas nang kotse. Simple namang ngumiti ang dalagang Bride at tinanggap ang kamay nang ama. Nang makahawakan nang ama nila ang kamay nang dalaga maingat niya itong inalalayan papalabas nang kotse. “Bakit ang lamig nang kamay mo. Nininerbyos kaba?” pabirong wika nang middle-aged man. Kung titingnan nasa early fifty’s na ang lalaki pero maayos parin ang tindig at maganda pangangatawan. You Can still feel his sense of autority. “That’s what I am saying earlier. Hindi kaya masyado nating minadali ang kasal nila?” wika pa nang binata. “Ayan ka na naman Xander.” Wika nang dalaga at lumapit sa kanila. “Pa, Natutunugan ko na talagang hindi niya gusto ipakasal itong si Ren.” Pabirong wika nang dalaga. “I was trying so hard to make it so obvious.” Anito sa kakambal. Napalabi lang ang dalaga. Napangiti naman ang dalagang bride dahil sa bangayan nang dalawang kapatid. Hindi naman iyon bago sa kanya. Ang totoo niyan, mas na relax siya ngayon dahil narinig ang bangayan nang dalawa at alam niyang sinusubukan lang nang mga ito na pakalmahin siya. Alam naman niyang kahit na overprotective sa kanya ang dalawa wala naman silang ibang gusto kundi ang ikaliligaya lang niya. “There ngumiti ka rin.” Wika nang binata. Napatingin naman ang dalaga sa kapatid niya. “Akala ko ihahatid ka ni papa sa Altar na nakasimangot.” Dagdag pa nito. Lalo namang napangiti ang dalagang Bride. “Mabuti pa huwag na nating paghintayin ang mga bisita at groom mo. Kanina pa yun kinakabahan.” Nakagiting wika nang ama nang dalagang Bride saka marahang tinapik ang kamay nang anak na nasa braso nito bilang sign na hindi ito dapat kabahan o matakot. “Let’s go?” Anito at tumingin sa anak. Ngumiti naman ang dalaga at tumango sa ama niya. “Honestly. This is making me sad.” Wika nang ama nang bride habang nakatayo sila sa labas nang simbahan. Nakatayo sila sa harap nang nakasarang pinto nang Simbahan. Hinihintay nilang bumukas iyon bilang hudyat na pwede nang maglakad ang bride sa aisle patungo sa altar kung saan nag hihintay ang kanyang Groom. “Bakit naman?” tanong nang dalaga saka tumingin sa ama niya. “I am not yet ready to give my little baby to another guy.” Wika nito sa anak. “Papa naman. Baby pa rin ang tingin niyo sa ‘kin Eh ikakasal na nga ako.” Kunwari nag tatampong wika nang dalaga. “You are still my little Girl. Kahit na pumayag akong ikasal ka. It doesn’t mean nahihinto ka sa pagiging daddy’s little Girl.” Wika nito. “Kung pwede lang akong tumanggi. Probably ginawa ko na But I know. It wouldn’t make you happy. And Seeing you happy means happiness to me as well.” Wika pa nang ama niya. “Papa kapag narinig nang mga tao ang sinabi mo. Baka hindi sila maniwalang ikaw ang pamusong General.” Ngumiting wika nang dalaga saka humarap sa ama niya. Napangiti naman ang lalaki. “They can think what they want about me. General or not. I am your Dad. May karapatan naman siguro akong maging overprotective for my little girl.” “Papa. Sige ka. Baka sa bahay mo pa din ako tumira kapag patuloy mo akong trinatong baby mo.” Wika nang dalaga. “I would love that. Para ma bantayan ko rin. I am not yet ready to marry you off.” Wika nito. “Well, you are not going to lose me. Think about it. Madadagdagan ka nang isa pang anak.” Anang dalaga. “I don’t think I am ready to have another son, Ang kuya Xander mo palang is already a handful magdadagdag pa ako nang isa.” Wika nito saka ngumiti. Isang maliit na giggle naman ang lumabas sa labi nang dalaga. Natawa siya sa sinabi nang ama niya. He never throws jokes. He could me making her feel relax dahil alam nitong kinakabahan siya. Lahat napatingin sa pinto nang simbahan nang biglang bumukas ang pinto. At mula sa labas nakita nila ang dalagang nakatayo sa harap nang pinto kasama ng ama nito. Lahat nakatingin sa dalaga at nakangiti habang hindi maitago ang paghanga sa taglay na ganda nang dalaga. Hindi paman masaya na sila para sa dalaga dahil alam nilang matagal nang pangarap nang dalaga ang ikasal sa lalaking minamahal nito at ngayon nga ang katuparan nang pangarap na iyon. Lahat nang pamilya mula sa magkabilang pamilya nang ikakasal ay masaya para sa dalawang nagmamahalan. Ano pa bang makakapaghiwalay sa kanilang dalawa? Simula mga bata pa sila mukhang nakatakda na talaga sila para sa isa’t-isa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
9.1K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
258.1K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
72.5K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
44.0K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
51.4K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
96.3K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
61.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook