"Nandito ka na naman sa labas.” Wika ni Eirick kay Ren at lumapit dito. Nang marinig ang nang dalaga ang sinabi nang binata napatingin siya. “Iniisip mo na naman ang pamilya mo?” tanong nang binata saka naupo sa tabi nang dalaga. “Ang totoo?” Tanong nang dalaga saka humarap sa binata. “Gusto ko nang umuwi. Hindi siya mawala sa isip ko. Iniisip ko kung anon ang ginagawa niya ngayon. Kung anong nangyayari sa kanya. Kung kumakain ba siya nang maayos. Kung nag---” biglang naputol ang sasabihin ni Ren nang biglang hawakan ni Eirick ang kamay niya. Taka namang napatingin ang dalaga sa binata. “Bakit siya ang iniisip mo. Kung talagang mahal ka rin niya gaya nang nakikita kong pagmamahal mo sa kanya. Hahanapin ka niya. Kaya lang wala naman akong nababalitaang may naghahanap saiyo. Sapalagay ko

