Gaya nang sinabi nito isa sa mga trabahador nito ang inutusan nang binata na pumunta sa kung saan nasira ang kotse nito para dalhin sa garage niya at ayusin. Pinapasok siya nang binata sa opisina nito na tila isa na ding bahay. Napatingin siya sa paligid at napansin niya ang mga larawang nandoon. Isang larawan ang umagaw sa atensyon niya. Kitang-kita na luma na ang larawang iyon. Tila isang antigo. Halos nagfe-fade na din ang mukha sa larawan. Naglakad siya papalapit sa larawan para makita nang maayos ang mukha nang nasa larawan. Nang papalapit siya bigla siyang natigilan nang biglang may nag flash na mga images sa utak niya. Bigla siyang napaatras dahil doon sa pag-atras niya hindi niya namalayan ang Binatang tumulong sa kanya na nasa likod na niya. Biglang napaigtad ang dalaga nang mar

