"Ren.” Mahinang boses ni Shane na pumasok sa silid ni Ren sa hospital. Kasalukuyang naghahanda si Ren para umuwi nang mga sandaling iyon. Hinihintay din niya si Eirick at ang mama niya dahil sila ang maghahatid sa kanya sa bahay nila. Habang nagliligpit si Ren, bigla niyang narinig ang boses ni Shane. Marahang nilingon ni Ren ang pinanggalingan nang boses. Bigla siyang natigilan nang makita ang dating kaibigan na nakaupo sa well chair. Biglang natigilan si Ren nang makita si Shane na nakaupo sa wheelchair. “Pwede mo na kaming iwan gusto kong makipag-usap sa kanya nang sarilinan.” Wika ni Shane sa nurse na nagtutulak nang wheelchair niya. “Sige ho.” Wika nito saka binitiwan ang wheelchair saka lumabas nang silid. Nakatitig lang si Ren kay Shane. “Nakatitig ka nang ganyan naaawa ka sa a

