"Let’s talk.” Wika ni Shane na biglang sumulpot sa harap ni Ren, kasalukuyan siyang nasa library noon at nag-aaral nang biglang tumayo sa harap niya si Shane. Nang marinig ni Ren ang boses nang nagsalita sa harap niya, itinigil niya ang pagbabasa nang aklat saka napatingala sa may-ari nang boses. Doon, Nakita niya si Shane na tila galit. “Wala tayong pag-uuspan.” Wika ni Ren saka muling ibinalik ang atensyon sa pagbabasa. Biglang natigilan si Ren, nang biglang inilapag ni Shane ang isang larawan sa mesa. Napatingin naman si Ren sa larawang inilapag nang dalaga. Sa larawan Nakita niya ang sarili at si Nathaniel na nag-uusap at mukhang kuha iyon mula sa set nang MV filming ni Eirick. Napakunot ang noo nang dalaga nang makita ang lawaran wala siyang natatandaan na nag-usap sila nang sarilin

