Ren. Saan ka nanggaling? Bakit ka inumaga?” Wika ni Xander nang dumating sa bahay nila ang dalaga. Ngunit natigilan si Xander nang bigla lang siyang nilampasan nang kapatid para itong wala sa sarili niya. Hindi nila nahapan ang dalaga nang nakaraang gabi. Kung saan-saan na sila inabot sa paghahanap sa dalaga pero hindi nila ito nakita. Nakapatay ang cellphone nito kaya hindi rin nila matrace. Kung wala pang batas na hindi pwedeng mag file nang missing person kung hindi pa lumilipas ang 24 oras baka nag file na siya nang missing report para kay Ren. “What happened?” tanong ni Ashmaria nang makita ang kapatid na tila wala sa sarili at nagmamadaling umakyat. Napakibit balikat naman si Xander. Gusto sana niyang pagalitan ang kapatid dahil sa hindi nito pag-uwi nang nakaraang gabi pero paano

