"Anong sabi mo?” Gulat na wika ni Ren saka napatingin kay Eirick. Nasa sala sila noon kasama ang buong pamilya nang binata. Out of nowhere sinabi nang binata sa pamilya nito na balak niyang pakasalan si Ren. Hindi naman maitago ang pagtatakang napatingin ang mga ito sa dalaga. Si Ren naman na nakaupo sa tabi ni Eirick hindi rin makapagsalita. Malayo din ang nilalakbay nang isip niya. Ilang araw na siyang nandito. And still, hindi niya alam kung papaano babalik. Iniisip niya kung anong nangyari sa katawan niya sa panahon niya. Anong iniisip ni Eirick? At ang pamilya niya. Naging mabait si Eirick sa kanya nang magising siya. Hindi na ito ang Eirick na una niyang nakilala. He became more attentive din sa kanya. Siguro dahil sa pagdadalang tao niya. NI hindi siya nito pinapayagang lumabas na

