Napatingin si Eirick sa dalaga dahil sa reaksyon nito. Hindi niya alam kung maniniwala siya sa reaksyon nito. Wala ba talaga itong ideya na nagdadalang tao ito? Kanina lang nang sinabi nang doctor ang tungkol sa kalagayan nang dalaga. Hindi pa nga siya makapaniwala. Pero naisip niya. It make sense kung bakit sinasabi nang dalaga na hindi nito alam kung papaano makakabalik sa kanila at wala itong naaalala sa pagkatao niya. Iniisip niyang baka pinagsisinungalingan siya nang dalaga at may tinatakasan ito kaya napilitan itong magpanggap. Pero sa nakikita niya ngayong reaksyon nang dalaga dapat ba siyang maniwala. Tila wala itong ideya na nagdadalang tao ito. Hindi rin naman niya matanong kung anong nangyari dito dahil wala naman itong alam sa nakaraan niya. No way! Wika nang isip ni Ren haba

