Ren.” Habol ni Nathan nang makita niya ang dalagang papalabas nang University. Biglang natigilan si Ren nang marinig ang boses natumawag sa kanya Nakita niya si Nathaniel na papalapit sa kanya. Habang sa likod nito ay si Shane na natigilan din dahil sa biglang pag iwan sa kanya nang binata. “Uuwi ka na ba? Ihahatid na kita. I also want to apologize sa nangyari sa hospital. I was so impulsive. Mukhang tinakot kita.” Wika nito sa dalaga. Nakatingin lang si Ren sa dating kasintahan. Hindi niya alam kung anong gusto nitong mangyari. But one thing is for sure. Hindi niya nagugustuhan. Bukod doon, nakikita din niya ang tila malungkot na mukha ni Shane. Kahit nagagalit siya sa ginawa nito sa kanya. Ang makita itong tila hindi masaya hindi niya iyon gusto. And Nathaniel giving her much attention

