How can I help you?” Tanong nang receptionist kay Ren, nang dumating siya sa building nang entertainment company nang pamilya nang mga Bryant. Nagpunta siya doon dahil sabi nang Kuya Isaac niya bibigyan siya nito nang trabaho para sa internship niya.
“I am looking for Isaac Bryant.” Wika nang dalaga sa receptionist. Nang sabihin iyon nang dalaga napatingin sa kanya ang receptionist. Simple naman siyang napangiti dahil sa titig nito sa kanya. Sa tingin niya parang sinusuri nito kung dapat ba siya nitong pagbigyan na makipagkita sa CEO nang kompanya.
“Do you have an appointment?” tanong nito sa kanya.
“I actually don’t have. But he told me to come here. He knows me. Pwede mong tawagan ang secretary niya.” Wika nang dalaga. Sakristong namang napangiti ang babae kay Ren dahil sa sinabi niya.
“Hindi basta-basta nakikipagkita ang CEO nang kompanya sa kahit sino lang. Sa palagay ko isa kang applikante. Kung nag-aaply ka nang trabaho. Dapat sa HR ka nag-punta hind ang makipag-usap nang direkta sa CEO.” Wika nito sa kanya.
“Hindi naman ako----”
“Umuwi ka nalang Kesa naman manggulo ka pa dito. Busy ang CEO namin. Kung magaaply ka nang trabaho Sa HR ka magpunta.” Dismissive na wika nito sa kanya. Napatitig lang si Ren sa receptionist. Baka naman hindi nasabi nang Kuya Isaac niya sa mga ito na darating siya, kaya ganito siya tratuhin nag mga ito. Napatingin siya sa paligid hanggang sa mahagip niya nang tingin ang secretary nang kuya Isaac niya. Nabuhayan siya nang loob nang makita ito.
“Secretary Young.” Wika nang dalaga saka lumapit sa binata. Nang makita siya nito biglang tumigil sa paglalakad ang lalaki saka itinuon ang atensyon sa kanya.
“Miss Ren.” Gulat na wika nito. “Anong ginagawa mo dito?” dagdag pa nito na hindi maitago ang gulat. Hindi naman kasi nito inaasahan na makita siya doon. Sa reaksyon nito tila wala ding sinabi ang kuya Isaac niya sa secretary nito.
“Si Kuya Isaac?” tanong nang dalaga. “Sabi niya bibigyan niya ako nang trabaho dito. Pero parang wala siyang sinabi sa receptionist. Ayaw nila akong papasukin.” Wika nang dalaga.
“Ah yeah, I think he mentioned something about your internship. Wala siya dito ngayon. Nasa Singpore para sa business meeting, hindi ba niya sinabi?” tanong nito sa kanya. Simpleng umiling ang dalaga. Baka nakalimutan nang Kuya Isaac niyang sabihin ang tungkol doon sa kanya. Wala din naman siyang sinabi kung kailan siya pupunta sa opisina nito.
“Well, I think I can find some place for you to work.” Wika nito sa kanya. “Doon tayo sa opisina ko.” Ngumiting wika nito saka lumingon sa pinanggalingan nito. Maglalakad na sana sila papuntang elevator nang sinalubong sila nang isang babaeng nagmamadali.
“Secretary young, Mabuti nalang at naabuutan kita.” Wika nang babae na sumalubong sa kanila. Napatingin si Ren sa babae.
“Nancy? Bakit?” tanong ng secretary sa babae.
“Siya na ba?” tanong nito at napatingin kay Ren. Napakunot naman ang noo ng secretary nang makitang nakatingin ito kay Ren. “Good thing you are here. Kanina pa kita hinihintay.” Wika nito saka hinawakan ang kamay ni Ren.
“Excuse me. What?” takang wika nang dalaga saka binawi ang kamay niya sa babae. Nabigla siya sa sinabi nito at halatang maging ang secretary nang pinsan niya ay nagulat din sa ginawa niya.
“I think you are---” putol na wika nang secretary.
“I was requesting for a PA, Remember?” pagpapaaalala nito kay Secretary Young. “Mira is on Maternity leave. And I need a replacement. Dahil kulang tayo sa tao. Nag sign up nang contract si Eirick sa company natin ngayon. Need niya nang bagong assistant. Hindi kakayanin ni Mira ang trabaho lalo na ang buntis siya.” Wika nito sa kanila. “Siya na ba ang pampalit kay Mira?” ulit nitong tanong saka tumingin kay Ren.
Wait. Pinagkakamalan ba niya akong kapalit nang PA na nasa Mat Leave? Hindi naman ito ang intership na pinunta ko dito. Usal nang isip nang dalaga nang mapagtanto kung ano ang sinabi nang babae.
“Um-She--” nagdadalawang isip na wika ni Secretary Youn saka tumingin kay Ren. Paano ba niya sasabihin na pinsan nang CEO ang dalagang ito. Napatingin siya sa dalaga at sa simpleng suot nitong damit. Kahit sino talaga hindi maniniwalang pinsan ito nang CEO at isa sa mga tagapagmana nang Kingdom. Napakasimple nang suot na blouse at pants. Talagang mapagkakamalan itong applikante ni Nancy.
“She’s so plain. And what’s with her culr hair and big lens spectacle. Common description nang isang old maid. Meron pa palang ganito sa panahon ngayon?” wika nito at pinasadahan siya nang tingin mula ulo hanggang paa. She was just wearing a simple T-shirt and pants. Agaw pansin din ang curly na buhok nang dalaga at ang suot nitong spectacle.
“The thing is---” wika ng lalaki saka tumingin sa dalaga. Kahit siya nagdadalawang isip na sabihin kung sino ang dalagang kasama niya.
“Oh, never mind. Wala na akong choice. Make sure to do your job Well.” Wika nito saka inilagay sa kamay ni Ren ang mga scripts. Taka namang nagkatinginan sina Ren at Secretary Young dahil sa ginawa nang babae. Ibig bang sabihin nito talagang magtatrabaho siyang isang PA doon? Hindi manlang nito papakinggan ang paliwanag ng Secretary ni Isaac?
Masyado namang Judgemental ang isang ‘to. Wika nang isip ni Ren.
“Ano pang tinatanga mo Diyan. Dalhin mo ang mga Scripts sa loob nang conference room. They are waiting for that.” Wika nito saka nagmamadaling nilampasan ang dalaga. Taka namang napatingin si Ren sa secretary nang Pinsan niya.
“I’ll---” putol na wika ng Secretary. Saka napatingin sa dalaga nang inilayo nito ang scripts nabalak sana niyang kunin sa kamay nang dalaga. “Ako nang magdadala niyan.” Usal nang lalaki.
“Actually, I think I will do this job instead.” Ngumiting wika nang dalaga.
“What?” Gulat na bulalas ng binata nang marinig ang sinabi nang pinsan ni Isaac. Natawa naman ang dalaga sa reaksyon ng secretary.
“I don’t think this is a bad idea. At pansamantala lang naman.”
“Pero, papatayin ako ni Mr. Bryant kapag nalamang isang Trabaho nang PA ang ibinigay ko sa pinakakamahal niyang Pinsan.” Wika nito.
“Akon ang bahala diyan.” Wika ng dalaga at ngumiti saka tinapik ang balikat nang secretary saka naglakad patungo sa elevator, pero biglang huminto ang dalaga sa paglalakad saka nilingon ang binatan.
“Umm. I don’t know kung nasaan ang conference room. Pwede mo ba akong Samahan?” Nakangiting wika ng dalagan. Napangiti naman si Secretary young at napailing saka naglakad papalapit sa dalaga.
“Thank you.” Wika ni Ren nang nasa harap na sila nang elevator.
“I still don’t think this is a good idea. Marami namang pwedeng ------”
“It’s fine. Kaya ko ang trabahong ‘to.” Wika nang dalaga. Besides, nang malaman niyang nasa kompanya na nang pinsan niya si Eirick bigla siyang nagkainteres sa trabahong iyon. Alam niyang kilalang artista ang binata. Gusto rin niyang makita kung paano ito magtrabaho. She wants to think of it as she is going undercover para malaman kung anong klaseng tao ba ang lalaking magiging ama nang anak niya.
Kilala lang niya ang binata dahil sa mga nakikita niya sa balita at sa TV. Hindi maipagkakaila ang kasikatan nito. Bago siya pumayag na panagutan nito ang dinadala niya gusto niyang makita kung anong klaseng tao ba si Eirick Carillo sa likod nang Camera. He might be able to get to know him better kung magtatrabaho siya bilang isang assistant nito sa kompanya nila.