"He’s here!” wika ni Peter nang makitang huminto sa harap nang simbahan ang kotse ni Eirick. Nang bumaba ang binata lahat nabigla nang makita ayos nang binata. Para itong kakagaling lang sa away. Pansin na pansin ang dumi sa puting coat nito. Maging ang dugo sa ulo nito at sa gilid nang labi. Maraming nagtataka kong anong nangyari sa binata at kung bakit ganoon ang ayos nito. “Eirick. Anong nangyari bakit ganyan ang ayos mo?” Tanong ni Peter na lumapit sa binata kasama si Xander at Andrew. “Mukha yatang nag exercise ka bago ka nagpunta dito.” Wika ni Xander sa binata. “Si Ren?” tanong ni Eirick kay Xander. “Nasa loob nang kotse. Anong nangyari saiyo?” tanong ni Andrew sa binata. “Binisita ako ni Nathan. But it’s fine now.” Wika ni Eirick. “Binisita. I see he gave you his early we

