"Nandito na tayo.” Wika ni Eirick nang ihinto ang kotse niya sa harap nang University nina Ren. Napatingin ang dalaga sa labas nang bintana. Maraming estudyante sa paligid at kung lalabas sila ni Eirick nang magkasama tiyak na dudumugin sila nang mga tao. “Mag-isa na lang akong bababa, dito ka lang sa loob.” Wika nang dalaga saka tumingin kay Eirick. “Ihahatid na kita hanggang sa gate.” Wika nang binata. “Nakikita mo ba ang mga tao sa labas? Kapag Nakita nila tayong magkasama tiyak na dudumugin nila tayo. Ayoko nun, at sumasakit ang ulo ko sa maraming tao.” Wika nang dalaga. “Dapat masanay kana. Isang artista ang mapapangasawa mo.” Wika nang binata. “Hindi pa ako pumapayag.” Wika nang dalaga. “I know.” Wika nang binata saka napangiti. Akmang lalabas si Ren sa kotse nang biglang pi

