Marami ang nagtatanong kay Eirick kung anong plano niya ngayon pasko. Wala pa silang naalalang nag celebrate ang binata nang pasko. Bawat taon, tuwing pasko ang parating mag event ang binata. Mas pinipili nitong mag trabaho kesa mag celebrate. Walang nakakaalam dahil wala namang sinasabi ang binata. Ngayon taon, walang activity ang binata sa Christmas eve at at sa araw nang pasko wala din itong sinasabi na gagawin niya. Maging ang manager nito ay tikom ang bibig. “Eirick?!” gulat na wika ni Ren nang makita ang Binatang tumutugtog nang piano sa entablado nang isang conference hall sa Kingdom hotel. Christmas eve noon. Nakaugalian na nang pamilya nila na magsama-sama sa Christmas Eve bilang reunion na din nang pamilya nila. Nasa conference hall lahat nang miyembro nang pamilya nang Bryant

