EPISODE 2
TED P O V
"Good Morning, Pa!" sabay na bati sa Akin ng Dalawang Anak Kong Babae, Sabay halik sa Pisngi Ko
"Good Morning, Ladies!" tugon Ko din sa Kanila. Sabay upo na sa Kabisera ng Dining Table Namin. Naka- Handa na ang Almusal Namin na Silang Dalawa ang nagluto. Sabay sabay talaga Kaming mag- Almusal bago pumasok sa Kanya Kanya Naming mga Trabaho. Si Sarah ang Panganay Ko ay sa Isang Advertising Agency, Si Sandra Naman ay Writer sa Isang Magazine. Ako naman ay Isang Police Lieutenant. Matagal na Kong Byudo, payag naman ang mga Anak Kong mag- Asawa ulit Ako. 'Yung mapapa- ngasawa Ko nga lang ang wala pa.
Habang Kumakain Kami ay may kasamang Kwentuhan, gusto ko kasing walang ililihim sa Akin ang mga Anak ko kaya Lahat ay tinatanong Ko, kung may mga manliligaw na ba Sila. Pero Wala pa namang nagpupunta Dito para umakyat ng Ligaw. Kahit naman Pulis Ako ay Hindi Ako mahigpit sa mga Anak Ko kahit mga Babae Sila. Wala pa Naman daw puro palipad Hangin lang. Baka kako natatakot lang sa Akin kaya hindi maka- punta ng Bahay, 'yun lang ang hiling Ko sa Kanila. Dapat ko munang makilala bago Nila sagutin.
"Bye, Pa! Ingat!" paalam ng mga Anak Ko, tsaka Sila Sumakay sa kani- Kanilang mga Sasakyan. Dahil magkaka- iba Kami ng Lugar ng Trabaho Namin.
"Bye! Ingat Din!" tugon Ko naman sa Kanila, Ako ang huling lumabas ng Aming Bakuran. Isinara Naman ng Kasambahay Namin ang Gate.
Pagdating sa Presinto ay may na- receive agad na tawag ang Desk Officer Namin na may nang- ho- hostage daw sa Isang Barangay kaya agad agad Kaming sumakay sa Service Namin para puntahan ang Lugar ng Biktima. Konting negosasyon lang ay pinakawalan naman ng Hostage Taker ang Biktima. Selos pala ang pinag- a- awayan. Pagkatapos ay bumalik na Kami sa Presinto na wala namang nasaktan sa Amin.
"Akala ko makakapag- exercise na ko, tsk! Hindi man lang Tayo pinag- pawisan!" himutok ni SPO1
"Oo nga! tagal ko ng Hindi napapa- sabak!" Sagot naman ni SPO2
Naiiling na lang Akong dumiretso na ko sa Office para gawin ang mga Paperworks, pipirma sa mga Gustong mag- Leave of Absence o kaya ay Release Paper ng mga Lalaya na.
Pagsapit ng Alas Singko ng Hapon ay niligpit Ko na ang mga kalat sa Table Ko para umuwi na. Mabuti na lang at wala masyadong Krimen sa Maghapon nagdaan.
Pag- uwi ng Bahay ay manunuod Muna Akong Balita sa T V hanggang hinihintay Kong maka- uwi ang Dalawang Anak Ko para sabay sabay ulit Kaming magha- Hapunan. Kasambahay na Namin ang nagluluto. Wala kasi Akong Talent pagdating sa Kusina. Bago Matapos ang pinapa- nuod Kong Balita sa T V ay magka- sunod na Silang Dumating kaya Kumain agad Kami at kinumusta Ko ang Maghapon Nila sa Trabaho. Kinabukasan ay Ganuon ulit ang Routine Ko, Trabaho - Bahay, Bahay - Trabaho. Minsan naiisip ko ding mag- Asawa ulit kaya lang kapag naiisip Ko kung Bakit namatay ang Asawa Ko ay pinang- hihinaan Ako ng Loob na makipag- Relasyon Ulit. Konting Pahinga pagkatapos Kumain tsaka Ako nagpa- alam sa mga Anak Kong papanik na para Matulog sa Aking Kwarto. Maiiwan Muna daw Sila sa baba at may gagawin pa.
GRACE P O V
"Eto na ang mga Baon N'yo, mag- aral mabuti 'wag puro lakwatsa ang atupagin ha!" bilin ko sa mga Kapatid Ko bago Kami umalis ng Bahay. Sabay sabay Kasi Kaming aalis dahil madadaanan Ko Naman ang School na pina- pasukan Nila. Maglalakad lang Kami ng Konti para makarating sa Kanto tsaka sasakay Kami ng Jeep, Sila sa School Ako Naman sa Ospital na pinag- ta- Trabahuhan ko.
"Opo, Ate!" magalang naman Nilang Sagot, kinuha Naman Nila ang Perang ina- abot Ko tsaka Ako tinulungang isara ang Aming Gate na pantay sa Dibdib. Ako na ang bumubuhay para sa Aming Tatlong magka- Kapatid. Ulila na kasi Kami sa Magulang. Namatay Silang Dalawa sa Aksidente. Mabuti nga at nagka- ruon pa Ako ng Dalawang Kapatid na Lalake. Nasa High School pa lang kasi Sila pareho. Matagal bago Ako nasundan pero nagka- sunod naman dahil Isang Taon lang ang pagitan Nila. Nasa 30's na Ko pero Single pa din. Nagka- ruon Ako dati ng Boyfriend pero hindi N'ya matanggap 'yung obligasyon Ko sa Dalawa Ko pang Kapatid, kaya nakipag- Break S'ya sa Akin. Wala na Kong balita sa Kanya mula ng makipag- hiwalay S'ya.
Madaming bumabati sa Aming mga Kapitbahay Namin habang naglalakad Kami papuntang Kanto para Duon Sumakay ng Jeep.
"Sipag talaga ni Grace 'no!"
"Mabait pa, kita mo S'ya na ang bumubuhay sa Dalawa N'yang Kapatid mula ng mamatay ang mga Magulang Nila."
"Papa- ligawan ko nga 'yan sa Anak ko kapag umuwi na galing Saudi, T'yak na magaling S'yang mag- alaga at magmahal, Nurse pa!" sari saring komento ang nadidinig Namin sa mga Kapitbahay Naming naka- tambay sa Tindahan ni Aling Obang, Tambayan talaga ito kapag Umaga habang humihigop Sila ng mga dala- dala Nilang Tasa ng Kape. Na- ngiti Naman Ako sa mga Kwentuhan Nila dahil kahit Sino naman ang mapa- Daan sa tapat Nila ay nagbibigay Sila ng mga Komento. Buti na lang at maganda ang mga sinabi Nila tungkol sa Akin.
"Bye Ate! Ingat!" paalam ng mga Kapatid ko ng huminto ang Sinasakyan Naming Jeep sa tapat ng Gate ng School Nila.
"Bye! Ingat din!" Sagot Ko naman sa Kanila at tumayo na Sila sa Upuan para bumaba. Sa Susunod na Dalawang Kanto pa ang Ospital na pina- pasukan Ko.
"Good Morning, Nurse Grace!" bati ng Guard pagpasok ko pa lang sa Glass Door ng Ospital
"Good Morning din po, Manong!" naka- ngiti Ko ding bati sa Kanya. Tsaka Ako dumiretso sa Nurse Station para mag- log in at Iwan ang mga Gamit Ko, dahil Maya Maya lang ay umpisa na ng Schedule Ko.
Pagdating Ko sa Nurse Station ay may pinag- kakaguluhan Silang tinitingnan, paglapit ko sa Kanila ay Dali Dali Silang nahawi na akala mo may dumaan na buhawi. Nang tingnan ko ang pinag- kakaguluhan Nila ay Isang Bungkos ng Bulaklak pala.
"Go- good Morning, Grace!" pautal Nilang bati na halata mong guilty dahil Hindi maka- tingin sa Akin ng Diretso. Tumango Naman Ako sa Kanila at di- diretso na sana Ako sa locker Ko ng magsalita ang katabi Ko.
"Para Sayo 'yung Bulaklak Grace, si Doc Orlie ang nagpadala, hehe!" kiming Sabi N'ya sa Akin, kaya napapa- iling na lang Ako dahil 'yun pala ang pinag- kakaguluhan Nila, tiningnan Nila siguro kung Sino ang nagpadala sa Akin. Alam naman Nilang matagal ng nanliligaw si Doc Orlie, Akala Nila siguro ay may iba pang nagpadala sa Akin.
"Sige! dalin ko Muna sa Locker ko, Salamat!" Sagot ko sabay kuha ng Bulaklak na nasa Ibabaw ng Table para dalin sa Locker ko, Hindi ko na tiningnan ang Card, Kay Doc Orlie na nga daw galing bakit titingnan Ko pa?
Paglabas ko ng Locker Room ay nagpe- paging ang Receptionist ng Ospital na may dinala daw pasyente na nasa Emergency Room kaya pumunta Kami agad. Mga mild injury lang naman, nilinis lang Namin ang mga sugat tsaka nilagyan ng gasa, ni- resetahan ng Doctor na naka- assign tsaka pina- uwi na Sila. Nagka- banggaan daw ang Dalawang Tricycle na malapit Dito kaya nadala agad Sila.
Kapag may banggaan ay na- alala ko na naman ang mga Magulang Ko. Sa Banggaan din Kasi Sila namatay, Nakita daw ng mga Tao na talagang binangga pero Hindi na ko nag- demanda dahil Wala Akong Perang pang- asikaso, nag- a- aral pa Kasi Ako nuon Buti at Graduating na Ako, tapos nag- a- aral din sa Elementary ang Dalawang Kapatid Ko. Mabuti nga daw at may mga naka- kita ng nangyari kaya nadala agad Sila sa pinaka- malapit na Ospital. Pero binawian din Sila ng Buhay. Hindi ko na nga Sila napa- salamatan dahil Hindi ko alam kung Sino ang uunahin Kong asikasuhin nung Time na 'yun.
"Grace, hatid na Kita?" Tanong ni Doc Orlie ng palabas na Kong Ospital, out Ko na Kasi.
"Sige po Doc, salamat din po pala sa Flowers, Hindi ko na po kayo na- pasalamatan dahil sa Dami N'yong pasyente Kanina." mahabang paliwanag ko, sabay pakita ng Bulaklak na hawak ko
"You're welcome! Tara na para Hindi Tayo ma- traffic?" Sagot naman N'ya, giniya na N'ya Ako papunta sa Sasakyan N'yang naka- parada sa Hindi kalayuan sa Entrance ng Ospital.