EPISODE 3
TED P O V
Busy Ako sa Opisina Ko ng may kumatok sa Pinto.
"Pasok! Bukas 'yan!" sigaw Ko, pero naka- tingin pa din Ako sa binabasa Ko.
"Chief hino- hold up daw po 'yung China Bank sa may Sto. Niño!" nagmamadaling Sabi ng nagbukas ng Pinto, Binitawan ko ang mga Papel Kong hawak tsaka Ako Tumayo at kinuha Ko ang mga Baril ko na nasa Drawer at sinuksok sa Baywang ko.
"Let's go!" Sagot ko habang naglalakad palabas ng Opisina Ko.
Pagsakay Namin ni SPO1 sa Patrol Car na S'yang tumawag sa Akin sa Opisina ay pina- andar na ito para makarating Kami agad sa insidente.
Pagdating Namin ay Maraming Taong nakiki- usyoso at kumukuha ng Video tapos i- a- upload ko sa mga Social Media Nila. Nahawi naman agad Sila nang Dumating Kami tsaka Kami pum- westo sa Paligid ng Bangko. Nag- announce agad ang kasamahan Namin sa megaphone na napapa- ligiran Namin ang buong Bangko kaya sumuko na Sila. Iyakan lang ng mga Biktima ang nadidinig Namin, tahimik ang mga Hold- upper, nagpa- Plano siguro kung Paano Sila makaka- labas. Hindi naman Kami maka- Pasok agad, iniisip din Namin ang mga nasa loob ng Bangko baka kasi madamay pa Sila. Hangga't maaari kasi ay kinaka- usap muna Namin Sila, kung makukuha sa mahinahon na negosasyon, kadalasan kasi ay may mga gusto lang Silang hingin, pero kung magmama- tigas Sila ay mapipilitan Kaming gamitan Sila ng Dahas.
Bang! Dinig Namin sa Bandang Kaliwa Namin, Dito Kasi Kami sa Gitna naka- Pwesto, kaya kumubli Muna Kami sa gilid ng Sasakyan
"Saan galing 'yung putok?" Tanong ko sa kasamahan Kong mga Pulis. May mga naka- kabit sa Aming mga earpiece para madali para sa Amin ang makipag- komunikasyon sa Isa't Isa.
"Sa loob po Chief!"
"Papasok po Kami Chief Dito sa Likod may nakita po Akong Bukas na Pinto, Banyo po siguro ito," mahabang paliwanag ni SP01
"Sige! mag- i- ingat Kayo! Timbrehan N'yo na lang Kami!" Sagot Ko Naman sa Kanila, baka kublinpa din Kami sa gilid ng Kotse pero Hindi na nasundan ang putok ng Baril kanina.
"Yes Sir!" Sagot naman Nila
Habang naghihintay Kami ng Signal Nila ay nagpalipat- lipat Muna Ako ng Sasakyang pinag- kukublihan para maka- punta sa Entrance ng Bangko, titingnan ko kung makaka- Pasok Ako sa loob ng Hindi Nila napapansin. Pero hindi Ko nakita 'yung naka- kubli ding Hold upper na nasa malaking Jar papasok ng Bangko.
Bang! "arghh!" Sabi ko sabay dapa ko at hawak sa Kaliwang Brasong natamaan ng Bala, naramdaman Kong may mainit na likidong umagos Dito.
"Chief!!!??" dinig Kong sabay sabay Nilang tawag sa Akin sa Earpiece.
"Ok lang Ako! Sa Braso lang ang Tama, daplis lang siguro!" Sagot ko namang naka- ngiwi dahil ramdam Ko na ang hapdi sa sugat Ko.
Bang! Bang! Bang! Dinig Kong putok ng Baril na nanggagaling sa loob, naka- pasok na siguro ang ibang kasamahan Namin kaya gumanti ng putok din ang mga Hold Upper, Hindi Naman kasi Kami ang Unang magpapa- putok, gaganti na Kami kung alam naming nasa panganib na ang mga Buhay Namin. Tumayo na din Kaming mga naka- paligid sa Entrance ng Bangko tsaka pumasok at tinutukan lang ng Barila ang Ibang Hold Upper na nawala sa Amin ang Atensyon kaya naka- lapit Kami. Tinaas naman agad Nila ang mga Kamay Nila at Hindi na nanlaban ng ma- Korner na namin Sila. Tatlo ang sugatan sa Kanila, nilagyan na ng mga Posas ng mga Kabaro Ko ang Kamay Nila tsaka isinakay sa Patrol Car para Dalin sa Presinto. Wala namang nasaktan sa mga nasa Loob ng Bangko, mga Teller ng Bangko, karamihan mga Babaeng Depositor may Kasama pang Bata. Nakadapa Sila Lahat at umiiyak. Isa Isa Naman Silang tumayo ng Sabihin Naming ligtas na Sila. Nagpa- salamat Naman Sila sa Amin at Habang tinitingnan Namin ang bawat sulok ng Bangko baka Kasi may naiwan pang Hold Upper o may iniwang Bomba ay Naka- hawak pa din Ako sa Kaliwang Braso Ko. Nang makita Naming safe Naman Isla ay nagpa- alam na Kami sa Kanilang babalik na Kami sa Presinto.
"Chief! dalin Muna Kita sa Ospital para magamot 'yang sugat mo!" nag- a- alalang sabi ni SPO4 Aris, S'ya ang pinaka- Close Ko sa Presinto. Gusto Ko nga S'ya para sa Anak ko pero may pagka- torpe kaya hanggang Ngayon ay Binata pa din.
"Sige! Salamat!" Sagot ko Naman, sabay sakay sa Isa pang Patrol Car na S'ya ang nag- Drive kanina, 'yung ibang sakay Nito ay sa ibang Patrol Car na sumakay para madala Ako sa pinaka- malapit na Arellano Ospital, medyo tumitindi din kasi ang Kirot ng sugat Ko.
May lumapit naman agad sa Aming Staff ng Ospital ng makita Kami ni SPO4 Aris na papasok at tinanong kung Ano ang Kailangan Namin, nang ipakita Ko ang dumudugo Kong Braso ay napa- Takip ang Isang Kamay nito sa Bibig N'ya.
"Wait po Sir! Tatawag po Ako ng Nurse!" natatarantang Sabi nito Saka Kami dinala sa Emergency Room at pina- upo sa Kamang natatabingan ng Green na Kurtina. Tumango lang Kami sa Kanya, Hindi pala S'ya Nurse.
"Sino po ang gagamutin?" Tanong ng Babaeng Nurse na humawi ng Kurtinang naka- tabing sa Kamang ini- upuan Ko, nakatayo Naman sa Tabi Ko si SPO4. Pinag- lipat lipat pa N'ya ang tingin sa Amin hanggang mapa- tingin S'ya sa Kaliwang Braso Kong hawak Ko pa din at may bahid ng Dugo ang Bimpong pinang- Takip ko para ma- ampat ang pagdurugo.
Lumapit S'ya sa Akin dala ang First Aid Kit tsaka ito ipinatong sa Kamang inu- upuan Ko para magamot ang Sugat Ko. Nasamyo Ko agad ang amoy Candy N'yang Pabango. Masarap ding titigan ang walang bahid ng pam- paganda ang Kanyang Mukha. Nakaka- aliw na pag- masdan S'ya Dahil sa hinhin ng pagpahid ng Betadine sa Aking Sugat. Hindi ko ma- intintidihin ang nararamdaman Ko sa Babaeng ito, maamo ang Mukha at parang masarap halikan ang Kanyang makipot ng mga Labing naka- tikom. Hindi Ko nga ramdam ang hapdi sa sugat Ko ng lagyan N'ya ito ng Alcohol na nasa Bulak. Mabuti na lang at dumaplis lang ang Bala kaya nilinis lang ang sugat para hindi ma- inspeksyon.
"Ehemm!" tikhim ni SPO4 sa tabi Ko kaya sa Kanya nabaling ang paningin Ko. Nakita ko S'yang nagpipigil nang maka- hulugang ngiti.
"What!?" Singhal Ko sa Kanya, dahil pinag- lipat lipat pa N'ya ang tingin sa Amin ng Nurse.
"Wala!" Sagot N'ya pero Hindi pa din nawawala ang maka- hulugan Ngiti sa Kanyang mga Labi, kumunot lang naman ang Nuo ko, type din N'ya yata 'yung Nurse? Naku! magiging Karibal ko yata itong ma- manugangin ko.
"Ok na po, Sir! Punta na lang po Kayo Kay Doc Morales para po mabigyan Kayo ng Reseta ng bibilin N'yong Gamot." mahaba N'yang paliwanag na naka- ngiti sa Akin, kaya napa- tulala na lang Ako sa Kanya dahil Lalo S'yang gumanda kapag naka- ngiting habang nagsasalita.
"Sige! Nurse Grace, Maraming Salamat!" si SPO4 Aris na Ang sumagot para sa Akin. "Natulala na Kasi itong Kasamahan ko!" natatawa N'yang Sabi sa Nurse, ngumiti lang ito at tumalikod na sa Amin. 'Grace' Kasi ang naka- Lagay sa Name Tag N'ya na naka- pin sa taas ng Kanang Dibdib N'ya kaya nalaman Namin ang Pangalan.
"Chief!? Parang tinamaan Kayo sa Nurse ha!?" nanunuksong Tanong ni SPO4 Aris sa akin, palabas na Kaming Arellano Hospital, pagkatapos gamutin ang Sugat Ko, binigyan na din Ako ng Gamot ng Doctor para daw madaling matuyo at Hindi ma- inspection.
"Maganda 'no!?" naka- ngiting balik na Tanong Ko sa Kanya, "tsaka mahinhin! Paano ko kaya malalaman ang totoong Pangalan N'ya?" dagdag ko pang Tanong
"Madali lang 'yan Chief! Bumalik Ka sa Isang Araw tapos patingnan mo ulit 'yang sugat mo, S'ya ulit ang paglinisin mo! Tapos itanong mo na din Kung Ano ang Pangalan N'ya!" natatawang payo ni SPO4 sa Akin
"Oo nga 'no!?" Sabi ko at nagka- tawanan na Kaming pareho kaya pinag- titinginan Kami ng Ibang Pasyenteng nasa Lobby at ibang dumadalaw sa Kamag- Anak Nilang may sakit. Sumakay na Kami sa Patrol Car para bumalik ng Presinto pagkarating Namin sa Parking ng Ospital.