EPISODE 4
GRACE P O V
Mga pasaway talaga ang mga co- worker ko, nagpadala na Naman kasi ng Bulaklak si Doc Orlie, alam Naman Nilang matagal na itong nanliligaw sa Akin. Pina-kialaman pa talaga Nilang tingnan kung Sino ang Sender na nasa Card na naka-ipit sa Bulaklak. Hindi Naman Ako nagagalit, ginagawa din Kasi Nila iyon sa ibang Kasamahan Namin basta may Bulaklak na dumarating Dito sa Nurse Station.
May dinalang Dalawang Mag-Anak na nagka-banggaan daw ang Sinasakyan Nilang Tricycle, mabuti malapit Dito sa Arellano Hospital ang Aksidente kaya nadala agad Sila. Mga Minor bruise at injury ang natamo Nila kaya nilinis na lang Namin tsaka binigyan ng Reseta ng Doctor at sinabing pwede na Silang umuwi. Kapag ganitong may dinadalang Pasyente dahil daw sa banggaan ay na-a-alala ko tuloy ang mga Magulang Kong namatay din dahil sa Binangga daw ang Sinasakyan Nila.
Natapos ang Maghapong Kasama Ako ng mga Doctor na nagra-round sa mga Pasyente. Pauwi na Ko dahil tapos na ang Schedule ko ng Sumabay sa Akin si Doc Orlie na palabas ng Ospital na pinagta-Trabahuhan Namin. Sinabi N'yang ihahatid na N'ya Ako pauwi, pumayag naman Ako dahil mabait Naman S'ya, 'yun nga lang natatakot Kasi Akong makipag-Relasyon ulit dahil sa Nangyari sa Amin ng Ex Ko. Nagpa-Salamat na din Ako sa Binigay N'yang Bulaklak na dala dala ko pa. Hindi Kasi Kami nagkita maghapon dahil may inoperahan S'ya. Kilala na din S'ya ng mga Kapatid ko at Kapitbahay.
Pag-uwi ko sa Bahay ay naghahain na ang mga Kapatid Ko. Kaninang Umaga Kasi ay niluto Ko na ang ulam namin para nga Ngayon Gabi ay iinitin na lang Nila ang Ulam. Para pagdating Nila galing School ay magsasaing na lang Sila. Di-na-dagdagan Ko na lang ang Baon Nila para pambili Nila ng Lunch para makakain Sila ng mainit na Kanin. Sa Canteen lang din ng Ospital Ako Kumakain. Hindi naman na bumaba ng Sasakyan si Doc pagka-hatid sa Akin, may Pupuntahan pa daw kasi S'ya.
Mga Kapatid Ko na ang nag-ligpit ng pinag-kainan Namin. Para daw mapa-hinga naman Ako. Sandali lang Kaming nanuod ng TV at tsaka ko kinumusta ang pag-a-aral Nila, maya-maya ay pumanik na Kami para matulog sa mga Kwarto Namin.
"Good Night, Ate!" sabay Nila paalam sa Akin ng matapat Kami sa Pinto ng Kwarto Nila. Tig-i-isa Kami ng Kwarto. Dati kasi ay share Silang Dalawa dahil pareho namang Lalake pero nang mamatay ang mga Magulang Namin ay Ako na ang gumamit ng Kwarto Nila. Pinagamit Ko na sa Kanila Ang dating Kwatro Ko Kaya nag-tig-isa na Silang ginagamit. Dumiretso na din Ako sa Kwarto Ko para mag-half bath at Matulog.
Maaga Akong gumigising sa Umaga para magluto ng Almusal at para na din sa Hapunan Namin mamaya, tapos Konting walis at punas sa Sala para Hindi maipunan ng alikabok. Linggo lang kasi ang Day Off Ko kaya kapag Linggo lang Kami nag-ge-general Cleaning na magkakapatid tsaka Nila Ako tinutulungang maglaba.
Pagkakain at pagkabigay Ko ng mga Baon Nila ay sabay-sabay na ulit Kaming Aalis na Magkakapatid para Sila Pumasok sa School, Ako Naman sa Trabaho Ko sa Arellano Hospital.
"Best!!" tawag ni Cherry sa Akin, My Childhood Bestfriend, kaya tumigil muna Kami sa paglalakad at napalingon Ako sa Kanya
"Bakit Best?" Tanong ko sa Kanya, Karga ang Bunso N'yang Anak. Maaga kasi S'yang Nag-Asawa kaya naka-Tatlong Anak na. "Hello! Bunso!?" bati ko din sa Karga N'yang Anak, hinawakan ko pa ang Isang Kamay at nilaro-laro.
"Birthday Ngayon ng Inaanak Mo, Punta Kayo sa Bahay mamaya duon na Kayo Kumain ng Hapunan. Konting salo-salo lang." mahaba N'yang paliwanag, Syempre dahil mag-Bestfriend Kami ay kinuha N'ya Akong Ninang sa Panganay Nilang Anak.
"Sige, Best! punta Kami mamaya! Pakisabi na din sa Inaanak Kong Happy Birthday!" tugon Ko naman at konting kumustahan pa at nagpa-alam na Kaming magkakapatid, baka kasi Tanghaliin na Sila sa Klase.
Pagdating Kong Ospital ay tahimik ang mga co-nurse Ko, Wala kasing nagpadala ng Flowers kahit Isa sa aamin kaya wala Silang pinagkakaguluhan. Bandang Tanghali ay tinawag Ako ng Isang Staff, meron daw Pasyenteng Kailangang gamuting sugat sa Braso nasa Emergency Room na daw kaya kinuha Ko ang First Aid Kit Ko tsaka Ako pumunta kung nasaan ang Pasyente.
Paghawi ko ng Kurtinang nakatabing sa Kama, pinaka- dibisyon Kasi 'yon sa bawat Kamang nasa Emergency Room ay Merong Dalawang Pulis, Isang naka-upo sa Kama at Isang nakatayo sa tabi nito. Pareho Silang nakatingin sa Akin kaya na- conscious naman Ako, pareho kasing Gwapo. Mas may Edad lang 'yung naka- upo. Nang Tanungin ko kung Sino ang gagamutin tsaka ko Nakita 'yung may bahid ng dugong bimpong hawak sa Braso ng naka-upo kaya alam Kong ito ang gagamutin kaya lumapit na Ako sa Kanya.
Pinatong Ko sa Kamang inu-upuan N'ya ang First Aid Kit tsaka ko S'ya in-umpisahang gamutin. Buti dumaplis lang ang Bala. Nanginginig naman ang mga Kamay ko sa paglinis ng sugat N'ya, ramdam ko kasi ang pagtitig sa Aking Mukha ng Pulis na ginagamot Ko. Parang mine-memorya ang bawat parte ng Mukha Ko. Kahit nga nung dinagdagan Ko ang Alcohol sa bulak na pinang-linis Ko ay Hindi man lang S'ya naka-ramdam ng hapdi. Natapos ko Naman S'yang gamutin kahit naka-titig S'ya sa Aking Mukha Hindi sa sugat N'yang ginagamot Ko.
Naka-hinga Ako ng maluwag ng matapos ko ng gamutin ang sugat N'ya at lagyan ng gasa, sinabi Kong Puntahan si Doc Morales para mabigyan S'ya ng Reseta na Kailangan N'yang bilin para ma-inom N'ya. 'Yung naka-tayong Pulis ang sumagot sa Akin kaya nginitian Ko lang Sila at lumabas na Ko ng Emergency Room. Hawak Ko ang Dibdib Ko paglabas para kasing may naghahabulang Kabayo sa lakas ng kabog.
Pagkatapos ay Kasama ulit Akong nag-round ng Doctor sa mga Pasyenteng naka-confine. Dati sa Operating Room Ako naka-assign pero mula ng mamatay sa Aksidente ang mga Magulang Ko ay umayaw na ko dahil ayokong nakaka-kita ng nasa bingit na ng Kamatayan. Kaya nagpalipat Ako.
TED P O V
"Pa!?" nag-a-alalang tawag sa Akin ng Panganay Kong Anak na si Sarah, kadarating lang N'ya galing Trabaho. Naka-upo Ako Dito sa Sofa sa Sala at nanunuod ng Balita sa T V, pahapyaw ding na-Balita ang nangyaring Hold up-an sa Bangko kanina. Tumingin lang Ako sa Kanya, papasok pa lang kasi S'ya ng Pinto Namin. Pag-upo N'ya sa tabi Ko ay yumakap agad S'ya sa Akin. Buti Dito S'ya sa Kanan Ko p-um-westo, sa Kaliwa kasi Ako nadaplisan ng Bala kanina.
"Tinamaan Ka daw ng Bala?" mangiyak-ngiyak N'yang Tanong sa Akin tsaka hinawakan N'ya ang Kaliwang Braso Kong may gasa.
"Daplis lang," maikling tugon ko, "Sino ang nagsabi sayo?" Tanong ko Naman sa Kanya kahit alam Ko naman kung Sino ang Taong nagparating ng Balita Ditong nasugatan Ako sa Operasyon Namin sa Bangko Kanina.
"Si Aris po!" Sagot naman N'ya, kaya natawa na lang Ako. Sino pa ba naman ang magsasabi sa Kanya eh alam ko namang madalas Silang mag-katawagan sa Cellphone. Kaya hindi na ko magugulat kung magka-gustuhan Silang Dalawa, Torpe lang talaga itong si SPO4 Aris kaya kahit Kwarenta na ay Binata pa din. Bente Singko Naman ang Panganay Ko. Nasa Singkwenta naman Ako, maaga Kaming bumuo ng Pamilya ng Asawa Ko.
Nang maisip ko si Nurse Grace ay siguradong malaki din ang agwat ng Edad Namin. Naalala Kong baka na-i-kwento din ni Aris sa Anak ko 'yung biruan Namin Kanina sa Ospital.
"Wala na S'yang ibang k-in-wento Sa'yo?" Tanong Ko sa Kanya habang naglalakad Kami papuntang Kusina, naka-yakap pa din ang Kaliwang Braso N'ya sa Baywang Ko naka-patong naman sa Balikat N'ya ang Kanang Braso Ko. Nagpasabi na kasi si Sandra na ma-le-late ng uwi dahil Birthday ng co-worker N'ya kaya Kami na lang ni Sarah ang magha-Hapunan pati Kasambahay.
"Wala na po 'Pa, 'yun lang pagkaka-Baril Sa'yo." Sagot naman N'ya sabay upo na sa Pwesto Nito para makakain Kami. Naka-hinga naman Ako ng maluwag dahil duon, talagang maaasahan Ko ang Taong 'yun! Alam N'ya ang dapat at hindi dapat sabihin sa Anak ko.