CHAPTER 5

1442 Words
EPISODE 5 TED P O V "Good Morning, Chief!" bati sa Akin ng Kabaro Kong naka-sabay Kong papasok ng Presinto, sabay Saludo. "Good Morning Too!" Sagot ko at S-um-aludo din Ako sa Kanya. "Chief!?" bati ni SPO1 sa Akin pagpasok Kong Presinto. "Bakit po pumasok na Kayo? Dapat po nagpa-hinga muna Kayo, Ayos na po ba ang sugat N'yo?" sunod sunod pa N'yang Tanong na may malasakit. "Ayos na! Malayo 'to sa Bituka!" Sagot Ko naman sa Kanila, naglapitan na din kasi ang iba Naming Kabaro sa Akin at kinu-kumusta Ako. "Daplis lang Naman!" dagdag Ko pang naka-ngiti sa Kanila "Dapat 'yung Puso ang tanungin N'yo hindi 'yung Braso!" nanunuksong pabirong sabi naman ni SPO4 Aris, naka-upo ito sa may Information Desk, tinitingnan siguro kung Ano ang schedule Namin Today, minsan kasi ay nag-i-inspection Visit Kami sa mga Establishment. "Ha!? Chief!? Tinamaan din Kayo ng Bala sa Puso!?" nanlalaki ang mga Matang Tanong Nila sa Akin, tiningnan pa Nila ang tapat ng Dibdib Ko. "Hindi!" napa-kamot Ako sa Kilay at natatawang Sagot Ko sa Kanila "Hindi Bala ang tumama kundi si Kupido!" natatawang Sabi ni SPO4 Aris, kaya naiiling na lang Akong kumuha ng Tissue na nasa Ibabaw ng Table na i-nu-upuan N'ya, nilukot ko tsaka ko ibinato sa Kanya. Mas lumakas pa ang pagtawa N'ya. "Puro Ka talaga kalokohan SPO4! kaya hindi ka si-ne-seryoso ng mga Babae!" pabiro din Nilang sabi Kay SPO4 "Talaga nga namang nadamay pa pati Lovelife Ko!" napapa-kamot sa Ulong Sagot N'ya kaya napuno ng tawanan Namin ang Presinto. Natatawa pa din Akong Pumasok sa Opisina Ko para umpisahan ang Maghapong Trabaho. "Chief!? Lunch na!" Sabi ni SPO4 Aris, pagpasok pa lang sa Opisina Ko, kaya nagulat Ako hindi man lang kasi kumatok Muna, pero may dala S'yang Thermal Bag, alam Kong Dalawang Tupperware ang laman para sa Amin. Pa-Minsan minsan talaga ay nagbabaon S'ya ng Lunch tapos dinadamay na N'ya Ako para sabay Kaming Kakain. Talagang nagpapa-lakas itong ma-manugang-in ko. "Hindi ka man lang muna kumatok!" malumanay Kong sermon sa Kanya "Alam ko naman Chief wala Kang tinatago, hehe, kapag may Girlfriend Ka na tsaka na Ko kakatok para Hindi Ko Kayo ma-istorbo!" naka-ngisi pa N'yang Sabi, kaya mahina na lang Akong natawa. Inisa-isa na N'ya inilabas ang laman ng Thermal Bag kaya niligpit Ko muna ang mga Papel na nasa Ibabaw ng Table Ko. "Mabuti hindi Mo sinabi Kay Sarah ang tungkol sa Nurse." seryoso Kong sabi, habang Kumakain Kami. "Alam ko naman po Chief 'yung dapat at Hindi dapat makarating sa Anak mo!" naka-ngisi pa N'yang Sagot sabay subo ng Kutsara na may Kanin at may Kasamang Adobong Baboy. Tumango tango lang Ako sa Kanya, Puno kasi ng pagkain ang Bibig Ko. "Kelan Ka po babalik ng Arellano Hospital?" Tanong N'ya ulit sa Kain, nagliligpit na Kami ng pinag-Kainan Namin. "Baka hindi na!" simpleng Sagot Ko naman sa Kanya, tumayo muna Ako para maghugas ng Kamay sa Banyo ng Opisina Ko "Ay! Akala ko pa naman Chief magkaka-lovelife Ka na, sayang!" napapa-iling na lang nitong Sabi, pagbalik ko galing Banyo "Paano Ko naman kasi S'ya maki-kilala pa, eh First Name lang ang alam Natin, baka sabihin pa nun, mahangas Ako kapag nagpa-Kilala Ako agad!" seryoso Kong paliwanag sa Kanya, naka-upo na ko sa Swivel Chair Ko, S'ya Naman sa tapat Ko, naka-pagitan sa Amin ang Table na ginagamit ko, Hindi pa kasi tapos ang Breaktime Namin kaya pwede pa Kaming mag-Kwentuhan. "Kung sabagay! Kahit bumalik Tayo sa Ospital tapos magpa-Kilala eh baka hindi Tayo paniwalaan nun! kahit mga Pulis Tayo." nang-hi-hinayang naman N'yang sagot na pabor sa Sinabi ko "Sayang Chief! Bagay na Bagay pa naman Kayo ni Nurse Grace, para kapag nag-maintenance na Kayo ng Gamot tsaka kapag nagka-sakit na Kayo, S'ya na lang mag-a-alaga sa Inyo, Hindi mo na Kailangang kumuha pa ng Nurse!" tumaas baba pa ang mga Kilay N'yang Sabi sa Akin, kaya babatuhin Ko sana ng Ballpen ay mabilis na itong nakatayo at pumuntang Pinto para makalabas. Naiiling n lang Ako sa Kalokohan ni SPO4, kung makapag-bigay ng payo akala mo may Girlfriend na. Ganuon lang talaga Kaming mag-usap pero kapag seryoso at tungkol sa Trabaho ay ni-re-respeto naman N'ya Ako. Ipapa-ubaya ko na lang sa Tadhana ang tungkol sa Amin ni Grace. Baka naman magkita pa Kami sa Ibang Pagkaka-Taon. GRACE P O V Nag-a-ayos Ako ng mga Gamot sa Shelves ng may kumatok sa Glass Door ng Nurse Station, Nang Tingnan Ko ay si Doc Orlie pala. "Doc? napa-Daan po Kayo?" naka-ngiti Kong Tanong sa Kanya. Sa Fourth Floor kasi ang mga Kwarto ng Doctor, Second Floor naman itong Nurse Station. Kaya Minsan madalang Kaming magkita ni Doc Orlie kapag nagkaka-salubong lang sa Lobby ng Ospital o kapag talagang sasadyain N'ya Ako Dito sa Nurse Station. "Hindi Ako napa-Daan lang, talagang Ikaw ang sadya Ko." naka-ngiti N'yang Sagot sa akin "Bakit po, Doc?" naka-kunot ang Nuong Tanong Ko ulit sa Kanya "Ah! yayain sana Kitang mag-lunch, total Breaktime Naman na," Sagot ulit N'ya sabay tingin sa Relong pambisig N'ya. Napa-tingin din Naman Ako sa Wall Clock na nasa Taas ng Glass Door, Saktong 12 Noon na pala, kaya Lunch Break Ko na "Sige po Doc, Kunin ko lang po Ang Wallet at Cellphone sa Locker Room." Saad Ko Naman sa Kanya kaya mas lalong lumaki ang ngiti N'ya na Kita ang pantay na mga Ngipin at mapuputi. Tumalikod na ko sa Kanya para pumunta ngang Locker Room. Pagbalik Ko ay pumunta agad Kaming Elevator para bumaba, nasa Ground Floor kasi ang Canteen nitong Hospital. Pero wala namang sinasabi Si Doc kung Saan Kami Kakain. "Saan mo gustong Kumain?" Tanong N'ya sa Kain, naglalakad na Kami Dito sa Lobby ng Ground Floor "Kahit sa Canteen na lang po Doc." Sabi Ko naman sa Kanya, pang-Canteen lang Kasi ang Budget Ko Ngayon, sa Isang Araw pa kasi ang Sweldo "Ah! Sa Resto na lang Tayo, mukhang puno na sa Canteen, nakita ko kasi Kanina." sabi naman N'ya, kinibot ko lang ang mga Labi ko, Hindi ko naman masabing Wala akong pambayad sa Resto "My treat! Let's go!?" wika N'ya, naramdaman N'ya sigurong nag-a-alangan Akong sumama sa Kanya. "S- Sige!" pautal ko namang Sagot sa Kanya sabay buntong-hininga, napadaan nga Kami sa Canteen, puno nga ito. Dahil siguro sa Isang Araw pa nga ang Sweldo ay nagtitipid na ang mga co-worker Ko. Meron ding mga naka-civilian, siguro mga Bantay ito ng mga Pasyenteng naka-confine. Sa Katabing Italian Resto Kami Kumain kaya napapa-lunok na lang Ako ng laway, Hindi pa Kasi Ako nakaka-kain Dito kahit katabi lang ito ng Ospital na pina-pasukan Ko. Medyo may kamahalan kasi ang mga Pagkain Dito. Pina-una N'ya Akong pumasok sa Resto Bago S'ya, sa Tabi ng Salaming Dingding Kami umupo, pinag-Hila Muna N'ya Ako ng Silya Bago S'ya umupo sa Tapat Ko. Binigay sa Amin ng Waiter ang Menu Book para maka-pili Kami ng o-order-in, Hindi Ko na tiningnan Isa-isa ang naka-listang Pagkain. Kung Alin ang mura ay S'yang sinabi ko sa Waiter. "'Yun lang ang Order mo?" nagtataka pang Tanong ni Doc Orlie "Busog pa po kasi Ako tsaka Marami pa kong gagawin sa Nurse Station, nagra-round pa po kasi 'yung ibang kasamahan Ko." palusot ko na lang Sabi sa Kanya, kahit ba sabihing treat N'ya, nakaka-hiya din namang um-order ng mamahalin. "Ok!" tipid na sabi N'ya, tsaka sinabi na sa Waiter ang Order N'ya. Apat na putahe ang nadinig Ko. Mauubos N'ya kayang Lahat 'yun? Tanong ko na lang sa isip ko. "Kumusta naman Kayong magka-Kapatid?" Tanong N'ya pagka-alis ng Waiter "Ok naman po Doc!" naka-ngiti Ko namang Sagot sa Kanya "Doc na naman! at may 'po' pa? Tsk! Kelan mo kaya Ako matututunang Tawagin sa Pangalan Ko lang?" reklamo N'yang Sabi sa Akin kaya natawa lang Ako sabay Yuko ng ulo. Kahit kasi di-ne-retso ko na S'yang walang mapapala sa Akin ay tinuloy pa din ang panliligaw. Nagpapa-dala ng Bulaklak sa Hospital, Minsan nagpapa-dala ng Merienda kapag Coffee Break Namin, hinahatid pa din Ako sa Bahay pa-minsan minsan, willing naman daw S'yang maghintay kung Kelan Ako pwedeng pumasok sa Isang Relasyon. Kaya nga Doc Ang tawag ko sa Kanya at nagpo-'po' Ako ay para alam N'yang Wala na talaga S'yang pag-asa sa akin. Ewan ko ba kung Bakit Hindi S'ya maka-ramdam. Pero kung tutuusin ay ma-swerte nga ang mapapa-ngasawa N'ya. Gwapo Naman S'ya, May Kotse at Doctor pa. Maputi S'ya, Ako kasi ay Morena. Alam Kong may kaya ang Pamilya Nila, Balita Ko nga ay may Share of Stock Sila sa Ospital na pina-pasukan Namin. Hindi ko na S'ya nasagot dahil dumating na ang Waiter na dala ang Order Namin, kaya naka-hinga Ako ng Maluwag. Kung pwede lang sanang turuan ang Puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD