EPISODE 8
TED P O V
Parang lumiwanag ang Paligid at nagkaruon ng mga Bulaklak pagkakita ko Kay Nurse Grace pagpasok pa lang sa Glass Door ng Presinto. Kita pa din ang Kanyang kagandahan kahit halata sa Mukha ang pag-a-alala.
Nangunot ang Nuo Ko ng biglang lumapit sa Kanya ang Dalawang Kabataan, nagka-yakapan at iyakin Sila. So?! S'ya ang sinasabi ng Mag-kapatid na Guardian Nila? Ulila na pala S'ya sa Magulang?
Pagkatapos Nilang mag-yakapan at tanungin N'ya kung Ano nangyari sa Kapatid N'ya ay sumingit na Ako, kita ko ang gulat sa Mukha N'ya pagbaling N'ya ng tingin sa Akin. Nagmukha-an N'ya siguro Ako.
Hindi naman S'ya pumayag ng pag-bayarin pa ang Apat na Kabataan na naka-dagan sa Mga Kapatid N'ya, Sorry lang daw ay ayos na, nanghingi naman sa Kanila ng Sorry 'yung Apat, kahit pilitin Kong magpa-bayad ay ayaw pa din hanggang maka-isip Akong iwanan na lang ang Cellphone Number N'ya, para kung sakaling magka-Problema sa Katawan ng mga Kapatid Nya ay masasabi sa Parents nung Apat na sangkot sa Gulo. Pumayag na din at tinanong kung Sino ang Tumawag sa Kanya para Papuntahin Dito sa Presinto, sinabi Naman ng Kapatid N'yang ito ang nagbigay, kaya 'yun Number na daw na 'yun ang tawagan Namin para kumustahin Ang Lagay ng Katawan ng mga Kapatid N'ya, ibinigay din Namin 'yung Cellphone Number ng Presinto Namin, Dito na nga lang S'ya tatawag kung sakaling magka-Problema, umoo Naman ito.
Pagka-abot Namin ng kapirasong Papel, naka-Sulat N'ya duon ang Landline Number ng Presinto ay nagpa-alam na itong uuwi na Sila. Tumango lang Kami, pero S'yempre pagkakataon Ko ng mapa-lapit sa Kanya, Hindi naman Ako Torpeng kagaya ni SPO4 Aris kaya sinundan Ko Sila palabas ng Presinto. Nang Tanungin ko kung Ano ang sasakyan Nila at ipapara ko ay tumango muna ito. Nang Sabihin Kong pasasalamat ko dahil ginamot N'ya ang nadaplisan Kong Braso nung nakaraan ay Nuon Nya na-a-alala kung Saan Kami Unang nagkita. Tsk! Ako lang pala ang nakaka-alala ng pagkikita Namin. Himutok ko Naman sa isip.
Nagpa-Kilala na din Ako sa Kanya tsaka N'ya sinabi Ang totoong Pangalan N'ya. Pinakilala N'ya din ang mga Kapatid N'ya, nang tanungin ko kung taga-saan Sila, malapit lang Naman pala nung Sabihin N'ya kung taga-Saan Sila, sabay Daan ng Jeep ng Byaheng madadaanan ang Kanto papasok ng Looban ng Bahay Nila. Nag-pasalamat Naman Sila sabay sakay na sa Humintong Jeep.
Matagal din Ako sa labas Bago Ako bumalik sa Loob ng Presinto!
? "Catch Me, I'm Falling for You! And I don't know what to do" ? dinig Kong ki-na-kanta ni PSO4 Aris, kaya napa-kunot ang Nuo ko.
"Kayo na bahala Dito tsaka D'yan sa Apat na 'yan!" Sabi ko sa mga Kabaro ko, sabay Turo sa Apat na ng nakayuko pa din ang Ulo.
"Papunta na po Chief ang Parents Nila," Sagot ni PO1, kaya tumango lang Ako sabay baling papuntang Pinto ng Office Ko para Kunin ang Bag Ko at Baril.
"Sige! Mauna na 'ko sa Inyo!" Sabi ko sa Kanila pagka-labas ko ng Pinto ng Opisina. "Akina nga pala 'yung Cellphone Number ni Miss Grace," Sabi ko sa Desk Officer na S'yang tumawag sa Kanya Kanina para masundo Dito ang mga Kapatid N'ya.
"Uy! Chief!"
"Naks! du-ma-da-moves ha!"
? "Catch Me, I'm falling for You!" ? Kanya Kanya Nilang komento, kaya naiiling na lang Ako.
"'Di ba nga tatawagin Natin S'ya para kumustahin ang mga sugat ng mga Kapatid N'ya?" palusot ko Naman sa Kanila, "Ako na ang tatawag sa Kanya."
"Sabi nga po Namin!"
"Eto na po Chief, nanginginig pa!"
? "Catch me, -" "aray! Chief!?" reklamo ni SPO4 Aris dahil binatukan Ko. Kanina pa Kasi nang-i-inis may pakanta kanta pa kasing nalalaman.
"Mauna na ko!" paalam ko sa Kanila pagka-bigay ni PO1 ng kapirasong Papel na naka-Sulat ang Cellphone Number ni Nurse Grace
"Sige po, Chief!"
"Good Luck sa Lovelife!" sigaw Naman ni SPO4 Aris, sabay Lock ng Glass Door kaya Hindi na Ko nakabalik para sana batukan S'ya ulit.
Natatawang naiiling na lang Ako, See!? Tadhana na talaga ang naglalapit sa Aming Dalawa. Kaya umuwi Ako sa Bahay na Masaya. Ibang saya ang paki-ramdam Ko Ngayon na mahirap i-explain.
Hawak hawak ko pa din ang Cellphone sa Palad Ko, Hindi ko alam kung Ano ang sasabihin ko Kay Grace, kung Bakit Ako tumawag sa Kanya. Nandito na Ko sa Kwarto Ko. Pagkadating Ko sa Bahay Kanina ay Nanuod muna Akong Balita sa T V habang hinihintay Kong dumating ang mga Anak ko. Tsaka Kami sabay sabay na Kakain habang nag-ku-kumustahan sa Maghapong nagdaan. S'yempre hindi Ko Muna i-ku-kwento sa Kanila ang tungkol Kay Grace. Ngayon nga ay na-i-save Ko na ang Cellphone Number ni Grace sa Phone Book Ko. Para Akong Teenager na Hindi alam ang gagawin sa Crush. Huminga Muna Akong malalim tsaka ko D-in-ial ang Number N'ya.
Matagal ng nag-ri-ring ay hindi pa din Nya sinasagot ang Tawag Ko. Hanggang Sabihin ng Operator na 'The Subscriber Cannot be Reach' pero nag-ri-ring Naman ayaw N'ya lang i-accept ang Call Ko. Alas Otso pa lang naman ng Gabi nang tingnan Ko ang Oras sa Wall Clock Dito sa Kwarto ko. Maaga pa Naman para Matulog. Naka-Dalawang tawag na 'ko pero ayaw pa ding i-accept. Bakit nung tawagan ni PO1 para sunduin ang mga Kapatid N'ya ay nasagot naman N'ya agad. Baka Busy lang, maya Maya ulit Ako mag-try S'yang tawagan. Bulong sa isip Ko, kaya nag-half Bath muna Ako sa Banyo Dito sa loob ng Kwarto Ko, tsaka Ako nahiga sa Kama.
Naisip Ko ding Mukhang mahihirapan Akong mapa-lapit sa Babaeng ito. Hanggang maisipin Kong i-text muna Sya, baka nga kasi talagang Busy kaya Hindi na-a-accept ang mga tawag ko. T-in-ext Ko muna nga S'ya nagpa-Kilala na din Ako si Ted sa QCPD Station 1, baka kasi naka-limutan N'ya agad. T-in-ext ko ding ku-kumustahin ko lang 'yung Katawan ng mga Kapatid N'ya kaya Ako napa-tawag. S'yempre palusot Muna. Ilang sandali lang ay Nag-reply agad ito, kaya nanginginig pa ang mga Kamay Kong binasa ko ang reply N'ya.
Pagka-basa Ko ay tinawagan Ko agad S'ya, mahirap kasi kung magte-text pa ko. Para Marino Ko na din ang Boses N'ya.
"Hello!?" Sabi N'ya, Pagka-accept sa tawag ko.
"Hello! Ahm! B- busy Ka ba?" pautal ko pang Tanong, napa-kamot pa ko sa Batok ko para kasing Ngayon pa lang Ako makikipag-kilala sa Isang Babae
"Hindi Naman po, Hindi lang po talaga Ako nag-a-accept ng tawag na hindi naka-save sa Phone Book ko, mabuti nga po at nagtext kayo." paliwanag Naman N'ya, para Naman Akong hinehele sa ganda ng Boses N'ya.
"Ah! Ganuon ba!?" Sagot ko Naman, "Hindi Naman ba Ako nakaka-istorbo kung mag-u-usap pa Tayo?" dagdag ko pang Tanong sa Kanya, umaasa na mas makilala ko pa S'ya.
"Hindi Naman po, nagpapa-antok na lang po Ako." magalang na sagot Naman N'ya, Feeling ko mas lalo Akong tumanda pero hindi Ko na lang pinansin. Tsaka Ko na lang ipapa-alis sa Kanya Ang 'po' at 'opo' kapag Close na Kami.
Inabot Naman ng Alas Dose ng Hatinggabi ang Kwentuhan Namin. Masarap kasing Kausap kaya Marami Kaming napag-usapan tungkol sa Trabaho, sa Pamilya at Aming mga Sarili S'yempre. Kung hindi pa nga S'ya sunod sunod na naghikab ay hindi ko pa talaga tatapusin ang Kwentuhan Namin. Lagi pang nakatawa, Matalino at alam ang nangyayaring Political Issue sa Bansa. Kaya nagtagal ng Mahigit Tatlong Oras ang Kwentuhan Namin. Nalaman ko ding Trenta pa lang pala S'ya tapos mga Kinse at Katorse ang Dalawang Kapatid N'ya na akala ko ay Kambal. Twenty Years pala ang Age Gap Namin dahil Singkwenta na 'ko. Tapos ang mga Anak Ko ay Bente Singko at Bente Uno, Hindi pala nagkakalayo ang mga Edad Nila Kay Grace.
May ngiti sa Labing naka-tulog Ako, Iba ang saya ng pag-u-usap Namin. Parang matagal na nga Kaming magka- kilala. Ngayon ko lang ulit ito naramdaman mula ng mamayapa ang Unang Asawa Ko.