EPISODE 7
GRACE P O V
Busy Kami ni Doc sa pagra-round ng mga Pasyente Namin. Last Round na Namin ito dahil Alas Kwatro na mahigit ng Hapon. Hanggang Alas Singko lang kasi ang Duty Ko.
Pabalik na Kong Nurse's Station ng may tumawag sa Cellphone Ko na unknown Number, Hindi kasi Ako Basta Basta sumasagot ng Tawag kapag hindi naka-register sa Phone Book ko, kaya Hindi ko na lang pinansin. Nasa Nurse's Station na Ko ng tumunog ulit ang Cellphone ko.
"Bakit ayaw mong sagutin ang tawag Sa'yo, manliligaw mo 'yan 'no!?" nanunukso sabi ni Michelle, Pinaka-close Ko Dito sa Ospital, sabay kasi Kami Ditong nag-O J T hanggang ma-hire Kami Dito pagka- Graduate Namin. Pero magka-iba Kami ng School. Ngayon lang Kami nagka-sabay ng Schedule. Kaya nuong nagpadala ng Bouquet of Flowers si Doc Orlie ay wala S'ya. Ina-ayos na Namin ang mga Files ng mga Pasyenteng naka-confine na binisita ng Doctor Kanina, para kung may kailangan man ay madali na Nilang mahahanap an mga Record Nila.
"Hindi 'no! Unknown Number kaya ayokong sagutin!" pasungit Kong Sagot sa Kanya, akala yata eh ayoko lang pansinin.
"Gaga! baka Kapatid mo 'yan na may Emergency kaya ibang Number ang Gamit, patingin nga ng Number?" dagdag pa N'yang Sabi, oo nga 'no?
"Oh! Landline Number ito eh! Dito din sa Quezon City! Sa Panahon Ngayon, Company na lang ang may Landlide, Girl!" pa-arte pa nitong Sabi
"Baka nga, akin na ang Cellphone Ko at sasagutin Ko na," Sagot Ko naman sa Kanya, inabot naman nito agad
"Hello!?"
"Yes! Ito nga Po!"
"Ano po!? Sige po, Sir!! Papunta na po Ako, Salamat po!!" natatarantang Sagot Ko sa Kausap Ko, dahil Importante nga ang itinawag N'ya
"Pwede ba 'Kong mag-under Time, Michelle? Importante lang, ilang Minuto na lang naman eh Out Ko na!" mangiyak ngiyak Kong sabi kay Michelle
"Sige na! mag-out Ka na, Ako na lang magsasabi sa Head Nurse Natin. Sabi Ko Sa'yo baka importante eh! Tawagan na lang Kita mamaya para maki-balita!" Sagot N'ya sa Akin na may pag-a-alala, alam kasi Namin ang Kwento ng mga Buhay Buhay Namin. Kaya nagmamadali na 'kong pumunta sa Locker Room para Kunin ang Bag Ko.
Pagkakuha Ko ay nagpa-alam na Ko sa Kanya at Lakad Takbo ang ginawa Ko para makarating sa Elevator.
Taxi na ang Sinakyan Ko para makarating agad sa sinabi ng kausap Ko sa Cellphone, mabuti at malapit lang, pero Hindi ko maiwasang mag-isip kung Ano ang nangyari, sinabi lang kasi ng kausap Kong Pumunta Akong Q C P D Station 1.
Pagkarating ko sa Police Station ay binigay ko na ang bayad sa Driver, tsaka Ako bumaba ng Taxi, Hindi ko na nga kinuha pa ang sukli. Nagmamadali Akong pumasok sa Glass Door. Nakita ko ang Limano Anim na mga Pulis at Anim na Kabataan, mga nakayuko ang Ulo nung Apat.
Tumayo agad sa pagkaka-upo ang mga Kapatid Ko pagka-kita Nila sa Akin.
"Ate!!" sabay Nilang tawag, lumapit agad sa Akin tsaka Sila yumakap, gumanti din naman Ako ng yakap sa Kanila. Nagka-iyakan pa nga Kami, Sila na lang Kasi ang Pamilya Ko Dito sa Maynila. Pamilya Namin Both Side ay nasa Malalayong Probinsya. Wala nga Kaming paki-alam kung pag-tinginan Kami ng mga Pulis at Mga Kabataan.
"Ano nangyari?" sumisinghot singhot ko pang tanong sa Kanila. Tiningnan Ko pa ang mga suot Katawan Nila, kita Ang suot Nilang School Uniform ay may mantsa ng Juice na natapon. "Wala bang masakit sa Inyo?!" Tanong ko pa ulit, Hindi Nila Kasi nasagot ang Unang Tanong Ko. Nagpapahid lang Sila ng Panyo sa Mukha.
"Ehem!" tikhim sa gilid Ko kaya napa-tingin Ako sa Kanya. Nagulat naman Kayo, para kasing Pamilyar ang Mukha N'ya. "Kayo po ba ang Guardian ng Dalawang Ito, Miss. . . .?" Tanong N'ya sa Akin sabay Turo ng hintuturo N'ya sa mga Kapatid Ko.
"Grace Sir! Opo, Sir! Ako po ang Guardian Nila," mabilis Ko namang Sagot, "may ginawa po bang kalokohan ang mga Kapatid Ko?" Tanong Ko pa, naka-titig lang S'ya sa Akin
"Ahm! Ganito po Kasi 'yun Miss Grace!" Sagot N'ya Habang kinakamot ang baba. "Ah! ma-upo Ka Muna nga Pala!" dagdag pa N'ya sabay abot ng Silya sa Akin na inabot lang din ng Isang Pulis sa gilid N'ya. Parang na-mu-mukha-an ko din ang Isang iyon!? Nakita ko pang nagpipigil S'yang matawa. Nang Makita N'yang naka-tingin Ako sa Kanya ay bigla sineryoso ang Mukha.
Ipinaliwanag N'ya nga sa Akin ang Buong pangyayari. Naka-hinga naman Akong maluwag dahil akala ko ay na-sangkot na sa gulo ang mga Kapatid Ko. Kath naman wala na Kaming mga Magulang ay napalaki Ko Silang mababait, nagpapa-salamat nga Ako at Hindi Sila sakit ng Ulo Ko. Mga matatalino pa, laging Kasama sa Top 10 kahit hindi Top 1, Sinasabi ko Naman sa Kanilang Basta 'wag lang bagsak. Hindi rin Sila mahilig B-um-arkada kaya Hindi ko talaga alam ang gagawin ko nung tumawag ang Kausap ko kaninang sunduin ko daw Sila Dito sa Presinto, Hindi Naman kasi Sinabi kung Bakit.
"Hindi! Ayos lang! Ako na lang ang gagamot sa Kanila sa Bahay." Sabi ko sa Pulis na kausap ko Kanina, Hindi Naman Kasi nagpa-Kilala pero Nakita ko sa Name Tag N'ya na naka-pin sa ibabaw ng Dibdib ay Sandoval ang Apelido N'ya. Sinabi Nya kasing pagbabayarin pa 'yung Apat na Kabataan dahil sa nangyari sa mga Kapatid Ko.
"Ahm! Kasi iinom pa Sila ng Gamot 'di ba? Tapos 'yung School Uniform Nila, parang nasira?" Sabi pa N'ya, kaya natawa naman ng mahina ang mga kasamahan N'yang Pulis
"Ayos lang po talaga, Sir! Wala pong Problema, siguro po manghingi na lang ng Sorry Sila sa mga Kapatid Ko," paliwanag ko Naman para maka-uwi na din Kami at magamot ko ang sugat sa Siko ng mga Kapatid Ko.
"Sorry po Ate!"
"Sorry din mga Bro kung nadamay Kayo!" hinging pa-umanhin naman Nila, tumango lang naman Kami Bilang Sagot
"Ahm! Ganito na lang, hingin na lang Namin ang Contact Number N'yo, pati ang Parents ng mga Ito o Guardian para ma-monitor din Natin ang Kalusugan Nila, Hindi mo din Kasi masasabi dahil nadaganan Sila, tapos kung magkaka-problema ang mga Kapatid mo sa Katawan Nila ay ma-ko-contact mo pa rin Sila at masasabi mo agad sa Kanila, dahil pananagutan Nila kung may mangyari man sa Kalusugan ng mga Kapatid mo." mahabang paliwanag ni Police Sandoval. Napa-tango tango naman ang mga Kabaro N'ya.
"Sige po, Sir!" Sagot naman para matapos na. "Sino po ba 'yung tumawag sa Akin kanina?" Tanong ko, "Alam N'ya po kasi ang Cellphone Number Ko." dagdag ko pang Sabi
"Binigay Ko 'Te kanina para nga matawagan Ka at masundo mo Kami Dito." Sagot naman ng Kapatid Kong si Aeron kaya tumango lang Ako
"'Yun Naman pala! Sige Miss Grace tatawagan Ka na lang mamaya Este tumawag Ka na lang pala mamaya kung may ibang maramdaman sa Katawan ang mga Kapatid ko, para kung Kailangang ma-Ospital ay masabihan ang mga Parents ng Apat na 'to!" mahabang paliwanag ng Isang Pulis na nasa Gilid ni Police Sandoval, pero napansin Kong parang inulit lang N'ya ang sinabi kanina ni Police Sandoval, kaya natawa na lang Ako tsaka tumango.
"Sige po mga Sir, uwi na po Kami!" pa-alam ko sa Kanila, sabay Aya sa mga Kapatid ko para maka-labas na Kami ng Presinto. Hindi ko nga ma-isip na mapupunta Akong Police Station nang 'di Oras.
"Sige po Miss Grace! Ingat!" tugon naman ng mga Pulis na nanduon
"Ano po ba ang Sasakyan N'yo? Ipapara ko na kayo!" Tanong ni Police Sandoval, kasunod pala Namin S'yang naglalakad palabas ng Presinto, kaya nagulat Ako at napa-lingon sa Likod ko.
"Naku Sir! 'wag na po! Kami na lang po ang papara!" mabilis Kong Sagot, dahil nakakahiya din, Hindi Naman Kami Close tapos mang-a-abala pa ko
"Ayos lang! Pasasalamat Ko na din dahil ginamot mo ang sugat ko nung nakaraan, Dito sa Braso, nadaplisan ng Bala ng Baril." tugon N'ya, sabay Turo sa Brasong may maliit na peklat na nagmarka.
"Ay! Oo nga! Kaya po pala parang Pamilyar ang Mukha N'yong Dalawa nung nasa gilid N'yo Kanina sa Loob." naka-ngiti Kong Sabi nang ma-alala Kong sa Ospital pala Kami Unang nagkita.
"Oo! Ah! Lieutenant Ted Sandoval nga pala!" pakilala N'ya sa Akin sabay Lahat ng Kanang Kamay
"Ahm! Nurse Grace Soliman, Sir!" Sagot ko Naman tsaka ko tinanggap ang pakiki-pag-Kamay N'ya sa Akin. Pi-na-kilala Ko na din ang Dalawang Kapatid Ko, nag-kamayan din Sila.
"Saan ba Kayo uuwi N'yan?" Tanong pa N'ya, habang nag-a-abang na Kami ng masasakyan Naming Jeep sa gilid ng Kalsada.
"Sa Ramon Magsaysay, Sir!" simpleng Sagot ko Naman sa Kanya, nasa Tabi ko pa din S'ya, Hindi yata talaga aalis hanggang hindi Kami nasasakay
"Ahh! Malapit lang pala!" Sagot N'ya, sabay para ng Dumaan Jeep na Byaheng Bagong Pag-asa, madadaanan Kasi Nito ang Kantong papasok sa Looban ng Bahay Namin
"Salamat po, Sir!!" sabay sabay naming Sabi sa Kanya tsaka Kami sumakay ng ihinto ng Driver ng Jeep ang Sasakyan N'ya. Itinaaas lang Naman N'ya ang Kanang Kamay N'ya tsaka tumango sa Amin.