CHAPTER TEN - Doppelganger

701 Words
Bandang alas-nuebe ng umaga, busy ako sa mga gawain sa bahay. Nasa bahay na talaga ako nila Manay ( ate ) noon tumutuloy at nagbabantay ako ng sari-sari store nila. Graduate na kasi ako ng high school at nag-apply na rin ako ng trabaho. Plano kong maghanap na nga lang ng work dito sa city kasi alam kong walang means para makapag-college ako. Poor lang kasi kami at di ako kayang pag-aralin nila Papa ng college. Masakit pero tanggap ko naman iyon at naiintindihan ko ang parents ko. Nag-take na rin ako ng mga exam for scholarship sa mga schools at universeties para kung sakali mang makapasa atleast makakapag-aral na ulit ako at pangbaon nalang ang poproblemahin ko. Habang nakikituloy ako kila manay at nag-aantay ng tawag sa mga in-apply-an ko, tumutulong ako sa mga gawaing bahay. Laba, linis, ( pwera sa pagluluto kasi hindi ako marunong) baby sitter sa dalawa kong pamangkin at bantay sa tindahan– yun ang mga gawain ko. Nung araw na iyon, iyak ng iyak si Biba- ang very cute kong pamangking babae. Three years old pa lang sya noon at gaya ko, madalas din mapagkatuwaan ng mga hindi raw nakikitang nilalang. Habang pinapaliguan ko si biba sa banyo nagwawala sya habang iyak ng iyak. Hindi pa rin naman tuwid ang pagsasalita nya kaya di ko rin naman maintindihan ang mga sinasabi nya plus umiiyak pa sya. Stress na stress na'ko noon kung paano ko patatahanin ang bata. Si manay naman hindi ko alam kung saan nagpunta. Buti na lang yung pamangkin kong isa ay pwede ng magbantay ng tindahan. Six years old na din kasi yun. Umiiyak pa rin ng malakas si Biba kahit tapos ng maligo at tinituyo ko na ng towel. Paglingon ko sa pinto ng banyo, iniwan ko kasing nakabukas. Dumaan yung ate ko– si Manay. " Manay ano ba 'tong si Biba kanina pa umiiyak ayaw tumigil." sabi ko sa salita namin (bicol). Nagtaka ako kasi bakit di sumasagot at hindi man lang ako pinansin. Sinundan ko sya ng tingin. Dire-diretcho lang syang naglakad papasok sa kwarto nila. Nainis na' ko. Ginawa ko ay kinarga ko na si Biba para sumunod sa kwarto. Nasa salas si Bheng ( kapatid ni Biba ) at nanonood ng tv. " Nak, nasa kwarto ba si mama mo?" tanong ko. " Wala pa po si Mama, Auntie. Nanguha yun ng bulate para sa mga fish. Wala na daw kasi pagkain." " Dumaan dito, ah. Di mo nakita?" naiinis ko pang tanong kasi baka sa sobrang tutok nito sa tv kaya di nakita ang mama nya na dinaanan sya. Ibinaba ko muna si Biba na umiiyak pa din. Kumatok muna ako sa kwarto bago ko binuksan. Walang ngang tao! Bigla na akong kinilabutan. As in pati mga balahibo ko sa batok ramdam kong nagtayuan! " Eh, sino yung pumasok dito kanina?" nagtatapag-tapangan kong tanong kahit ang totoo ay parang gusto ko ng tumakbo palabas ng bahay. May nagpaparamdam na naman kasi sakin! " Hala Auntie nananakot ka, eh." ani Bheng na tumakbo na payakap sa'kin. Wala namang pumasok dito. Wala pa nga si Mama. " Imposible talaga! Kasi kitang kita ko, eh. Yung suot ni Manay na damit yun din yung suot nung dumaan sa banyo at pumasok ng kwarto! Pero hindi ko naman din nakita yung mukha. Yung takot na naramdaman ko, biglang napalitan ng galit. Hindi pwedeng paglalaruan kami ng mga kung anong nilalang! Lalo at mga bata ang kasama ko. Sa inis ko'y kinuha ko yung dalawang walis tingting at pinaghahampas ko yung mga dingding sa loob ng kwarto at sa loob ng bahay habang di ko napigilang magmura tapos ay nagdasal na'ko. " Mga gago kayo, magsilayas kayo dito sa bahay at wag nyo kaming guguluhin! Sa ngalan ni Jesus, lumayas kayo!" Matagal pa bago dumating ang kapatid ko. May mga dala nga itong bulate at dumiretcho sa aquarium na nasa salas para ipakain sa mga isda. Kung ano yung suot nya ay exact nung nakita kong pumasok dito kanina. Ikinwento ko sa kanya yung nangyari. Hindi ko sure kung naniwala nga ba sya sa'kin or baka iniisip nyang napapraning lang ako. Nagpapasalamat na lang akong safe syang nakauwi sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD