Nakakaramdam ako ng p*******t ng tyan habang nakaupo kami sa bench ng school. Akala ko gutom lang yun kasi tanghali na din. Actually sa sikmura yung nararamdaman ko.
Habang tumatagal ay patindi na ng patindi yung sakit. Ah baka nausog ako?, naisip ko rin. Hanggang makarating ako ng bahay. Hindi ko na nga kinaya ang maglakad at sumakay na ako pauwi. Nung nasa bahay na ako ay hindi ako makakain. Tuwing kakain ako ay isinusuka ko lang. Pati mga gamot ay di na tinatanggap ng sikmura ko. Pinilit kong matulog para kahit pano ay mapahinga ako at di ko na gano maramdaman yung sakit. Ginising ako ni mama kasi iyak daw ako ng iyak habang natutulog. Nananaginip pala ako.
Actually hindi sya basta panaginip. Bangungot iyon. Isinakay daw ako ng ambulance para dalhin sa hospital. Tapos biglang nasa hospital na daw ako. Sa OR. mismo at inooperahan ng mga doctor. Hindi ko lang alam kung ano ang inoopera sa akin. Dahil nga takot ako sa mga ganon kaya daw ako umiiyak kasi ayoko butasin yung tyan ko.
Dumaan pa ang magdamag at di na ako makabangon kinaumagahan. Sobrang sakit na kasi. Yung sakit sa sikmura ay bumaba na sa kanang bahagi ng tiyan ko. Pag naglalakad ako papuntang banyo ay dahan-dahan at nakabaluktot.
Nung dinala ako ni Mama sa doctor ay sinabing dalhin na daw ako sa provincial hospital. Yun kasi ang malaking hospital samin na nagsasagawa ng mga major surgeries. So natakot ako lalo ng gusto isakay na ako sa ambulance papunta doon.
Bukod sa takot ako sumakay ng ambulansya dahil feeling ko mamamatay ang mga sakay non at baka may makita pa ako multo doon. Naalala ko din yung panaginip ko. Mukhang magkakatotoo na naman kasi.
After twenty- four hours, after ng mga tests sakin dahil daw baka jontis ako. Shocks! Paano naman akong mabubuntis eh ni jowa nga wala ako. Yung timbang ko noon from fourty- five kg. eighteen na lang. Dextrose lang kasi at bawal ako kumain or uminom. Eh sa bahay pa lang wala na akong kinakain.
Nagising na lang ako na nasa stretcher uli at dadalhin na daw sa operating room. Baka daw kasi pumutok na ang apendix ko. Wala noon si Papa may binili daw sabi ni Mama. Sakto namang huminto muna kami sa may grotto sa loob ng hospital. Nililinis pa daw yung or. Nagdasal kami ni Mama. Sabi ko kay Mama Mary ipinapaubaya ko na sa kanila ni Papa Jesus kung ano man ang mangyayari sa akin. Kung sakali na ma-survive ko ang operasyon, sobrang thank you po. Kung sakali man na mawala ako sana wag Nya pababayaan ang mga magulang at mga kapatid ko.
Dumating si Papa na humahangos. Bigla nya ako niyakap ng mahigpit at iyak sya ng iyak. Noon ko lang nakita na nagkaganon si Papa ko. Si Mama ayaw tumingin samin. Alam ko na naiiyak na din si Mama pero kailangan nya magpaka tatag. Walang mangyayari kapag nagpakita syang pinanghihinaan din ng loob.
Sa loob ng or, pagkatapos akong maturukan ng anesthesia biglang nagblangko na ang lahat. Maya maya pa'y may naririnig na akong mga boses. Siguro yun yung mga doctor. Pagdilat ko, nakatayo na ako. Sa may paanan ng bed.
Teka, anong ginagawa ko dito? May nakahiga sa bed at nakatakip ang upper body nito. Ang expose ay yung kalahati lang na ng katawan which is the lower part. Bigla ko na-realize na ako pala yung nakahiga ngayon sa bed at ako yung inooperahan!
Wait patay na ba ako?
Hindi pa naman siguro kasi mukhang relax pa naman yung mga doctor na nag-oopera sa akin.
Pagkurap ko ng mata, naiba na yung paligid. Green na green. Naglakad ako ng naglakad. Naka lab gown pa rin ako. Hindi ko alam saan ako pupunta. Walang katapusang green na mga dahon at mga puno lang ang nakikita ko. Hindi rin ako nakakaramdam ng pagod habang naglalakad. Wala akong nararamdaman kahit takot dahil mag-isa lang ako.
Hanggang sa bigla akong nadapa dahil hindi ko nakita yung batong nakausli. Parang may humigop sa akin pababa at paggising ko nakahiga na ako sa bed. Nakaupo sa tabi ko ang panganay kong kapatid at panay ang punas ng basang bulak sa mga labi ko na tuyong- tuyo na. Grabe pagod na pagod ang pakiramdam ko.