CHAPTER THREE

471 Words
One time, uwian na namin sa hapon. Dahil SGO kami kailangan pa rin naming maiwan para maglinis at i-check ang mga rooms kung maayos ang pagkakasara. Kami-kami lang ang naroon at napaka-iingay namin lalo na ang mga boys na sobrang maloko. Nagpicture-picture pa kami gamit ang cellphone ng isa sa classmate namin. Poor lang kasi kami at hindi priority noon ang cellphone. Sa aming magkaka klase dalawa lang ata noon ang may cellphone. After naming magkuhaan ng picture umupo muna kami sa bench na naroon at isa-isang tiningnan ang mga kuhang larawan. Nag-aagawan pa kami kung sino ang una at pagtatawanan ang may medyo awkward na kuha. Hinayaan ko na lang sila ang mauna total makikita ko rin naman yon mamaya at naghalungkat na lang ako sa bag ko kung ano ang pwede kong kalikutin para malibang ako. Then nagtaka ako ng maya-maya'y bigla silang tumahimik. Nang tingnan ko sila ay mababakas na parang may takot sa mga mukha nila. " Bakit?" tanong ko. " Wala." si Temyong ang sumagot na s'yang may-ari ng cellphone at SGO president namin. Itinago na nito ang cellphone nya sa bulsa ng pants. " Tara, uwi na tayo. Hapon na masyado." " Uy, ang daya, hindi ko pa nakikita yung mga picture eh.." reklamo ko. " Wag na, tara na. Baka gabihin na tayo." Nagtataka pa rin ako't tahimik lang ang mga kasama namin. Ano bang meron? naisaloob ko. Baka kasi pinagt-trip-an na naman ako ng mga ito. " Patingin na nga ako. Damot naman neto. " ani ko. Dahil siguro nakulitan na sakin si Temyong ay inilabas nya na ulit ang cellphone at iniabot iyon sa'kin. Panay scroll ko naman sa gallery nya. Hianahanap ko kung ano ba ang kakaiba doon at natahimik sila. Wala naman akong makita. "Tss." si Tem ulit at inagaw sakin ang cellphone nya tapos may kinalikot sandali at muling iniabot iyon sa akin. Ini-zoom lang pala nya yung isang kuha doon. Sya ang nasa larawan na nakasandal sa may puno ng malaking acacia na sa pagkaka alam ko eh, may mahigit na thirty years na atang nakatayo doon. Sa tagal at laki ng punong iyon ay naglalabasan na ang mga malalaking ugat niyon. Nung ginalaw ko na para makita ng husto may iba pa pala syang mga kasama sa punong iyon. Pero hindi mga tao kundi pigura ng mga bungo. Nasa limang bungo ang naroon. Tatlong malalaki at yung dalawa ay maliliit na na parang sa isang bata. Kaya pala ganoon ang mga hitsura ng mga kasama ko. Natakot sila. Sa albularyo na namin pina deretcho si Tem pag-uwi namin. Hindi muna nya ipinakita o sinabi sa manggagamot kung ano ang sadya nya. Basta ang sinabi nya lang ay magpapa 'santiguar' sya. Pero nagulat sya sa sinabi ng manggagamot. " May naistorbo kayong isang pamilya na matagal ng nananahimik."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD