Gusto kong ma-open ang third eye ko.
Yun ang lagi kong iniisip noon kung paano ko magagawa iyon. Bumili pa ako ng mga books para maging guide ko at nanonood ako sa tv ng mga palabas kung saan nagbibigay ng tips yung mga paranormal experts daw kung ano ang mga dapat gawin para makapag-open ng third eye.
Ni hindi ko noon naisip man lang kung ano ang posibleng maging epekto niyon sa akin. Siguro dahil bata pa ako at masyadong maligalig ang pag-iisip kaya lahat ay gusto kong masubukan. At isa pa gusto kong magkaroon ng powers! ?
Tamang-tama dahil bakasyon. Sa bahay ng kapatid ko sa Legazpi ako nag spend ng summer vacation noon. Sobrang boring kaya doon nung time na yun ko nasimulan ang mga excercises daw on how to open my third eye.
Ang natatandaan kong una kong ginawa noon ay:
1. Pumunta sa tahimik na lugar para makapag concentrate. ( sa kwarto ako nagpunta. Tahimik don eh.)
2. Kumuha ng makulay na bagay o kaya ay buong mansanas at titigan itong mabuti habang naka indian seat. ( wala kaming apple noon at orange lang ang available kaya yon ang kinuha ko.
3. Dahan-dahang ipikit ang mga mata na para bang nakikita mo pa ang hawak mong mansanas (orange).
Sa unang subok ay hindi ko na nakita ang hawak kong orange nang pumikit ako kaya naman inulit-ulit ko. At laking tuwa ko ng siguro mga five times ko ng try ay nagkaroon na ng emahe ang hawak kong orange kahit naka pikit ako.
4. Dahan-dahan itong igalaw (pakaliwa or pakanan) kailangan ay nasusundan mo ng tingin ang galaw nito o kahit naaaninag man lang ito kahit ikaw ay nakapikit.
Paulit-ulit ko iyong ginawa hanggang sa wakas ay lumilinaw na ang pigura at kulay ng hawak ko.
Araw-araw kong sinasanay ang sarili ko sinusunod ang mga instruction sa book at nagsisimula na ding maging iba ang pakiramdam ko. Nagiging sensitive na ako sa mga tunog sa paligid. Kaunting kaluskos lang ay parang alam ko na kung may tao o wala.
Nagsisimula na din akong dalawin ng mga panaginip na kakaiba. At maging kahit na alam kong tulog naman ako ay nakikita ko ang nga tao sa paligid ko. Kung ano ang ginagawa nila.
Hindi ko alam noon kung bukas na nga ba ang third eye ko o sadyang nap-praning lang din ako at feeling ko lang na may powers na nga ako.?
Hindi ko rin makuhang mag kwento noon kasi ayokong mapagalitan. Pero isa lang ang alam ko. Masaya ako at sobrang excited sa mga susunod pa na mangyayari.