bc

Luna's Fang

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
tragedy
mystery
loser
werewolves
another world
war
addiction
like
intro-logo
Blurb

Luna starts off as a weak and shy girl. She is a sheltered only daughter, only have few friends and a certified introvert. Luna loves stories especially the stories her childhood days contained. All of those were told by a mysterious man which they called Lolo Paulo. He looks like a man who knows a lot of things even outside the human territory, inside the rumors of other creatures—

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Isang nakakatindig balahibong alulong ang narinig ko. Nagnangis sa akin ang kagustuhang iwan ang aming tahanan at sundan ang makatindig balahibong alulong ng asong lobo na palaging bida sa kuwento ni Lolo Paulo. Ang sabi niya sa kanyang kuwento noong kami'y nasa ikalimang taong gulang pa lamang ay mayroon daw isang pack o grupo ng mga asong lobo sa pinakamadilim na parte ng kakahuyan. Ang mga ito daw ay may pinuno na siyang pinakamalakas, pinakamakisig, pinakakinakatakutan at pinakamisteryoso dahil hindi pa ito nakikita nang kanyang nasasakupan. Noong panahon nang pagkukuwento niya'y biglang umihip ang malakas na hangin at mayroon akong narinig na tinig nang paghihinagpis. Nanindig ang balahibo ko at sinidlan ako ng takot. Napatayo ako bigla, lumingon sa aking mga kaibigan na nakatingin sa akin at bakas ang pagtataka ngunit nang tumingin ako kay Lolo Paulo nakita kong mariin ang kanyang titig sa akin saka bumuntong hininga. Doon na nagtapos ang kanyang kuwento at pinabalik kami sa kanya-kanyang tahanan. Ngunit nanatili akong nakatayo roon kahit na hinihila na ako ng aking kababata'y tila natuod na ang mga paa ko sa lupang katapat ng pinakamadilim na daan papuntang kakahuyan. Nang muli kong narinig ang sakit ng alulong, tila piniga naman ang puso ko at gusto ko na lamang tumakbo para samahan ang lobong iyon at tulungan siya sa kanyang paghihirap. Tumayo si Lolo Paulo, pinauna na ang aking kababata at kahit nag-aalinlangan ay sumunod pa rin ito. Naguguluhan akong napatingin kay Lolo Paulo matapos niyang tapikin ang aking ulo at bulungan ako nang ganito. "Matulog ka muna, Luna." Nang maramdaman ko ang pagdampi ng pinakamalamig na hangin sa paligid ay agad na nagdilim ang aking paningin at tuluyang nabingi sa anumang tunog. Iyon lang ang naalala ko bago ako nagising kinabuksan na nakahiga na sa aking kama. Dali-dali na lang akong bumangon, nagsuot ng tsinelas, humalik ako sa pisngi ng aking mga magulang at umupo na sa aking pwesto. "Ayos na ba ang pakiramdam mo Luna?" Tanong ni Mama habang nilalagyan ng kanin ang pinggan ko. "Opo. May problema po ba?" Naguluhan kong tanong. Akala ko panaginip lang ang nangyari. "Dinala ka rito nina Santine at Lolo Paulo. Nakatulog ka raw habang nagkukwento si Lolo Paulo." "Ahh..mukhang napagod po yata ako sa paglalaro namin." Di ko siguradong tugon at tipid na ngumiti na lang. Nagsimula na kaming kumain ng bumukas ang pinto at pumasok si Santine. Gutay ang damit at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin, "Nandito siya Luna! Isasama ka na niya!" Sigaw niya at agad naman akong napatayo sa gulat. Tila kabayong tumatakbo sa isang patimpalak ang t***k ng puso ko dahil dito ay hindi ako masyadong makahinga. Umikot ang mata ko at nakitang nasa kama ako. Sinuot ko ang tsinelas at bumaba na para kumain. Humingi ako ng isang basong tubig kay Mama na ibinigay niya naman. Inabutan niya ako ng pamunas na agad kong tinanggap at ipinunas sa pawis kong mukha. "Salamat po mama." Tumango lang ito at umupo sa aking tabi. "May problema ba, Luna?" Malambing na tanong niya habang sinusuklay ang buhok ko. "Masamang panaginip lang po mama." Nakayukong sabi ko. "Gusto mo bang ikwento sa akin?" Alok niya na ikinataas ko nang paningin. Nagtitigan kami sa mata at saka ako umiling. "Ayaw ko pa po mama. Baka kasi magkatotoo po gaya ng sabi ni Lolo Paulo." Malungkot kong wika. "Ganun ba? O sige, magkwento ka lang kay mama kung kailan handa at gusto mo na hmm?" "Opo." ͒ ෴ ۝ ͒ ෴ "HELENA! LUNA!" Napatayo kami ni Mama nang marinig ang boses ni Papa. Tila madaling-madali ito na hindi naman namin narinig ang kasiyahan kundi malalang pagkabalisa. Naglakad kami ni Mama at pinagbuksan ng pinto si Papa. May tama ng baril ang kanyang kanang balikat at akay-akay siya ni Santine. Hindi agad ako nakatulong dahil sa gulat pero agad na dinaluhan ni Mama si Papa at pinapasok niya rin si Santine sa loob. "Ano bang nangyari Eren?" May tinig na pag-aalalang tanong ni Mama. "Luna! Isara mo na ang pinto at kuhanin mo ang gamit sa panggagamot sa ilalim ng kama namin ng Papa mo!" Sigaw niya mula sa sala. Tinapik din ni Santine ang balikat ko kaya napalingon ako sa kanya. Nanlaki ang mata ko dahil ganitong ayos din ang mukha niya sa panaginip ko. Snap. Snap. "Earth to Luna!" Pampagising nito sa pagkatulala ko. Akmang isasara ko ang pinto nang makarinig ako ng mabigat na paa sa may kakahuyan. Tila may nagmasid at di sinasadyang nakaapak ng malutong na sanga. Dahil sa sunod-sunod na kaba, takot, at pangamba na sinusundan ako mula pagtulog hanggang paggising ay sinara ko na lamang ang pinto at inilock ito. Hindi ko na gusto pang lumingon sa pinanggalingan ng tunog dahil kota na ang puso at isip ko sa takot. Kinuha ko na ang kahon ng panggagamot at tinulungan si Mama na gamutin si Papa. Mabuti na lang at isang Healer si Mama kaya naman tiyak kong mas makakatulong siya kay Papa at Santine. Nagpaalam akong tutungo sa kusina para ituloy ang niluluto niyang pagkain kanina. "Luna..." "Luna..." "My Luna...come back

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Three Alpha Bikers Wants An Open Marriage(An Erotic Paranormal Reverse Harem)

read
106.5K
bc

The Bounty Hunter and His Wiccan Mate (Bounty Hunter Book 1)

read
103.0K
bc

The Bounty Hunter and His Phoenix Mate (Bounty Hunter Series Book 3)

read
63.3K
bc

He Cheated So I Did Too With My Obsessive Boss

read
4.3K
bc

Billionaire's Wrong Bride

read
974.2K
bc

Tis The Season For My Revenge, Dear Ex

read
76.2K
bc

Mistletoe Miracle

read
8.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook