Ngayon lang ako uli nakabisita sa bahay ni tristan after a few weeks simula nung nangyari samin dalawa. Now finally, I'm back again at na-miss ko ang lugar na 'to. Nang kumatok ako ng apat na beses sa pintoan ng kanyang bahay, napansin kong parang walang tao.
"Tristan? Tris?" tawag ko ng paulit-ulit sa kanyang pangalan ngunit walang sumagot.
Nagpabalik-balik ako sa pagkatok ng pintoan sabay tawag sa kanya subalit wala talaga. Parang ang tahimik sa loob at napansin ko na naman na open yung doorknob kaya naglakas-loob nalang ako na buksan ito at ako'y pumasok sa loob ng kanyang bahay.
Mga basag na bote ng beer at wineglass ang nakita kong nagkalat sa sahig at may patak pa ng mga dugo ang nakita ko na papunta sa kanyang kuwarto kaya ako'y nag-alala at natakot sa kanya.
"Tristan! Tristan nasan ka?" lakas ng boses ko dahil sa kinakabahan nako kung ano ng nangyari sa kanya ko kaya agad akong tumakbo patungo sa kanyang kuwarto at hinanap siya.
Sinundan ko yung patak ng dugo at nang matagpuan ko na siya, nakita ko siyang nakaupo sa sahig, balisa at may sugat pa sa kanyang mga kamay na mukhang dahilan ito nung mga basag na bote na nakita ko dun sa sahig kaya dali-dali akong lumapit sa kanya para tulongan siya.
"Tristan! Ano bang ginagawa mo! Magpapakamatay ka ba, ha?!" galit ko sa kanya dahil sa pag-alala ko habang nakatulala parin siya.
Nang mahawakan ko ang kanyang leeg ay napansin kong napakainit niya. Ang taas pala ng lagnat ni tristan! Damn it! Bakit ba pinapahirapan niya ang kanyang sarili? Mas lalo tuloy akong nag-alala sa kanya at nalilito na ako kung anong una kong gagawin.
"Tristan! Ang init mo. May lagnat ka." sabi ko sa kanya at sya'y dahan-dahang tumingin sakin.
"Bakit ka nandito, umalis ka na. Di mo nako kailangan diba?" pagtatampo niya sa akin.
"No, tristan! Hindi kita pababayaan ng ganito!" I disagree.
"Just leave me alone!" bigla niya kong sinigawan ng malakas sa harap ko.
Ako'y nagulat sa kanyang ginawa dahil ngayon lang niya ako ginanito kaya sumama tuloy ang loob ko sa kanya subalit nawala ang galit ko ng makita ko siyang umiyak siya sa harapan ko.
"Please, please! Leave me alone. Please!" pakiusap niya sakin habang pinagtutulak niya ko papalayo sa kanya.
"Wala naman akong kuwenta para sayo, diba?... Sasaktan lang kita...Masasaktan ka lang sakin kaya umalis ka na, justin... pakiusap" sabi ni tristan sa akin at dahil sa kanyang patuloy na pag-iyak at paghugolhol ay mas lalong nadudurog yung puso ko. Kaya niyakap ko siya ng mahigpit at hinimas-himas ko ang kanyang likod para pakalmahin ang kanyang kalooban.
"Umalis ka na... umalis ka na... Please..." paulit-ulit niyang salita subalit hindi ako lumayo sa kanya at nanatiling niyakap ko parin siya ng mahigpit.
"Shhhh, wag ka nang umiyak. Tama na. Tahan na. Dito lang ako sa tabi mo ngayon. Di na kita iiwan." kalmado kong boses sa kanya para paluwagin ang kanyang damdamin.
Nang huminahon na si tristan sa pag-iyak ay inalalayan ko siya at dahan-dahang itinayo. Napakatamlay at napakabigat ng kanyang katawan kaya dali-dali ko siyang dinala sa kama at ipinahiga.
Kumuha ako ng cloth ice bag at iniligay ko ito sa kanyang noo pagkatapos ay ipinainom ko siya ng gamot. Kumuha na naman ako ng bandage, betadine at saka cotton buds para sa sugat na nasa kanyang kamay.
After covering the cut with cotton buds, I bind it up with bandage and finally, nakapagpahinga na rin siya ng maayos. Mainit parin ang kanyang buong katawan because of his fever that's why, I'm gonna be the one to take care of him.
Habang nakatulog na siya ng mahimbing, pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Hinawakan ko ang kanyang kamay at ilang sandali'y hinalikan ko siya sa kanyang labi.
Sa totoo lang, mas lalong lumalalim ang pagmamahal ko kay tristan. Dahil dito, may posibilidad na baka magbago ang isip ko na sagutin ang panliligaw sakin ni christopher.
Siguro hindi ko nalang itutuloy yun. I change my mind and also my decisions. I decided na babalik na ako sa tabi ni tristan dahil kailangan niya ko ngayon. He needs my love and care.
Pagdating ng tanghali, ginising ko si tristan para kumain na. Nagluto kasi ako kanina ng lugaw para sa kanya. Bumangon siya at tumingin sakin. Ngumiti siya at hinawakan niya ang pisngi ko.
"Salamat, justin." sabi niya sakin kaya ngumiti din ako sa kanya.
"Oh, sige na. Kumain kana." dahan-dahan kong ipinasubo sa kanya ang isang kutsara ng lugaw at kumain naman siya ng maayos.
Kumain siya ng kumain hanggang sa naubos niya lahat ang lugaw at sya’y nabusog. Pinainom ko siya ng isang basong tubig at siya'y nagpahinga uli sa kanyang higaan. Babalik na sana siya sa pagtulog subalit kinausap niya ako.
"Justin, I just wanna ask." he said.
"Ano yun tristan?" tanong ko sa kanya.
"Kilala mo ba yung lalaking bumugbog sakin kagabi?" he asked and I feel nervous baka may balak siyang gumanti kay chris.
"Um, he's my friend. Christopher ang pangalan niya. Isa siyang pulis at matagal na kaming magkakilala." sagot ko sa kanya at siya'y tumango lang sakin.
Nakikita ko sa kanyang mukha na para bang hindi pa siya nakuntento at may gusto pa ata siyang itanung sakin tungkol kay chris kaya inunahan ko nalang siya at ako na naman yung nagtanung sa kanya para naman ma-iba ang usapan. Ayoko kasing makilala niya si chris. Di pwede.
"Tris, may tanong din ako sayo." sabi ko sa kanya.
"Ano yun naman yun, Justin?" tanong niya.
"About these s*x toys and the punishments. I want to know more." sagot ko at naintindihan niya ang tinutukoy ko.
"Before, when I was 17 years old, I met a 42 years old woman and I didn't know her name. Magkakakilala sila ni marco villanueva. She the one who teach me how to do b**m-" hindi natuloy ang kanyang salita nang bigla akong napatanong sa kanya.
"b**m?" napaisip ako kung anong ibig sabihin nito.
"Yeah, b**m. It's a variety of often erotic practices or roleplaying involving bondage, discipline, dominance and submission, sadomasochism, and other related interpersonal dynamics. Nasubukan ko ang mga practices na 'to dahil sa babaeng yun. Wala pa akong alam sa b**m when I was a teenage. Siya yung reason kung bakit di ako nakapagpatuloy sa pag-aaral ng college dahil sa trauma ko about that. She controlled everything what I do specially what I eat. Ginagawa niya kong parang alaga niya at dahil sa kanya, natutunan kong gumamit ng mga s*x toys for s****l pleasure pero itinigil ko na ang b**m nung 20 years old nako. There's a main reason kung bakit nagawa kung magpatuloy sa ganitong klaseng erotic practices specially to the girls and gays that I had s*x before."
Dahil sa kanyang sinabi ay mas lalo akong na curious sa kung ano ba ang dahilan pa nito.
"At ano naman yun, tristan?" tanong ko.
Siya'y napayuko saglit at tumingin uli sakin pero lungkot na ng kanyang itsura ang nakita ko sa kanyang mukha kaya ako'y nagtaka kung bakit naging ganito ang kanyang reaksyon.
"I have a girlfriend before when I was 23 years old. Mahal na mahal ko yung babaeng yun at seryoso ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko siya sinaktan o kaya inabuso man lang ang kanyang katawan. Inangatan ko siya at inalagaan ng maayos but there was an accident happened and she...." nahinto si tristan at sya'y biglang umiyak sa harapan ko kaya ako'y nalungkot sa pighati ng kanyang nararamdaman.
"... She died because of me. Her name is bella. She was so beautiful and kind. I love her so much and I missed her. She's the only one who gives me happiness and she's the only one who stay with me always." sabi niya habang pinupunasan niya ang kanyang mga luha.
"Simula nung mawala siya sa tabi ko ay parang nababaliw ako at palagi akong nalulungkot araw-araw katulad nang nararamdaman ko nung bigla mo kong iniwan at di kana nagpakita sakin. Nasasaktan ako pag-naalala ko siya at yung mga memories namin dalawa ay nakatatak parin dito sa isip ko kaya para mawala na siya sa utak ko pati na ang lungkot na nararamdaman ko, idinaan ko nalang ang sarili ko sa katuwaan at ipinagpatuloy ko ang pag-b**m. Doon nagsimula ang lahat hanggang sa nakilala kita. Ayoko na sanang magmahal uli dahil pagod nako at ayoko nang masaktan pa. Habang tumatagal ang pagsasama natin dalawa, hindi ko inasahan na mahuhulog na pala yung damdamin ko sayo. Hindi ko alam kung bakit. I can't believe that I could break my own rules because of you. I tried to pretend that I have no feelings with you but I can't hide it. It keeps showing." kuwento ni tristan sa akin at ngayon ay malinaw na sakin ang lahat.
Kaya pala ganito si tristan, It's because of his girlfriend named "Bella". What a beautiful name. Naging seryoso pala siya sa pagmamahal noon. Sabi ko na nga ba, may puso talaga si tristan.
He's not really abusive and violent person. He has a soft and adorable heart but it just turned into a stone and he became wild because of the death of his loved one.
Nang matapos ang pag-uusap namin dalawa, bumalik na siya sa pagtulog at nanatili parin akong nakabantay sa kanya. Maya-maya, habang natutulog na siya sa kanyang kanyang higaan. Iniwan ko muna siya sa sandali at ibinalik ko muna ang mga gamot sa drawer.
Paghila at pagbukas ko sa drawer box, ngayon ko lang napansin ang isang kahon at meron ding isang malaking brown envelope. Una ko munang iniligay ang mga gamot sa lalagyan at dahan-dahan kong kinuha ang kahon baka magising si tristan. Nang makuha ko na ang box ay binuksan ko agad ito.
Nang makita ko ang dalawang baril sa loob ay biglang napadilat ang mga mata ko dahil sa gulat ko. I also found a small tracking device from the box. Saan ba galing ang mga baril na 'to? Bakit ba may baril si tristan? Nakapagtataka.
Nagkaroon tuloy ako ng masamang kutob sa kanya. Dapat ko ba talaga siyang pagkatiwalaan o hindi? Mas lalo akong na-curios sa lalaking' to. Ibinalik ko uli ang kahon sa loob ng drawer at sinarado ko ito ng dahan-dahan. Lumingon ako at tumingin kay tristan.
Nakita kong nakatulog pa rin siya kaya salamat naman, hindi niya ko nahuli. Sa tamang araw, kakausapin ko siya tungkol dito dahil alam kong meron pa talaga siyang tinatago sakin. Nararamdaman ko lang.