31

795 Words
Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko si Dem na matiyagang naghihintay sa gate. "Anong kailangan mo?" tanong ko rito na hindi pa rin ito pinagbubuksan ng pinto. "Sa bahay ka na lang muna. Wala ka namang gagawin d'yan, 'di ba?" "Demetrius, tapatin mo nga ako. Gusto mo na ba ako?" seryosong tanong ko rito. "Oo, I like you." Bahagya akong natawa. "Sa tingin ko ay kailangan mo nang magpa-check up ng mata. Mukhang lumalabo na 'yan at hindi mo na makitang malabo kitang magustuhan." "I don't care. Ang mahalaga ay gusto kita. Tara na sa bahay." "Umalis ka na. May gagawin pa ako." "Tsk. Mapapalambot din kita." Confident na ani nito. "Kaya naman kitang patigasin." Seryosong ani ko rito na malakas nitong ikinatawa. "Alam na alam ko 'yan. Mukha ngang sa 'yo lang titigas ito." "Kaya ko ring putulin 'yan." Napangiwi ito. "Uwi na nga ako." Hindi na ito nagpumilit na papuntahin ako sa kanila. Bumalik ako sa bahay at nagsimulang magtrabaho. PLANADO na ang lahat. Habang nasa tuktok ako ng puno at inaayos ang mga gagamitin ko ay kasalukuyan namang pumapasok si Teri sa loob ng mansion ni Damien. Okay sana kung makakausap pa namin ito. Pero kung magkagipitan ay tatapusin na lang namin sila. "Careful," mahinang ani ko kay Teri na kasalukuyan sumasampa sa railing ng bahay. Pero habang pinanonood ko ito ay bigla na lang nawala ang mga footage na makikita sa screen. Fuck. "Bumalik ka. Bumalik ka muna, Tori." Tarantang ani ko rito. Ngunit hindi sumagot ang kapatid ko. Na-trace ang ginawa kong pag-hack sa CCTV. Mabilis kong inilagay sa bag ang gamit. Susundan ko na lang si Teri. Inihanda ko ang baril, walang hirap na bumaba ako sa puno saka inakyat ang pader. "Teri?" tinap ko ang device na nasa hikaw ko. Lakad takbo ang ginawa ko para makarating sa balcony na inakyat nito kanina. Pero inabutan ko si Teri na nakatayo na sa loob pero may nakatutok na baril dito. Kung si Teri ay may takip ang mukha, ako naman ay tanging facemask at sumbrelo lang. Nang gumawi sa akin ang tingin ng lalaki ay napasinghap ako. Anong ginagawa ni Demetrius dito? Base sa ayos nito ay intruder din ito. Pero mas malakas ang loob dahil walang tabing ang mukha. Nang magtama ang tingin naming dalawa ay naroon ang recognition sa mukha nito. Nakilala n'ya ako. Dahil distracted ito ay mabilis na nakakilos si Teri at nadisarmahan ito. Kitang-kita ang panlalaki ng mata ni Demetrius ng ito naman ang malagay sa posisyo kanina ni Teri. "What the f**k is happening?" nalilitong ani ni Demetrius."Teri?" nagtatakang ani nito sa akin. Napasinghap ako nang lumipat ang pagkakatutok ng baril ni Teri. Naglalaro na naman ang kapatid ko. Ang baril ay nakatutok na sa akin ngayon. Lumarawan ang takot sa mukha ng lalaki nang makita iyon. Mabilis itong tumakbo patungo sa pwesto ko at iniharang ang sarili. Bobo. Kung kalaban ang kaharap nito ay dapat protektahan nito ang sarili, hindi nito dapat harangin ang bala na akala mo naman ay hindi nito ikamamatay ang katangahan nito. Sumilip ako. Saka lang ibinaba ng kapatid ko ang nakatutok kaninang baril. "W-hat the f**k?" muling ani ni Demetrius. "We need to leave." Napatingin ako sa bigla na lang pumasok na lalaki na waring natataranta pa. Napatingin ito sa aming tatlo lalo na kay Teri. "Tang*na, anong ginagawa n'yo rito?" mabilis nitong ini-lock ang pinto saka mabilis na lumapit sa kakambal ko at mahigpit na hinawakan sa pulso."Kung may plano kayo huwag muna ngayon." Hinawakan na rin ako ni Demetrius at hinila patungo sa railings. "Bubuhatin kita pababa." "Hindi ako weak." Tinabig ko ang kamay nito at ekspertong bumaba. Panira talaga ng plano ang mga ito. Nang makababa rin sina Teri at Cristo ay lakad-takbo ang ginawa namin para makarating sa mataas na pader. Mas nauna pa nga kami ni Teri na nakasampa at nakababa sa kabilang bahagi bago ang dalawang lalaki. Nakarinig kami nang malakas na pagsabog. "s**t, 'yong sasakyan ko 'yon." Nakasimangot na ani ni Cristo. Narating namin ang dalawang big bike at sabay pa kaming sumakay ni Teri sa mga iyon. "What are you doing?" nakasimangot na tanong ko kay Demetrius na sumakay rin sa likod. Pati nga si Cristo ay sumakay rin sa motor ni Teri. "Mag-usap tayo mamaya. Paandarin mo na." Seryosong ani nito kaya naman iyon ang ginawa ko. Kaya bago pa makahabol ang mga tauhan ni Damien Bataler ay nakalayo na agad kami. Malas naman talaga. Bakit ba nataon na naroon ang dalawang ito. Sa kabilang parte kami ni Demetrius pumasok. Sa bahay na nakakonekta sa mismong bahay namin. Habang si Teri ay sa harap dumaan. Alam kong maraming tanong sa isipan ni Demetrius ngayon. Pero kung maging sagabal ito sa misyon namin, tatapusin ko na lang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD