32

937 Words
Hindi ko alam kung nakailang mura si Demetrius nang tanggalin naming pareho ni Teri ang suot naming mask. "Teri!" humigpit ang hawak nito sa braso ko. Bumungisngis naman ang kapatid ko at nagtaas ng kamay. Parang napapasong bumitiw si Demetrius at bahagyang umatras. Samantalang si Cristo ay chill lang na nakaupo sa couch. "What the f**k is this? Wala kang sakit?" tanong ni Dem kay Teri."Ikaw si Victoria, 'di ba?" gulong-gulo na ani nito. "Lapitan mo 'yong babaeng gusto mo. Wala namang issue sa pangalan iyon." Nakangising ani ni Cristo. Ang daming gustong itanong ni Dem pero hindi n'ya magawang magtanong. Nakikita ko sa expression ng mukha nito na labis itong gulong-gulo ngayon. Pero hindi ko inasahan na susundin nito ang suggestion ni Cristo. Humakbang ito sa akin at kinabig ako at mahigpit na niyakap ako. Para akong tuod na hindi nakagalaw. "Yakapin mo rin ako." Dinig kong pagbibiro ni Teri kay Cristo. Pero nakita ko lang na binato ni Cristo ng unan mula sa couch ang kapatid ko na malakas na natawa. "Tapos ka na? Nawili ka na eh. Bitaw." Utos ko sa lalaki. "Let's talk." Pagkatapos nitong kumalas sa pagkakayakap ay hinawakan nito ang kamay ko at akmang hihilain nang nanatili ako sa pwesto ko."Pwede ba kahit minsan lang sumunod ka naman sa akin?" that's it, mukhang napatid na ang pasensya nito at bigla na lang nag-burst out. Ngunit plano ko talagang sagarin ang pasensya n'ya. Sinadya ko pang ibagsak ang katawan ko sa bakanteng couch. "You brat!" frustrated na ani nito na lumuhod sa harap ko saka sinapo ang panga ko at mabilis na kinuyumos nang halik. "Sagad na sagad na ba ang pasensya mo at nakalimutan mong napapanood namin kayo?" nang maglayo ang labi namin ay nakatutok na sa sintido ni Dem ang dulo ng baril ni Teri. Bahagya akong napangisi nang mamutla ang labi ni Dem saka marahan napaangat ng kamay. "I need your explanation." Ngayon ay nakikiusap na ang tinig nito. "Kabilang sila sa grupo ni Lady A." Dakilang pakialamero. Ang baril ni Teri ay agad na tumutok kay Cristo. Gigil na lumapit ang kakambal saka idiniin sa noo ng lalaki ang baril. Ang tuhod nito ay itinukod sa t'yan ni Cristo. "Ouch! Plano mo bang durugin ang manoy ko?" reklamo nito. Hindi naman mukhang takot. "No...nagbibiro ka lang." Mariing tangi ni Demetrius. Kilala rin nito si Lady A? Bakit ba kailangan pang magpihim din ng babaeng 'yon sa ibang detalye na dapat ay alam namin ng kakambal ko. "Tsismoso ka talaga. Walang silbi 'yan bibig mo." Gigil na ani ni Teri sa lalaki. "Are you sure? 'Di ba favorite mo ang bibig ko." Napangiwi ako nang isalpak ni Teri ang dulo ng baril sa bibig ng binata. Hindi ko makitaan ng takot ang lalaki. May kakaibang titig pa nga ito na waring nagpailang kay Teri. Kaya naman mabilis na lumayo ito sa lalaki. "Misyon n'yo ba si Damien Bataler?" tanong ni Dem sa akin. "Kailangan namin s'yang patayin para matapos na ang misyon namin dito at makabalik na kami sa siyudad." "Sa tingin mo ba ay gano'n na lang iyon? Ganyan ba talaga ako kawalang halaga sa 'yo?" seryosong tanong nito. "Alam mo naman ang sagot." Cold na ani ko. Seryoso ang mukha na tumayo si Demetrius. Tinatawag ito ni Cristo pero humakbang na ito palabas. I think it's over. Mabuti naman. Hind ito ang oras para sa distraction. Tumayo ako at humakbang na patungo sa secret room. Tiniyak na hindi makapapasok kahit pa si Teri. Kailangan kong magtrabaho, may mga girls na kailangan ang gabay ko sa kanilang mga misyon. "DEM!" hindi ko na kailangan pang gayahin ang tinig ni Tori. Pumasok ako sa bahay nito. Bumuntot si Cristo ngunit ini-lock ko ang gate. Nang makapasok ako sa bahay ni Demetrius ay narinig ko ang pagtalon ni Cristo. Inakyat nito ang gate, ini-lock ko naman ang front door saka hinanap si Demetrius. Pero bago pa ako makapanhik nang tuluyan sa second floor ay narinig ko rin ang pagbukas ng pinto sa ibaba. M-ahusay rin talaga ang lalaki. Inabutan ko si Demetrius na nasa silid nito, sa mismong balcony. "Sino ka? Si Teri o Victoria?" "Ako ang tunay na Teri." "Ano ang kailangan mo?" seryosong tanong nito sa akin. Hindi lumilingon kahit pa nakalapit na ako rito. "Huwag mo s'yang susukuan." Magic word ata iyon. Dahil lumingon ang lalaki sa akin. "Sa gulo ng mundong ginagalawan namin walang katiyakan ang mga buhay namin. In case na bigla na lang akong mawala at least alam kong hindi mag-isa ang kakambal ko." "Hindi ako kailangan ng kapatid mo sa buhay n'ya." "Eh 'di subukan mo. Gumawa ka nang reason para kailanganin ka n'ya. Simula nang maulila kami ay si Tori na ang tumayong magulang ko. Pinasan n'ya sa balikat n'ya 'yong responsibility na mabuhay kaming dalawa. Ikaw lang ang tanging lalaki na hinayaan n'yang makalapit at madikit sa kanya. Bigyan mo s'ya ng reason para manatili sa piling mo. Bigyan mo s'ya ng dahilan para piliin ka n'ya. S'ya kasi 'yong tipo ng tao na kahit pwede n'yang piliin ang sarili n'ya ay mas pipiliin n'ya ang mga taong importante sa kanya. This time, please, do something para piliin ka n'ya at piliin din n'ya ang sarili n'ya." Seryosong ani ko kay Demetrius. Alam kong nasa labas na ng silid si Cristo. Tiyak na naririnig nito ang sinasabi ko kay Demetrius. Kaya siguro piniling manatili sa labas. Nang tumalikod ako at iwan si Dem ay agad itong nag-abang. Inakbayan ako nito at sabay kaming bumaba at iniwan na si Demetrius. Inakyat namin ang gate kasi ni-lock ko iyon at wala kaming susi.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD