chapter 25

2062 Words

Tila ginawa pang dinner entertainment ni Marco ang wala sa lugar na pagbibigay ng advice sa akin ni Tita Rica. Natapos ang hapunan at tumuloy sa sala ang usapan kung saan ay binuksan ni Papa ang isa sa mga binigay sa kanyang imported wine ng pinsan niyang nakapag-asawa ng foreigner. Silang dalawa lang ni Marco iyong umiinom habang kami naman nina Mama at Tita Rica ay natsa-tsaa. Napilitan na nga lang akong makisama at makinig kay Tita Rica ay mapakla pa sa panlasa ko ang iniinom na tsaa. "Hindi pwede iyong retired CEO, Mamita," sabi ni Marco sa tiyahin ko na kumuha sa atensiyon ko. "Malamang ay maintenance na ng gamot ang inaatupag niyon." Habang tumatagal ay napapansin hindi na basta-basta sumasang-ayon kay Tita Rica si Marco at tila bawat profile ng lalaking binabanggit ng tiyah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD