bc

Tita Claudia's Secrets

book_age18+
56
FOLLOW
1K
READ
HE
age gap
heir/heiress
bxg
campus
tricky
like
intro-logo
Blurb

Sino ba naman ang mag-aakalang ang laging balot na balot at masungit na si Tita Claudia ay ang sikat na erotic novelist na si “Midnight Mist”? Sa umaga, dalagang-Pilipina, sa gabi ay ang author na nagpapainit sa pantasya ng buong bansa.

Pero biglang nagka-plot twist nang ang secret identity niya ay nabuking ng binatang pasaway na si Marco Laraza. Ang akala ni Claudia ay maba-blackmail lang siya para sundin ang mga kapritso ng mayamang binata, pero bakit parang pati ang puso niya ay nadali na rin nito? Bigla, ang tumatawag sa kanyang ‘Tita’ ay naging kalaro niya sa kama.

Patawad, pero ang sarap magkasala!

Dumagdag pa sa eksena ang seryosong si Joaquin Amorio, isang certified Hot Papa na handa siyang pakasalan at gawing stepmother ng anak nito. Ang offer ni Joaquin ay buhay na stable at payapa, at isang pagmamahal na tapat.

Ngayon ay gulong-gulo ang tita ni’yo kung sino ang pipiliin niya. Ang ‘Young and Wild’ na si Marco na ginigising hindi lang ang natutulog niyang katawang lupa kundi pati ang inaamag niyang puso? O ang Hot Papa na si Joaquin na dream-come-true ng bawat babae?

Abangan ang labanang "Yummy vs. Daddy" tapos may mga kontrabida pa sa tabi-tabi! Kakayanin kaya ni Tita Claudia ang mga plot-twist sa buhay niya?

chap-preview
Free preview
chapter 1
'Birthday 'to... kalma lang, self' parang mantra na paalala ko sa'king sarili habang pilit na nginingitian ang kaharap kong mga kumare ni Mama kasama ang isang kapatid ng Papa ko. Pigil na pigil ko ang sariling singhalan ang mga ito at baka itong birthday party ng pamangkin ko ay magiging lamay bigla ng isa sa mga matandang pilit akong kinukulit. Lihim tuloy akong nagsisi kung bakit sumama pa ako kina Mama at Papa sa party na ito! Kung nagpaiwan ako sa bahay, eh 'di sana naiwasan kong malagay sa hot seat nitong mga kumare ni Mama at ilan sa mga tiyahin kong mas namomroblema pa sa pagiging single ko kaysa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. "Kailan ka ba talaga mag-aasawa?" tanong ulit ng isa sa kumare ni Mama na kulang na nga sa ngipin pero pakialamera pa rin. Pagkarating na pagkarating ko simula pa kanina ay hindi ko na mabilang kung ilang beses kong narinig ang tanong na iyon sa bawat nakakasalubong kong mga kamag-anak at kahit iyong mga kakilala ng mga magulang ko. Ni hindi ko nga kilala ang ilan sa kanila pero kung tanungin ako tungkol sa non-existent kong love life ay parang katuwang sila ng mga magulang ko sa pagpapalaki sa'kin. Sa kakaiwas ko sa mga kamag-anak kong 'concern' din sa pagiging single ko ay biglang nasukol ako nitong mga tsismosang kumare ni Mama at kasama pa nila ang isa sa kapatid ni Papa na parte yata ng kulto nilang libangan ang pag-usapan ang buhay ng iba. Wala naman akong nakasalubong kaninang itim na pusa pero minalas ako ngayon at nakorner ako bigla nitong mga matatandang may maiitim na ngala-ngala kakapakialam sa buhay ng iba. "Hindi ka naman pangit, bakit wala kang nobyo?" dagdag na tanong no'ng isa pa. Kung makapagsalita ay parang siya ay meron, pero ayaw kong magtanong at baka meron nga! Pulang-pula pa naman ang lipstick niya, hindi baling kulang na ang ngipin basta red lips! "Wala ka bang manliligaw?" segunda no'ng isa. Concern siya sa kawalan ko ng manliligaw pero hindi sa papaubos na niyang buhok. Talo pa nila ang mga reporter, wala pa nga akong sagot doon sa mga nauna ay may follow-up question na. "Kumilos-kilos ka na, Caludia, napag-iwanan ka na ng mga kaedad mo," singit ni Tita Rica na nakababatang kapatid ni Papa. Isa pa 'to, kung hindi ang kawalan ko ng asawa ang pinupuna ay ang pagiging kontento namin sa mahirap na pamumuhay. Sa kanilang magkakapatid ni Papa ay kami lang iyong masasabing mahirap, pero hindi naman iyong hirap na hirap talaga. Medyo may kataasan lang talaga ang standard ni Tita Rica dahil nga nakaluwag-luwag sa buhay kaya mahirap na ang tingin sa mga magulang ko na parehong government employee. Simula no'ng nagtatrabaho ako ay tumulong na ako sa pamilya ko, dahil hindi gano'n kalaki ang sinasahod ng mga magulang ko. Kusang-loob naman iyong pagtulong ko sa pagpapaaral sa mga kapatid ko hanggang makapagtapos sila. Nakasanayan ko na ngang inaako ang mga bayarin sa bahay para naman magamit ng mga magulang ko iyong pension nila upang bilhin ang mga kailangan nila at puntahan ang mga lugar na gusto nilang puntahan. So far ay masaya naman ako at nakikita kong ini-enjoy ng mga magulang ko ang pagreretiro. Hindi ko na nga maalala kung kailan ako nagsimulang maging breadwinner ng pamilya basta ang natatandaan ko ay bago pa magretiro ang mga magulang ko ay ako na ang gumagastos sa bahay. "Tingnan mo nga iyang pinsan mong si Rochelle... may anak ng 25 years old," dagdag pa ni Tita Rica na nagpabalik ng atensiyon ko sa kasalukuyan. Anak nito si Ate Rochelle at ang tinutukoy nitong anak ng pinsan ko ay ang pamangkin kong si Kelvin na siyang nagdiriwang ng kaarawan ngayong araw. "Forty-five na po si Ate Rochelle," mahinahon kong paalala kay Tita Rica. Sa katandaan ay nakalimutan na yata nitong thirty-six pa lang ako, oo at hindi na bata pero hindi rin naman gano'n katanda. Ang importante ay hindi pa ako forty. "Forty-five pero may asawa na at mga anak, pero ikaw ay kwarentahin na pero wala pang jowa," hindi patatalong tugon ni Tita Rica. Na-headshot ako sa mga pinagsasabi nito. Dala na ba ng katandaan ang pagiging taklesa at kawalan ng preno ng bunganga? Kung hindi ko lang talaga ito tiyahin ay parang ang sarap nitong busalan! "Oo nga, mahihirapan ka ng manganak niyan at—" "Ano po bang pakialam ni'yo roon?" bigla kong putol sa pagsasalita ng kasama ni Tita Rica na kung hindi ako nagkamali ay Mare Ester ni Mama. Iyong inis ko kay Tita ay parang sa isang ito ko maibubuhos. Nagulat yata ito sa bahagyang pagtalim ng boses ko at paasik kong pagtatanong dahil awang ang bibig nitong natigilan. Maging si Tita Rica ay napamaang din kasama iyong tatlo pang miyembro ng kulto nila. "Bakit ka galit?" maang na tanong no'ng isang walang ngipin pero pulang-pula ang labi. "Concern lang kami sa'yo," tila nangongonsensya pa nitong dugtong. Nagsitanguan naman iyong iba bilang pagsang-ayon. Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili. Ayokong may masabi sila tungkol sa pagpapalaki sa'kin ni Mama at Papa kaya hangga't maaari ay ayaw ko silang supalpalin kahit napupuno na ako. Kung pwede lang sanang ipasaksak ko sa mga baga nila ang pakulo nilang 'concern-concern' na iyan! "Pinapayuhan ka lang namin ng dapat mong gawin," dugtong no'ng isang bilang na lang ang buhok sa ulo. "Dapat nga ay magpasalamat ka pa sa'kin." Sa tono nito ay parang lumalabas na ako pa itong walang utang na loob. Dapat yata pati sa mga party ay hinihiwalay ang mga matatanda! Kailan pa ba iyong appointment ng mga ito kay San Pedro? Pwede kayang i-rush para naman matahimik ang mundo ko? "Ikaw rin, walangag-aalaga sa'yo pagtanda mo," singit no'ng Mare Ester ni Mama. "Basta kami ay pinapapaalalahanan ka namin. Kailangan mo na talagang mag-asawa dahil nagkakaedad ka na." Taimtim akong nanalamgin ng mas mahaba-haba pang pasensya. Nanganganib na magdidilim na lang bigla ang paningin ko at basta na lang akong manakal ng matanda. Makikikain lang naman sana ako rito sa birthday, pero magiging kriminal pa yata ako! "Hindi naman po siguro poproblemahin ng bansa kung gugustuhin kong maging matandang dalaga," mahinahon kong wika. Mahigpit kong naikuyom ang isa kong palad dahil parang nangangati na dumapo sa leeg ng mga kaharap. "Masaya naman po ako, at wala akong pineperwisyong ibang tao." Binigyang-diin ko ang mga binitiwang salita habang may nakaplaster na ngiti sa mga labi ko upang hindi masamain ng mga kausap. "Aba, ayaw mo bang magkaanak?" kunot-noong tanong ni Tita Rica na tila ba magkakaproblema siya tungkol doon. "Marami na po akong mga pamangkin, Tita," mahinahon kong sagot kabaliktaran ng kumukulo kong dugo. "Kontento na po ako sa pagiging tita ko." Isang tipid pero totoong ngiti ang binigay ko sa mga kaharap nang maalala ang mga pamangkin ko. Hindi kumbinsidong ekspresyon ang lumarawan sa mga mukha ng mga kaharap ko at halatang sila itong hindi kontento sa gusto kong buhay. Bago pa man may makapagbigay ulit sa kanila ng unsolicited opinion at advice ay biglang may tumawag sa pangalan ko na lihim kong pinagpasalamat. "Tita Claudia!" Mabilis ang ginawa kong paglingon sa pinanggalingan ng boses at bumungad sa'kin ang birthday boy na si Kelvin. Salamat dito at mukhang hindi ako tuluyang magkasala at hindi mabawasan ang mga kumare ni Mama. Agad lumambot ang ekspresyon ko sa mukha habang pinagmamasdan si Kelvin. Parang kailan lang ay ang liit pa niya pero ngayon ay twenty-five years old na ito. Ang bills ng panhon, naalala ko ma ilang beses din akong pinagbantay sa kanya ni Ate Rochelle noon. Kalaro din siya rati ng bunso kong kapatid na si Cris kaya lagi siyang nasa bahay. Mukhang tumatanda na nga ako, naglalakihan na iyong mga batang binabantayan ko lang dati. Pero hindi pa rin iyon sapat na dahilan upang kailangan ko nang magkandarapa sa paghahanap ng mapapangasawa. Ilang sandali pa at nakalapit na sa kinatatayuan ko si Kelvin. "Happy birthday, Kelvin," nakangiti kong bati rito. "Thanks, Tita," masaya niyang tugon bago bumaling sa mga kasama ko. "Nandito po pala kayo, Lola Rica, kanina pa po kayo hinahanap ni Mommy," magiliw nitong kausap sa kapatid ni Papa na lola naman niya. "May gusto po yatang itanong sa inyo tungkol doon sa kailangan niyang gawin para sa bagong branch ng store." "Ay oo! Muntikan ko nang nakalimutang may dapat pala kaming pag-usapan," bulalas bigla ni Tita Rica. "Nasaan ba iyong Mommy mo? At nang mapuntan ko." "Nasa patio po," nakangiting sagot ni Kelvin. Nang umalis si Tita Rica ay nagsisunuran naman ang mga ka-kulto nito. Hindi ko tuloy mapigilang mapabuga ng hangin nang tuluyang makaalis ang mga ito. Napansin iyon ni Kelvin at mahina itong natawa. Sa ekspresyon nito ay mukhang gawa-gawa lang nito ang sinabi upang pasimpleng paalisin si Tita Rica at ang mga alipores nito. "Sana ay hindi mo po maisipang i-boycott ang ibang family event natin dahil sa kanila," pabiro niyang pahayag habang makahulugang sinulyapan ang direksiyong nilisan no'ng mga umalis. "Bakit naman kasi sa bawat family event ay imbitado ang mga tsismosang iyon?" napasimangot kong tanong. "Mga antique na kaibigan iyon ng mga Lola," tumatawa niyang sagot. Iyong tinutukoy niyang mga lola ay sina Mama at ilang mga tiyahin ko kasama na si Tita Rica. "Mabuti pa iyong ibang antique nabebenta, iyong mga iyon... ang sarap na lang itago sa bodega," humalikipkip kong usal. Lukot ang mukhang muli kong pinasadahan ng tingin ang paligid. Dahil sa kakaiwas ko sa mga katulad ni Tita Rica at mga alagad nito ay hindi ko tuloy na-enjoy itong bonggang party ng pamangkin ko. May kaya ang pamilya nila, kaya hindi basta-basta ang ilang mga bisita. Kanina nga ay namataan kong dumating na ilang mga politiko at may mga sikat artista pa. Pero sa halip na ang mga iyon ang makakuha sa interes ng mga kumare ni Mama ay ako pa rin ang paborito nilang pagdiskitahan. "Tita, may ipakilala pala ako sa'yo," bigla ay pukaw ni Kelvin sa naglalakbay kong diwa. Kumunot ang noo kong lumingon dito. "Kelvin, kung irereto mo lang ako riyan sa kung sino mang ipapa kilala mo ay huwag mo nang ituloy," masungit kong babala sa kanya. "Hindi ah!" tumatawa niyang sagot. Nagdududa pa rin ang tinging binigay ko sa kanya. Alam kong hindi siya katulad no'ng iba niyang mga pinsan at maging mga kamag-anak namin na kung kani-kanino ako pinapakilala para lang magkaroon ng love life ay ayaw ko pa ring makampante. Ang hirap nang magtiwala sa panahon ngayon kahit na sa sariling mga kadugo!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.6K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.3K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.6M
bc

The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

read
14.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook