Tapik sa kanyang pisngi ang nagpabalik sa kanyang malay.
"Wakeup sleepyhead.."anang pamilyar na boses.
Iminulat niya ang mga mata at bumungad sa kanya ang gwapong mukha ng lalaking dinukutan niya nakaupo ito sa gilid ng kama kung saan siya nakahiga.Bigla siyang bumangon at umupo pinagsalikop niya ang mga tuhod at niyakap iyon.
Kasabay ng nadarama takot ang eritikong t***k ng kanyang puso natatakot siya sa maaring gawin ng lalaki sa kanya,at natatakot siyang hindi na makauwi sa kanila pano nalng ang mama at kapatid niya.
Gumawa ka kasi ng kasalanan kaya ayan pinarurusahan at sinisingil kana.anang munting tinig sa isip niya.
"Bakit mo ako pinadukot?"kabadong tanong niya hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata nito dahil para siyang pinapaso.
"Kilangan pa bang itanong yan sisingilin kita syempre.."anito na tumayo sa at nagpalakad lakad sa loob ng maliit na silid.
Napalunok siya.papatayin ba siya nito nako po diyos ko ayoko pang mamatay napaka bata ko pa at paano nalang ang mama at kapatid niya nahihintakutang turan niya sa isip.
"Patawarin mo ako hindi ko naman sinasadya yung ginawa ko sobrang nangailangan lang ako kaya ko nagawa yun pero wag kang magalala ibabalik ko yung kinuha ko ng buo pati narin yung wallet mo basta't pakawalan mo nako oh please.."maluha-luhang turan niya dito.
"At sa tingin mo ganun lang kadali yon?"nakataas ang kilay na turan nito.
"Parang awa muna wag mo akong patayin.."naiiyak ng turan niya na lumapit dito at lumuhod sa harap nito at hinawakan din niya ang magkabila nitong binti.
"Patayin? At sinong may sabing papatayin kita ? At saka pwede ba tumayo ka diyan bitiwan mo ako..!"inis na bulyaw nito sa kanyang.
Nag madali naman siyang tumayo at hinarap ito.halos Mabali na ang leeg niya sa pagtingala dito.
"Kung hindi mo ako papatayin ,ipapakulong mo ako?"namimilog ang matang bulalas niya.
"Right.."turan nito.
"Ipapakulong mo ako nako Sir parang awa muna ayokong makulong hindi pwede kawawa naman ang "mama" at kapatid ko ako lang ang inaasahan nila.."mangiyak-ngiyak ng turan niya.
Nakita niya ang pag ngiti nito."Hindi kita ipapakulong pero sa isang kundisyon!
"A-anong kundisyon?" nakamaang na taniong niya.
"One night with me.."nakangising wika nito bago tiningan siya mula ulo hangang paa.
Laglag ang pangang nakatingin siya dito halos lumuwa narin ang kanyang mata.
"A-ano! Tanging naibulalas niya.
"Make love to me and then you're free." Nakangisi nitong turan na muli tiningnan siya mula ulo hanggang paa at bumalik ulet pataas ang tingin nito at tumigil sa dibdib niyang nakatago sa malaki niyang damit.
Nagmula ang kaniyang mukha.Manyak pala itong lalaking ito eh at sa tingin niya papayag ako sa gusto niyang mangyari no way hindi niya ito asawa kaya bakit niya ibibigay dito ang kanyang puri..". Anya sa isip.
"Hindi ako papayag anong akala mo sakin kaladkaring Babae bastos!bulyaw niya dito.
"Wag mo akong sigawan!" Galit na bulyaw rin sa kanya nito .Nakaramdam siya ng takot at bahagyang lumayo dito.
"Kung ayaw mo fine, sa kulungan ka babagsak at sisiguraduhin kung hindi ka makakalabas doon kana habang buhay!
Nahintakutan siya sa sinabi nito parang nakikita -kita niya ang sarili na nakahawak sa rehas na bakal.Pano nga kung totohanin nito ang sinabi di mawawalang saysay ang pagsisikap niya sa pagaaral.
"Wala kana bang mahanap na babae para maikama.." wika niya na nayakap ang sarili.
" Well, dapat nga maging proud kapa dahil nagka-enteres ako sayo.."mayabang nitong turan.
"Sobrang taas naman ng tingin mo sa sarili mo, kung inaakala mo na i-empres ako sa hitsura mo pwes nagkakamali ka!"
Kita naman niya ang pagtatagis ng bagang nito na halatang nainis sa kanyang sinabi.
" Well,kung ayaw mo sa kondisyon ko then wait for the police.."
"Hindi ko nga kayang gawin at bakit ba sa dinami daming pwede mong ipang blackmail sakin Yun pa wala kana bang maikamang babae at pati ako e gustong tirahan Manyak kaba?"
Nakita niya ang pagtagis ng bagang nito."Hindi ako maniac at alam mo kung umarte ka para kang berhin sigurado naman akong kung sino-sino narin ang lalaking nag kama sayo lalo pa at nasa ganyang kang trabaho!!nakangising turan nito.
Nagmula ang kanyang mukha at umakyat sa ulo niya ang kanyang dugo,Kumilos ang kanag kamay niya ikinuyom niya ang kamao at dumapo iyon sa mukha ng lalaki sapol ito sa bibig ng lalaki.
Nabigla ito sa ginawa niya.kita niya ang pagtulo ng mapulang likido sa pumutok nitong labi,Kulang nalang Ay lumabas ang apoy sa mga mata nito sa pagkakatingin sa kanya.At hindi niya napaghandaan ang gagawin nito para itong ipo-ipo sa bilis na hagip agad nito ang kanyang bewang at ikinulong sa mala bakal nitong katawan naramdaman niya ng sakupin nito ang kanyang labi halos sibasibin nito ang kaloob luoban ng kanyang bibig nalalasahan na rin niya ang dugo na nagmumula sa pumutok nitong labi dahil sa pagkakasuntok niya.
Nagpumiglas siya pero talagang malakas ito binitiwan lamang siya nito ng itulak siya nito sa kama,pagkakataon na sana niyang makawala ng mabilis itong dumagan sa kanya.at takpan muli ng labi nito ang kanyang labi.
Nagpupumiglas parin siya itinulak ng dalawa niyang kamay ang dibdib nito pero wala parin malakas talaga ito.Nahagip ng Isa nitong kamay ang kanyang mga kamay at itinaas iyon sa ibabaw ng kaniyang ulo.
Nahihilo na siya hindi dahil sa natatakot at kinakabahan siya.Nahihilo siya dahil sa kakaibang sensasyong dala ng halik nito kahit marahas ang halik na ibinibigay nito sa kanyang ramdam niya ang tamis ng labi nito pati narin ang lambot niyon sa kaunaunahang pagkakataon nahalikan siya..Nahalikan siya ng isang estranghero.
Nang hindi na siya nag pumiglas naramdaman niyang naging masuyo ang paghalik nito naging banayad.Na lalong nagbigay ng kakaibang kiliti sa kanyang pakiramdam,At namalayan nalng niyang ginagaya na niya ang bawat galaw ng labi nito.
Binitiwan nito ang dalawang kamay nyang hawak nito .at kusa niya iyong ipinaikot sa batok nito.
"Bahala na si Batman handa na niyang ipagkaloob ang sarili dito hindi na niya kayang paglabanan ang sensasyong binibigay nito sa kanya.Kung ito ang kabayaran sa ginawa niya tatanggapin niya."aniya sa isip.
Hinubad nito ang kanyang suot na damit kaya bra nalang niya ang natira isinunod naman nitong hubarin ay ang kanyang pantalon,Ipinikit niya ang kanyang mata habang hinuhubaran siya nito ayaw niyang makita ang magiging reaksyon nito.
Naramdaman niyang muli itong dumagan sa kanya na wala ng suot na kahit ano sa katawan nito.Ramdam niya ang makinis nitong balat.Muli siya nitong hinalikan labi at bumaba iyon sa sensitibong parti ng kanyang leeg.Napaigtad siya ng dumapo ang kamay nito sa kanyang dibdib.
At ilang sandali pa pinag-isa na nito ang kanilang mga katawan hindi niya alam kung ilang santo ang tinawag niya ng mapag-isa nito ang kanilang katawan para siyang sinaksak ng sampung beses.
Nung una'y naging marahan ang paggalaw nito pero ng masigurong hindi ma siya masasaktan bumilis nang bumilis hanggang marating na nila ang dako pa roon.
Tumutulo ang kanyang luha habang nagbibihis,Tulog na tulog ang lalaki.umiiyak siya dahil ang tanga tanga niya nagawa niyang ipagkaloob ang sarili sa lalaking hindi naman niya kilala.Na tanging ang pangalan lamang nito ang alam niya na palagi niyang nababasa sa driver's license nito na nasa kanya..
Ngayon wala na siyang utang dito at marahil ito na ang huli nilang pagkikita,Nakaramdam siya ng lungkot sa isiping hindi na niya ito makikita hindi niya alam pero kasabay ng pagbibigay niya ng sarili dito ay ang pag-usbong ng kakaibang pakiramdam kanyang puso.
Nang matapos sa pagbibihis lumapit siya sa natutulog na si Drake pinagmasdam niya ang mukha nito.kahit saang anggulo napakagwapo nito kitang kita niya ang mahaba nitong pilik mata ang matangos nitong ilong na bumagay sa makipot nitong labi. Na kanina lang ay sakop ang labi niya.Tumaas ang kamay niya sa mukha nito at hinaplos iyon.
"Goodbye.."mahinang anas niya bago tumayo at lumapit sa pinto bago siya tuluyang lumabas isang sulyap ang ibinato niya kay Drake ang lalaking nagalis nang kanyang ka inosentehan.
Allison
Two months later
Hindi niya maiintindihan ang kanyang nararamdaman parang masusuka siyang hindi, nakakaramdam din siya ng pagkahilo at ilang araw naring laging masama ang kanyang pakiramdam.Tinatamad na bumangon siya sa kanyang katre oras nA muli ng pag pasok niya sa school dalawang oras din siyang nakapag pahinga mula sa pagtitinda ng isda sa palengke marahil masyado lang siyang napapagod sa kanyang trabaho.At dalawang buwan narin mula ng ipagkaloob niya ang sarili sa isang estranghero nasa pangalan lamang niya kilala.Simula ng umalis siya sa pinagdalhan ng lalaki sa kanya pilit na niyang kinalimutan ang ang lahat ng namagitan sa kanila kahit napakahirap para sa kanyang gawin iyon lalo na't gabi gabi ang gwapong mukha ng lalaki ang nasaisip niya.Kabaliwan man tawagin pero nararamdaman niya na may puwang na ang lalaki sa kanyang puso.
Naligo siya at nagbihis, nang maayos na niya ang sarili lumapit na siya sa kanyang mama para magpaalam.
"Mama pasok napo ako.."aniya na humalik sa pisngi nito.
"Ingat ka anak"
"Opo"
Lumabas na siya ng kanilang munting bahay at naglakad patungo sa sakayan ng Jeep.
"Allison!
Nilingon niya ang tumawag sa kanyang pangalan at nakita niya si Ronnie na palapit sa kanya nakangiti ito kaya gumanti siya ng ngiti.
"Oh, Ronnie ikaw pala".Anya
"Kumusta na ang mama mo? Bungad tanong nito.
"Ok, na naman si mama tuloy lang sa paginom ng gamot para tuluyan na siyang gumaling.
"Mabuti naman kung ganun ahm wala kana bang balak sundan ung ginawa natin?
Alam na niya ang ibig nitong sabihin kaya umiling siya."Wala na okay na ang mama ko kaya wala ng dahilan para gawin q ulet iyon."
At dahil sa ginawa kong iyon nawala ang bagay na pinakaiingat ingatan ko".dagdag niya sa isip.
"Ok, pero pag nangailangan ka lapitan mo lang ako""
"Salamat nalang pero malabo ng mangyari pa yun ayoko ng dagdagan ang kasalan ko."
Nagkibit ito ng balikat bilang sagot, ng may dumaang Jeep pinara niya iyon at sumakay.
Nasa kalagitnaan sila ng klase ng makarmadam siya ng pagsusuka kaya nag madali siyang tumungo sa restroom at doon inilabas niyang lahat ang kanyang kinain nanghihinang napasandal siya sa pader.
Ano bang nangyayari sakin bakit ganito ang nararamdaman ko".anya sa isip pinunasan niya ang bulubutong na pawis sa kanyang noo.Nangangatog ang tuhod na lumabas siya ng rest-room nakaramdam siya ng pagkahilo at ilang saglit lang ay tuluyan nang nagdilim ang kanyang paningin at humandusay siya sa sahig.
Marahan niyang iminulat ang nanlalabong paningin ng luminaw na ang kanyang tingin nakita niya ang puting kisame inikot niya ang paningin sa loob ng maliit na kwarto mula sa nakatabing na kurtinang puti lumabas ang isang naka puting babae na hula niya nurse dahil sa uniform na suot nito,nakangiti itong lumapit sa kanya. Bumangon siya at isinandal ang kanyang likod sa pader.
"Kumusta ang pakiramdam mo?"Nakangiting tanong ng nurse sa kanya.
"Medyo ok naman po,Nasan po pala ako?"
"Nandito ka sa clinic ng school alam mo ba kung bakit ka nawalan ng malay?
Umiling siya"Hindi po."Maikling sagot niya.
"Kilan ang huling period mo?"
Napakunot noo siya bakit tinatanung nito kung kilan ang huling period niya anong connect noon sa pagkawala ng malay niya.Oo nga pala dawalang buwan na siyang hindi dinadatnan.
Namilog ang kanyang mata dahil sa maaring dahil ng pag delay ng kanyang period.
"Da-dalawang buwan na po akong hindi dinadatnan".nauutal niyang turan.
Nako sana po mali ang iniisip ko.piping turan niya sa kanyang isip.
"At alam mo ba ang dahilan ng mga sintomas na nararanasan mo ngayon"?.muling tanong nito.
Iling ang tanging naitugon niya dito lumalakas narin ang kabog ng kanyang dibdib natatakot siya sa maaring sabihin pa ng babae.
"Buntis ka ija at ayon sa sinabi mo na dalawang buwan ka ng hindi dinadatnan so maaring dalawang buwan narin yang ipinagbubuntis mo,siguro kailangan mong mag pacheckup para malaman mo ang lagay ni baby .."mahabang litanya nito.
Nakaawang naman ang bibig na nakatingin siya dito wala siyang maapuhap na sasabihin buntis siya nagbunga ang namagitan sa kanila ng estrangherong Drake nayon pano ang pagaaral niya at ang kanyang "mama"at kapatid makakaya ba niyang maging dalagang ina.Pano nalang ang magiging anak niya ayaw niyang matulad ito sa kanya na walang ama.
"Miss, Andrada okay kalang ba?"Nagaalalang tanong ng nurse sa kanya.
Namuo ang luha sa kanya mata at parang gripong nagsimbilis na dumaloy iyon sa kanyang magkabilang pisngi.
"Sa tingin mo okay ako huhuhu pano ko sasabihin sa mama ko ang kalagayan ko baka atakihin nanaman siya sa puso".umiiyak na sabi niya.
Umupo sa tabi niya ang nurse na hanggang ngayon ay hindi pa niya alam ang pangalan hinaplos ng kanang kamay nito sa kanyang likod.
"Ang mas maganda mong gawin puntahan mo ang kanyang ama at sabihin mo ang kalagayan mo siguro naman may paninindigan siya at panagutan ka."
Pano ko gagawin iyon e hindi ko nga alam kung nasan na ngayon ang ama niya sa pangalan ko lang din kilala ang hambog na yon.anya sa isip hindi naman niya pwedeng sabihin sa babae ang tunay na dahilan. Hindi niya tinugunan ang mungkahi nito at patuloy lang siya sa pag iyak.
"Tahan na maaapektuhan si baby sa pag iyak mo". anito
"Ganun ba iyon? "Sumisinghot na turan niya pinahid niya ang kanyang luha.
"Oo kaya wag kanang umiyak katulad ng sabi ko sabihin mo sa kanyang ama at kalagayan mo at tiyak akong pananagutan ka niya".nakangiting turan nito.
Kahit naiiyak pa ginantihan niya ang ngiti nito.Mukha naman itong mabait at sa hula niyang nasa higit trenta na ang edad nito.
Siguro tama nga ang sinabi nito hahanapin niya si Drake at sasabihin niya na dala- dala niya sa kanyang sinapupunan ang magiging anak nila.Kilangang panagutan siya nito kilangang bago niya sabihin sa kanyang mama na buntis siya may maipapakilala siya ditong ama ng anak niya.Pumasok sa isip niya ang wallet nito tiyak may calling card ito roon makikita niya ang address at telephone number nito.Hindi pwedeng hindi siya nito panagutan gagawin niya ang lahat magka ama lang ang kaniyang anak sisiguraduhin niyang hindi ito magagaya sa kanya na walang ama.
Muntik na siyang malula habang nakatingin sa napakataas na building sa harap niya at may nakasulat sa harap nito malalaking kulay silver na MONTILLANO TOWER. Last name ang Montillano ni Drake,hindi kaya siya ang may-ari ng building na ito.Totoo pala talagang napakayaman ng papa mo baby.Anya sa isip habang hinaplos niya ang kanyang flat pang puson.
Lumakad siya papasok sa lobby dumiretso siya sa reception area."Hi magandang umaga po pwede ko po bang makausap si Mr.Drake Montillano?"
Nakangiting turan niya gumanti naman ng ngiti ang magandang babae sa harap makapal ang lipstick nito na para nang dugo sa pula at mataas din ang pagkakapusod ng buhok nito at alam niyang may suot itong contact lens dahil sa kulay gray na mata nito.
"What is your name.?"Nakangiting tanong nito.
"Ahm, Allison Andrada"
"Wait lang po Ma'am tingnan ko po kung may appointment kayo sa kanya.."anito na binuklat ang makapal na papel sa desk nito.
"Sorry po ma'am pero wala po kayong schedule ng appointment kay Chairman"
"Chairman siya dito mataas na ang position niya sa kumpanyang ito?
"Yes, ma'am and his the CEO".nakangiting sabi ng babae.
Napaubo siya sa tinuran nito nalunok niyang lahat ang kanyang laway."CEO ay grabi his the CEO and I'm the Snatcher girl ang sagwa parang napaka labong panagutan nito ang kanyang anak, Malabo pa sa sabaw ng panus."anya sa isip pero hindi siya dapat susuko agad kilangan niyang makausap si Drake ngayong araw din ito.
"Nakikiusap po ako miss kilangan ko po siyang makausap ngayon importante lang po".pag susumamo niya.
" I'm sorry po ma'am,mahigpit pong pinagbabawal ni chairman na wag papasukin sa kanyang opisina ang hindi niya ka appointment".Umiiling na turan ng babae may name tag na ANNA.
"Please, tawagan mo siya sabihin mo kilangan ko siyang makausap kilala niya ako at tiyak pag tinawagan mo siya papapuntahin niya ako sa opisina niya."
"Kaano-ano po ba niya kayo Ma'am?
"Girlfriend..."wika niya
Nagulat naman ang babae pagkatapos tiningnan siya mula ulo hanggang paa.Napakagat labi siya sigurado siyang hindi ito maniniwala sa sinabi niya dahil sa suot palang mukhang hindi na siya kapanipaniwala.Malaking black tshirt na tinernuhan niya ng kupas na maong na pantalon at sapatos na niluma na ng panahon at sobrerong palaging nasa kanyang ulo.
" Im sorry ma'am pero hindi po talaga pwede".matigas na turan ng babae.
"Nakikiusap ako sayo miss buhay ang nakataya dito kaya kung pwede lang tawagan mo na yang chairman mo at kilangang makausap ko na siya ngayon din.."galit ng turan niya.
Mukhang na Sindak naman ang babae at agad dinampot ang telepono at nag dial.
"May naghahanap na Babae kay Chairman Allison Andrada ang pangalan kilangang makausap daw niya si chairman ngayon na importante daw.."anito sa kabilang linya habang nakatingin sa kanya.
Naghintay ito ng tugon mula sa kabilang linya bago nakita niya itong tumango at ngumiti sa kanya.
"Maupo lang muna kayo mam may bababa po dito para sunduin kayo."nang babae.
"Salamat.." aniya na umupo sa bakanteng silya sa harap ng desk nito.Huminga siya ng Malalim kailangan niyang ihanda ang sarili sa muli nilang pagkikita ni Drake Montillano.