Chapter Five

2507 Words
"Miss Andrada?  Itinaas niya ang kanyang paningin at nakita niya ang isang seryosong mukha ng isang gwapong lalaki. "Ako nga.." sagot niya "Follow me.." anas nito na nagpatiuna nang naglakad patungo sa elevator. Mabilis naman siyang sumunod dito,Hindi ito umiimik nanAtili lamang itong tahimik at seryoso ang mukha,Kaya naman nailang siya sa lalaki hanggang bumukas ang elevator wala silang imikan.Sabay silang lumabas sumunod parin siya dito tumigil sila sa isang nakapinid na pinto na may nakasulat na capital letter na "CEO”  Knock knock knock  Tatlong katok ang ginawa ng lalaki bago narinig niya ang isang pamilyar na tinig na hinding hindi niya makakalimutan.  "Come-in." anang baritonong boses sa loob. Agad binundol ng kaba ang kanyang dibdib,Kahit talaga boses lang ni Drake malaki ang epekto sa kanya.Parang hindi niya yata kayang humarap dito,natatakot siya sa maaring maging reaksyon nito.Baka ipakaladkad siya nito sa gwardya palabas ng kompanya nito,pag sinabi niya ang kanyang totoong pakay. Hindi ko kaya ayoko natatakot ako.sorry baby hindi ko yata kayang harapin ang papa mo",Anya sa isip bumilang siya ng hangAng tatlo bago akmang tatalikuran na ang lalaki pra umalis,Kaso huli na ang lahat nabuksan na nito ang pinto at nakita na siya ni Drake na ngayon ay titig na titig sa kanya. Kiming nginitian niya ito,pero nanatili lang itong nakatingin sa kanya.Pumasok ang lalaking kasama niya sa loob kaya naman sumunod na rin siya dito. Hay nako naman napasubo na baby,bahala na nga nakakatakot pa namang tumingin si papa mo oh para kung lalamunin ng buhay eh.anya sa isip. "Sige na Jayson iwanan muna kami.." seryosong turan ni blake sa lalaking sumundo sa kanya. "Yes chairman." maikling sagot nito na aktong tutungo na sa pinto ng tawagin niya ito. "Salamat Jayson.."nakangiting turan niya. Gumanti naman ito ng ngiti "Welcome miss Andrada." "At sinong may sabi sayong ngitian mo siya!"Galit na bulyaw dito ni Drake. Nagitla siya sa malakas nitong boses kaya naman namimilog ang matang tumingin siya dito. " I'm sorry chairman.."hinging paumanhin ni Jayson na iniyuko pa ang ulo.isang sulyap ang binigay nito sa kanya bago tuluyang lumabas. "Hoy ikaw! Tukoy nito sa kanya. "Ba-bakit?" Nauutal niyang sabi kinakabahan siya,Mukhang pag sinabi niya dito ang pakay niya'y ihagis nalang siya nito sa malaking salaming bintana tiyak durog ang katawan niya pag bumasag siya sa lupa. "Anong ginagawa mo dito sa opisina ko? Medyo kalma na nitong tanong sa kanya. "Ha- ano kasi- kasi---"nauutal na sabi niya hindi siya makapag salita ng maayos dahil na iilang siya sa mga tingin nito. "Pwedeng magsalita ka maayos.Sinasayang mo ang oras ko,hindi mo ba alam na bawat minuto at oras ko ay importante sakin kaya kung ano man yang sasabihin mo sabihin muna", Paano ba ako makakapagsalita ng ayos eh naiilang ako sa tingin mo.turan niya sa isip "Five minutes bibigyan kita ng limang minuto para magsalita.." "Huh,napakaikli naman noon pwede bang kahit 10 minutes kaya.."hirit pa niya. "No! Your time start now"anito. "Tumalikod ka muna.."aniya. "What? Bakit ako tatalikod?"iritadong wika nito habang kunot noong nakatingin sa kanya. "Naiilang ako sa tingin mo kaya tumalikod kana para masabi kona ung gusto kong Sabihin." Nakita niya ang pag ngisi nito at ang kakaibang kislap na naglalaro sa mga mata nito.Kaya naman lalo siyang kinabahan.Tumayo ito mula sa pagkakaupo at mabilis siyang nilapitan umatras siya pero napasandal nalang ang likod niya sa wooden desk nito. "You know what I miss you.."nang aakit na sabi nito na bahagyang yumukod para magtapat ang kanilang mga mukha. Nalunok niya ang kanyang laway."miss-mo ako ba-bakit?"nauutal niyang turan pilit niyang inilalayo dito ang mukha kaya naman halos Mabali na ang kanyang likod sa pagiwas dito. Miss daw niya ako,pero bakit?nagtatakang tanung niya sa isip. "Gusto ko na ulet matikman ang matamis mong labi.."paos ang tinig na turan nito. Nagtindigan ang balahibo niya sa buong katawan dahil sa sinabi nito,Dahil walang masabi itinaas niya ang kanyang kamay at idinampi sa noo at leeg nito. "May lagnat po ba kayo?" Kinakabahang tanong niya. Hinawakan naman nito ang kanyang kamay na lalong nagbigay ng kaba sa kanyang dibdib.Pero agad din nitong binitiwan ang kanyang kamay. "Pawisan pasma ka ayoko sa babaeng may pasma.."anito na mabilis na lumayo sa kanya at bumalik sa likod ng desk nito at naupo. "Pasma lang ayaw muna syempre mamawis talaga ito kasi kinakabahan ako.."aniya na pinahid ang kanyang kamay sa suot niyang damit. "Your time is up makakaalis kana" "Huh- eh hindi ko pa nasasabi yung ipinarito ko eh.."kumakamot sa ulo na turan niya. "Kanina kapa kasi hindi mu pa sinasabi so busy nako kaya umalis kana" "Hindi pwede!" Naiinis na turan niya dito kung hindi ba naman siya nito nilandi di sana kanina pa niya nasabi na buntis siya at ito ang ama. Tinaasan siya nito ng kilay."sinisigawan mo ba ako?! Allison relax kalang ok".kalma niya sa sarili. Ngumiti siya yung ngiting abot sa tenga,"Nako hindi po Sir kayo please po kahit limang minuto ulet bigyan nyo ulet ako."aniya na pinagdait ang kanyang kamay na animo'y nanalangin. Tinitigan siya nito bago nagsalita."Ok, you're five minutes start now.."sumusukong turan nito. Okay ito na kaya ko to baby .anya sa isip hininga siya ng malalim sanay matanggap nito ang sasabihin niya. "Buntis ako at ikaw ang ama.." turan niya tiningnan niya ang reaksyon nito pero blangko wala nanatili lang itong nakatingin sa kanya. "Wala kabang sasabihin?"kinakabahang tanong niya. "Get out! "Ha--! "I said get out kung ayaw mong tumawag ako ng security guard.." bulyaw nito sa kanya. "Pe-pero" "Get out now! Taranta siyang mabilis n lumapit sa pinto at lumabas,Nangangatog narin ang kanyang mga tuhod,Gusto niyang umiyak pero walang luhang lumabas. "Sorry baby ayaw satin ni daddy.."aniya na hinaplos ang kanyang sinapupunan. Mabigat ang dibdib na nilisan niya ang Montillano building ng walang lingon-likod. Dahil sa iniisip hindi niya napansin ang pagdating ng isang pulang kotse kaya naman muntik na siyang mabangga niyon,buti nalang mabilis na nakapagpreno ang driver nito. Nanlaki ang mata niya,at hindi makakilos,bumukas naman ang pinto ng driver sit at lumabas ang isang napakagandang babae na parang angel na bumaba sa lupa. "Are you okay?" Nagaalalang tanung nito ng makalapit sa kanya. "Okay lang po ako Mam.."sagot niya "Mukhang malalim ang iniisip mo ah basta ka nalang kasing tatawid.."bahagyang nakangiting turan nito. "Pasenya na.."aniya na akmang tatalikuran na ito pero hinawakan nito ang kanyang braso. "By the way I'm Cassandra Zhira.."anito na inilahad ang kamay. "Allison.."tugon niya na tinanggap ang pakikipag kamay nito. Kahit pangalan niya napakaganda "It's my pleasure to meet you Allison.." Tumango siya bilang tugon. " Would you mind if I invite you for a coffee..?nakangiting anyaya nito. "Salamat po pero kailangan ko ng umalis."tugon niya na bahagya itong nginitian. '' Alrighty, just be safe." nakangiting tugon nito.Napakaganda ng babae na animo'y isang modelo. " Salamat Cassandra,mauna na ako.."aniya na tinalikuran na ito at naglakad ng palayo. Drake's Pov "She's crazy kala niya maniniwala ako na buntis siya" Nagpupuyos ang dibdib na turan niya kay Jayson na ngayon ay tikom ang bibig na nakatingin sa kanya. "Hindi impossible kung may nangyari sa inyo Chairman at kung kayo ang nauna sa buhay niya.." turan ni Jayson na natili ang seryoso ng mukha. Oo nga naman Drake May nangyari sa inyo at hindi mo maiitanggi na ikaw ang unang lalaki sa buhay niya.anang munting tinig sa isip niya. "Hinihingi ko ba ang opinion mo?bulyaw niya dito. " I'm sorry chairman"hinging paumanhin nito na iniyuko ang ulo. "Pero may punto ka,sige puntahan mo ang babaeng yun at dalhin mo sa doctor. "Bakit ko po dadalhin sa doctor?"kunot noong tanong nito. " Ipa-checkup mo sa OB para masiguro ko kung buntis talaga siya at pag buntis nga dalhin mo siya dito at kailangan naming magusap." "Ngayon na chairman?  "Yes, now na karakaraka wag ka ng maraming tanong just go! "Yes chairman.."anito na mabilis na tinungo ang pinto pero bago pa nito mahawakan ang seradura bumukas na iyon at bumungad si Cassandra. "Good morning Miss Cassandra.."bati ni Jayson dito. "Good morning.."ganting bati nito na gumuhit ang isang malapad na ngiti sa mga labi. "Maiwan ko na kayo.."paalam ni Jayson na tuluyan ng lumabas ng pinto. "What are you doing here, akala ko ba next week pa ang dating mo from States."salubong na tanong niya dito. "Hmp, hindi mo manlang ba ako yayakapin?" Nakalabing sabi nito. "Come here.."aniya na ibinuka ang dalawang braso agad naman itong lumapit sa kanya at pumaloob sa naka bukas niyang mga braso. "Na miss kita.."anya na hinalikan ito sa buhok. " I miss you too Drake ."anito ilang saglit sila sa ganung posisyon ng kumawala ito sa pagkakayakap niya. "How's mom and dad?"Tanong niya,Simula ng mag turn-over siya bilang CEO, sa America na nanatili ang kanyang mga magulang kasama si Cassandra na ka triplets niya na isang Modelo.Nasa America din ang isa pa nilang ka triplets na si Theo na siya namang namamahala ng iba pa nilang negosyo siya lamang ang naiwan dito sa pilipinas. "Okay naman sila at Mahal na mahal parin nila ang isat -isa para silang mga teenager kung mag labingan.."ani Cassandra na umupo sa ibabaw ng kanyang wooden desk. "Ikaw kilan mo sila bibisitahin?" Tanong nito. "I don't know .."kibit balikat na sagot niya. "Hmp, miss kana ni mama" Ngitian niya ito."kaya kaba umuwi ng maaga para kumbinsihin akong bisitahin sina mama?" Gumanti ito ng ngiti."parang ganun na nga" "Don't worry pag lumuwag ang schedule ko bibisitahin ko sila. How about Theo how is he? Nagkibit ito ng balikat."Hindi narin kami halos nagkikita masyado ring busy ang isang iyon ewan ko ba kasi sa inyong dalawa masyado kayong seryoso sa negosyo,wala na kayong time a pamilya natin.." wika nito na may halong pagtatampo ang tinig. "Ayawn lang namin na bumagsak ang negosyo ng pamilya natin ikaw kasi puro ka lakwatsa. "Hindi naman hmmp,sya nga pala pinapatanung ni mommy kung kilan ka daw mag-aasawa kasi daw gusto na nilang magka apo hehehehe.." Biglang pumasok sa isip niya ang babae na kanina lang ay sinabi sa kanya na buntis ito at siya ang ama,so pag nagkataon na totoong buntis ito my instant apo na ang kanyang mga magulang. Kibit balikat lang ang isinagot niya dito" Anyways, where you gonna stay while you are here?" "Pupunta ako sa bicol bibisitahin ko sina Lola doon at gusto ko pati ng hanging probinsya. " I see,well enjoy then.."maikling sagot niya tanging ang magulang nalang ng kanilang ina ang buhay samantalang ang Lola nila sa kanyang ama ay matagal ng pumanaw dahil sa sakit sa puso ang lolo naman nila eh matagal na ring wala. "I am hungry, lets eat something.."aya nito na tumayo sa pagkakaupo. Kahit triplets sila medyo iba ang mukha nito sa kanilang dalawa ni Theo kasi sila ni Theo halos iisa ang mukha mas kamukha nila ang kanilang daddy samantalang ito nakuha ang features sa kanilang mommy,siguro dahil sa babae ito. "Ok , let's go.."sagot niya hinawakan niya ito sa siko at iginiya palabas ng kanyang opisina. Jayson's Pov Baliw yata talaga ang boss niya,paalisin tapos ngayon papabalikin ,Kung hindi lang niya kailangan ng trabaho matagal na siyang nag resign dahil sa pabago-bago nitong ugali. Kawawa naman ang babaeng iyon pag nagpatunayang buntis nga siya,at anak nga iyon ni chairman hay sanay hindi talaga siya buntis para hindi siya masadlak sa sitwasyon pagsisisihan niya. Allison Pagdating sa kanila humiga siya sa kaniyang katre nahihilo nanaman siya, nabubwisit siya kay Drake hindi niya alam kung naniwala ba Ito sa kanya o hindi basta nalang siya nito pinaalis. Kung ayaw niya di wag hindi ko siya pipilitin kung ayaw niya akong panagutan.anya sa isip. "Allison anak ayos kalang ba?" "Opo mama" Maikling tugon niya nakapikit ang kanyang mata dahil pag imumulat niya lalo lamang siyang nalulula.  Lumapit ito sa kanya at idinampi ang likod ng palad sa kanyang noo. "Wala ka namang lagnat siya magpahinga kanalang muna ako na lamang magluluto para makakain ka. "Sige po" *Tok tok tok* Pareho silang napatingin ng kanyang mama sa pintuan. "Sino kaya ito."anang kanyang mama na binuksan ang pinto. Hindi niya kita kung sino ang kumatok sa kanilang pinto dahil may nakaharang na kurtina sa paanan ng kanyang katre. "Sino po sila?"narinig niyang tanong ng kanyang mama. "Pwede ko po bang makausap si Allison?"narinig naman niyang turan ng pamilyar na tinig.Parang narinig na niya ang boses nito kung saan hindi lang niya matandaan. "Anong kilangan mo sa anak ko?" narinig niyang takang tanong ng kaniyang mama. "May importante po akong sasabihin.." "Sandali,Allison anak may naghahanap sayo"! Tawag sa kanya ng kanyang mama. "Pasok ka ijo, ano pala ang iyong pangalan?"muling tanong ng kanyang mama. "Jayson po." Pagkarinig ng pangalang iyon ay agad siyang napabangon. Jayson?hindi kaya Ito iyong lalaki sa opisina ni Drake kaya pala pamilyar ang boses nito,anong ginagawa nito sa bahay nila. "Ay ano bang sasabihin mo sa anak ko?" "Tungkol po sa pagbu--- "Jayson--! Mabilis niyang putol sa maaari nitong sabihin.Muntik na muntik ng masabi nito sa kanyang mama na buntis siya. "Halika doon tayo sa labas."aya niya dito na hinila ito sa braso.Nagtataka namang sinundan sila ng tingin ng kanyang mama. "Ano kaba muntik mo nang masabi sa mama ko na buntis ako,papatayin mo mama ko may sakit siya sa puso kaya bawal siyang mabigla." sermon niya sa lalake " Oh, I'm sorry I didn't know."sagot nito Isang malalim na buntong hininga ang kaniyang pinawalan bago nag salita."May sakit sa puso ang mama ko at kakagaling lang niya sa ospital bawal siyang mabigla.At baka sa susunod na atake niya hindi na niya kayanin.." "Ganoon ba pasensya na, pero halikana.." Aya nito sa kanya na hinawakan siya sa kamay. Agad naman niyang binawi ang kamay dito."San tayo pupunta?" "Utos ni chairman na dalhin kita sa doctor para ipa-checkup para malaman kung buntis ka talaga." "Ano--- so hindi siya naniniwala sakin!"inis niyang turan. "Hindi naman sa ganun." "Wag mo na siyang pagtakpan umalis kana hindi ako sasama sayo.."aniya na tinalikuran ito. "Please, miss Allison siguradong magagalit siya pag hindi ka sumama sakin.." "Wala akong pakialam sa galit niya.." "Pero miss Allison." "Wala ng pero- pero umalis kana at bumalik sa amo mong saksakan ng sama ng ugali ,at sabihin mo pag ako nagkaroon ng pagkakataon puputulan ko siya ng kaligayan niya,para hindi na siya maka-agrabyado pa ng iba...."nakahalukipkip na turan niya. "Ikaw ang bahala sige aalis nako..."laglag ang balikat na turan nito. "Ingat ka.."aniya na tinalikuran na ito medyo nawala ang hilo niya sa inis sa Drake Montillano na iyon. "Oh, anak umalis na ba ang bisita mo?" salubong ng mama niya sa knya pag pasok niya sa kanilang bahay. "O-opo ma.."maikling tugon niya ,hindi pa dapat nito malaman na nagdadalang tao siya,Hahanap pa siya ng magandang tsempo. "Ah ganun ba oh siya magpahinga kanalang ulet.." "Opo mama..." Muli siyang humiga at ipinikit niya ang mata.Pero hindi naman siya makatulog bumabagabag parin sa isip niya ang kalagayan niya ngayon. Tumulog kana lang at wag ka ng magisip ng mag isip makakaapekto yan sa pinagbubuntis mo."sabi ng munting tinig sa isip niya. Tama matutulog nalang ako pag kagising ko nalang saka ako magiisip."anya sa sarili. Mariin niyang ipinikit ang mata at pilit inalis ang mga gumugulo sa kanyang isip hanggang tuluyan na nga siyang nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD