At the wet market "Mga Suki bili na dito oh sariwang sariwa ang tinda kong isda!malakas niyang sabi. "Nako mga Suki dito na kayo bumili mas sariwa ang mga tinda ko!malakas na sabi rin ni Eda na tumingin pa sa kanya sabay erap. Bruha. anya sa isip. "Magkano ang kilo nitong galunggong?"Tanong ng isang matandang mamimili. "120.00 po tay..'' sagot niya sa matandang lalaki. "Okay sige bigyan mo ako ng dalawang kilo nitong galung-gong..''nakangiting wika ng matanda. " Sige po sandali.."aniya na mabilis dinakot ang isda at nilagay sa kaniyang timbangan ng makuha ang saktong dalawang kilong isda inilagay niya iyon sa plastic at inabot sa matanda at Inabot naman nito sa kanya ang bayad nagpasalamat naman siya dito. Kumuha siya ng tubig sa tabi at iwinisik sa mga tinda niyang isda par

