Nagising ako. Nakahiga pa rin ako sa kama ni Tom. Ibinaling ko ang aking ulo sa kanan at aking natagpuan ang hubad-barong katawan ng aking kasama dito sa silid. Maliwanag na sa labas, at hindi na ako nahirapan na tanawin ang kaniyang kakisigan. Ang kaniyang kayumangging balat, ay tinutugmaan ng pinong balahibo. Nagkalat ang mga mumunting nunal sa kaniyang katawan na parang nanghihikayat na magpabilang at magpatuklas.
Bumangon ako upang patayin ang bentilador. Akma ko nang pipihitin ang tatangnan nito nang maalala ko ang naganap kagabi. Ang aking kaliwang kamay ay aking pinanggamit sa pagsalsal kay Tom at ito'y nabahiran ng kaniyang t***d, kaya dali-dali kong binawi ito, at pinatay ang bentilador gamit ng kanan. Kusa namang umangat ang aking kaliwa at inilapit ito sa aking ilong upang malanghap muli ang halimuyak ng kaniyang katas. Kumapit sa aking daliri ang kakaibang tamis ng kaniyang t***d at kusang bumalik ang alaala na naganap kagabi.
Napatingin ako kay Tom, na kasalukuyang mahimbing na natutulog. Ang kaniyang hubad na katawan ay maayos na nakalapat sa kama. Malaya kong pinagmasdan ang kaniyang katawan, hinimay ang bawat detalye at pinag-aralan ang bawat punto nito. Hindi nakakasawa pagmasdan ang kaniyang katawan. Sa bawat tingin na aking pinupukol, lalong nadedepina ang ang kaniyang laman. Nakahiga lamang siya, ngunit para niya na akong ginagahasa.
Naglakbay ang aking paningin sa kaniyang katawan, katulad nang kahapon, pero ngayo'y mas mabagal, mas matagal at mas bumabaon. Pilit kong tinandaan kung saan naroroon ang nakakaakit niyang mga nunal. Pilit kong sinaulo ang mga bahagi ng kaniyang katawan.
Mataas ang kaniyang balikat, gawa ng bumabakat na deltoids, at sa kaniyang kanang lateral deltoid, malapit sa kaniyang leeg, naroroon ang kaniyang munting nunal. Ang kaniyang pectorals ay maumbok, at tingin ko'y hindi sapat ang aking mga palad upang sakupin ang buong lapad nito, at sa pagitan nito, sa mumunting kanal sa kaniyang dibdib, matatagpuan ang pangalawang nunal. Sa kaniyang tagiliran, sa ilalim ng kaniyang kili-kili, magkatabi ang pangatlo at pang-apat na mga nunal. Ang kaniyang obliques, kung saan pinaglaanan ng oras at pasensya, ay nakakaakit pagmasdan, na nagtuturo sa isa pang nunal at pababa patungo sa kaniyang gitna. Sa ibaba ng kaniyang pusod, na natatakpan ng kaniyang mumunting karug, naroroon ang pang-anim, at sa dulo ng kaniyang karug, malapit sa garter ng kaniyang boxers ang pampito.
Gusto kong bahiran ng dampi ang kaniyang katawan, katulad ng ginawa ko kagabi. Gusto kong maramdaman muli ang nakakapasong init ng kaniyang balat. Gusto kong balutin ang aking pagkatao ng magkahalong kaba, takot at libog.
Lumuhod ako sa gilid ng kama ni Tom. Ang mga siko'y ipinatong ko sa kaniyang kama at doon ibinagsak ang aking buong bigat. Isang piye ang ang aking layo mula sa kaniyang malamang hita. Hindi na ako nag-isip at iangat ko ang aking kanang braso upang ililis paangat ang laylayan ng kaniyang boxer shorts. Idinampi ko pagkatapos ang aking palad sa balat ng kaniyang hita. Naramdaman ko ang init ng kaniyang balat at ang magaspang na tekstura ng kaniyang balahibo. Ipinatili ko ang aking palad at ibinaling ang paningin sa mukha ng natutulog na si Tom, upang malaman ang kasalukuyan nitong estado.
Sa aking pagbaling, aking natagpuan ang nakangising mukha ni Tom. Bahagya pang nakapikit ang kaniyang mata, na nagbigay ng kakaibang akit. Bigla kong binawi ang aking palad na nakalapat sa kaniyang hita. Nakaramdam ako ng kaba't takot. Nakaramdam ako ng hiya sa aking inasal. Nahuli ako sa akto at hindi ko alam kung ano ang gagawing tugon sa aking kawalang-hiyaan.
"Good morning sa'yo, Jon," wika niya habang nakapirme ang ngisi sa kaniyang mga labi.
Bumangon siya sa pagkakahiga, in-ekis ang mga binti at umupo sa kaniyang kama. Inangat niya ang kaniyang mga braso upang guluhin lalo ang kaniyang magulong buhok. Nakita ko kung paano bumaluktot ito, dahilan upang lumitaw ang kaniyang biceps. Nasilayan ko rin bahagya ang kaniyang triceps. Sa kaniyang ginawa, bumungad sa akin ang buhok sa kaniyang kili-kili, makapal ito ngunit maayos at pantay-pantay ang pagkakatubo. Napalunok ako. Nang maalala ang aking kasalanan ay yumuko ako. Nanatili pa rin akong tahimik, ni hindi ko nagawang sumagot sa pagbati niya. Akma na akong tatayo nang muli siyang magsalita.
"Wait lang, sa'n ka pupunta?" wika ni Tom.
Inangat ko ang aking mukha at muli kong nasilayan ang nakakahumaling na ngiti sa mga labi ni Tom. Ito rin ang ngiting ginamit niya nang una kaming nagkita kahapon. Hindi na niya akong hinintay sumagot bago siya muling nagsalita, "P'westo lang ako."
Umusog siya sa dulo ng kama, papalapit sa akin. Ibinababa niya ang dalawang paa hanggang sa lumapat sa sementadong sahig. Humilig siya patihaya, ang magkabilang siko ay isinandal sa kama. Hinayaan niyang lumitaw ang kaniyang maskuladong katawan sa aking harap.
"Okay, game na," wika niya.
Noong una ay hindi ko matukoy kung ano ang kaniyang balak. Nang makapuwesto na siya ay doon ko lamang napagtanto ang nais niyang mangyari. Hindi ako kumilos at nagdadalawang-isip kung ipagpapatuloy ko ba ang ginagawa ko kanina sa kaniya.
Tiningnan ko si Tom, nang magtama ang aming mata ay tumango lamang siya. Iyon ang hinihintay kong kumpirmasyon sa kaniyang nais at sa aking pagpapatuloy. Idinantay ko ang aking nanginginig na mga palad sa nakalantad niyang hita. Kapwa kami napaso sa init ng isa't isa. Dumausdos ang aking mga palad sa kaniyang balat, masuyong humaplos sa kaniyang magkabilang quadriceps, at dinama ang nakakakiliting pagtusok ng kaniyang mga balahibo sa aking balat.
"Loko ka, Jon. Hindi pa pala sapat ang ginawa mo kagabi?"
Hindi ko sinagot ang tanong niya, sa halip, pinagbuti ko ang aking ginagawa. Paangat nang paangat ang bawat haplos na akong ginagawa, hanggang sa maabot ko ang dulo ng laylayan ng kaniyang checkered na boxer shorts. Ang mga daliri ko ay malikot na bumaybay at unti-unting pumapasok sa loob ng kaniyang salawal, hanggang sa masundot ng aking mga daliri ang kaniyang bayag.
"Gago ka, Jon. Pigil na pigil ako sa pag-ungol kagabi..." Tumigil siya sa pagsalita dahil umungol siya sa pagitan. "...ngayon p'wede na siguro ako umungol."
Muli akong tumingin sa gawi ni Tom. Gusto kong pagmasdan ang reaksyon ni Tom ukol sa aking ginagawa sa kaniyang mga hita. Hindi naman ako nabigo, at sobra pa ang kaniyang ipinapakitang sarap sa aking ginagawa. Lumalalim ang kaniyang paghinga at panaka-naka'y napapatingala gawa ng kakaibang sensasyon. Paminsan-minsan pa'y napapabitaw siya ng ungol.
Kapansin-pansin ang umbok sa salawal ni Tom. Wala siyang brief kaya bakat ito sa manipis na tela ng kaniyang kasuotan. Bagamat payat ito, ay mahaba naman, kaya't banat na banat na ang tela ng kaniyang boxers. Kapansin-pansin din ang pagpintig nito, ang pagnanais na pagtakas sa kaniyang underwear.
Tumigil ako sa paghaplos sa kaniyang mga hita at sa panahunang pagsundot sa kaniyang bayag. Inangat ko ang aking kamay mula sa pagkakapatong sa kaniyang mga hita at inilipat ito sa kaniyang hinaharap. Nadama ko ang kaniyang matigas na ari, na kumislot nang dumapo ang aking palad dito. Ang kaniyang katawan ay humaltak gawa ng kiliting nanalaytay mula sa kaniyang ari, kasabay sa pagpapalaya niya ng isang mahabang ungol.
Ang aking mga kamay ay humaplos sa buong kahabaan ng t**i ni Tom. Tumatalunton ang aking daliri sa porma ng kaniyang ari, kinakapa ang bilugang hugis ng ulo nito. Ang aking mga palad ay madiin na sumayad sa kaniyang boxers, at gumalaw pataas at pababa. May mga pagkakataong masuyong kinakamot ko ang katawan ng kaniyang ari na nagpapaigtad sa kaniya. Paulit-ulit ko iyong ginawa; ang banayad na paghaplos sa katawan ng kaniyang p*********i, ang marahang paglaro ng aking hintuturo sa ulo nito, at ang pagdakot na may halong panggigigil.
Nakaliyad pa rin siya. Nagkakaroon ng tensyon sa kaniyang dibdib, habang umaalon-alon naman ang kaniyang sikmura. Ang mga titig niya ay nakatutok sa aking kamay na bumabaybay sa kaniyang ari. Nagtagpo ang aming mga mata nang tumingin ako sa gawi niya. Sinuklian niya naman ako ng isang ngisi, kasabay sa pagkindat at maikling pagtango.
Hinayaan niya lang ako sa nais kong gawin sa kaniyang hinaharap. Wala akong narinig na reklamo, bagkus ay puro impit na ungol ang aking naririnig.
"Teka," pagpipigil niya sa akin. Bumaluktot papaloob ang kaniyang mga binti, upang maabot ang kaniyang checkered na boxers. Inipit niya ang kaniyang hinlalaki sa garter ng kaniyang salawal at idinausdos pababa. Bumalumbon ang boxers sa kaniyang paanan, na kaniya namang dagliang iwinasiwas pahubad. Ipinatong niya ang pinaghubaran sa kaniyang tabi.
Muli siyang umayos ng upo, humilig, tumihaya at muling nagpa-ubaya. Nasa harapan ko ang hubad na katawan ni Tom, na kahapon ko pa inaasam na matunghayan. Aking nadugtong ang kaniyang karug, na mula sa ilalim ng kaniyang pusod patungo sa base ng kaniyang ari. Medyo may kakapalan ang bulbol ni Tom, pero hindi magulo pagmasdan. Itim na itim at makakapal ang bawat hibla nito, kulot at sakto lamang ang haba. Dahan-dahan kong inilapit ang aking daliri, pilit pinipigilan ang panginginig nito. Para naman akong nakuryente nang dumampi ang dulo ng aking mga daliri sa kaniyang malagong bulbol. Iba ang tekstura nito kumpara sa balahibo niya sa hita at binti, ngunit hindi nagkakalayo sa kaniyang mahabang karug.
Lumipat ang aking titig sa kaniyang bayag, na mas kayumanggi sa kaniyang balat. Kasinglaki ito ng aking hinlalaki at hintuturo na pinagdugtong, ngunit hindi hamak na mas malaki ang kaliwa kaysa sa kanan. Nakalaylay ito gawa ng kabigatan. Gamit ng libreng kamay ay akin itong isinapo, itimbang bago ikinulong sa loob ng aking palad. Nararamdaman ko ang mga guhit sa kaniyang bayag at ang kakaibang satispaksyon, gawa ng pagkakapuno ng aking palad.
Sa pagbaling ko sa kaniyang t**i, hindi ko naiwasang hindi magsalita, "Ang haba talaga ng b***t mo, Tom." Narinig ko ang marahan niyang pagtawa, na sinabayan ng sunod-sunod na pagpintig ng kaniyang t**i. Itinigil ko ang paghaplos sa kaniyang bulbol, maging ang pagmasahe sa kaniyang malalaking bayag. Ang aking dominanteng kamay ay kumilos, ipinorma na parang may itinuturo, at gamit ng aking hintuturo ay tinunton ko ang ugat mula sa puno ng kaniyang ari, pataas, at patungo sa katawan nito. Ang kaniyang marahang pagtawa kanina ay napalitan ng pagsinghap, na sinusundan ng pagkislot ng kaniyang katawan, at pagtango ng kaniyang t**i.
Ang aking daliri ay magaan na nagpabalik-balik sa katawan ng kaniyang t**i. Pilit niyang nilalababan ang kiliti, at hindi kalaunan ay kaniya na itong nakasanayan. Kaya sa muling pagbalik ng aking hintuturo pataas, ay itinaas ko pa ito lalo, hanggang sa marating ko ang ulo ng kaniyang t**i. Bilugan ang ulo ng kaniyang t**i, malaki at nangingintab gawa ng pagkakahigpit sa balat. Hindi gaanong malinis ang pagkakatuli, ngunit nagbibigay naman ng kakaibang antas ng libog ang sinumang makakakita sa t**i ni Tom. Ang hintuturo ko ay tumigil at naglaro sa manipis na balat na nagdudugtong sa katawan ng kaniyang t**i at sa b****a ng ulo nito. Narinig ko ang kaniyang ungol at naramdaman ko ang pagpipigil niya sa pagkislot ng kaniyang buong katawan.
Hinawakan na ng aking kanang kamay ang katawan ng t**i niya. Lagpas ito sa aking kamao. Mahigpit kong iginapos ito sa aking palad, at ang kaliwang kamay nama'y pinaglaruan ang ulo ng kaniyang t**i. Hindi kalaunan, tumagas ang paunang t***d sa b****a ng kaniyang ari. Ikinalat ko naman ito sa nangingintab na ulo.
"Loko!" hiyaw niya na sinundan ng mahabang ungol.
Gawa ng pagkakangalay, ipinalit ko ang aking kaliwang kamay sa pagkakasakal sa puno ng kaniyang ari, at ang aking kanang kamay ay naglaro sa bahagi ng kaniyang t**i na hindi sakop ng aking kamao. Sinimulan ko siyang salsalin. Sinubukan kong gawin sa kaniya ang natutunan ko noong nakaraang araw. Hindi ko ikinilos ang aking kaliwa, habang ang kanan naman ay pinipihit ang itaas na bahagi ng kaniyang t**i. "Loko ka talaga, Jon. Ang sarap!"
Pabilis na pabilis ang aking ginagawa, at palakas na palakas naman ang ungol na binibitawan ni Tom. Nararamdaman ko ang paninigas ng kaniyang katawan, ang pag-igting ng kaniyang binti, at ang pagtigas lalo ng kaniyang t**i. Nararamdaman ko ang panlalaban na kaniyang ginagawa, na dulot ng kakaibang sarap sa kaniyang katawan, o marahil ang pagpigil upang hindi matapos ito. "Stop, stop!"
Sa halip na pakinggan at sundin ang kaniyang pagsusumamo ay mas binilisan ko pa lalo ang aking mga kilos. Sa paglipas ng ilang segundo, at sa loob ng isang segundo, tumigil siya sa panlalaban. Sa sumunod na mga segundo, pumaibabaw ang kaniyang nakakabighaning ungol kasabay ng pagpulandit ng kaniyang t***d. Paglagpas ng lima, ay nawala na ako sa bilang kung ilang putok ang kaniyang nagawa.
Sinundan ng aking mga mata ang bakas ng t***d na kaniyang inilabas. Mula sa kaniyang puson, pataas sa kaniyang abs kung saan naghalo ito sa kaniyang pawis, sa kaniyang maumbok na dibdib at sa kaniyang paalon-alon na buhok. Sa hindi mabilang na pagkakataon, nagtama ang aming mga mata. Napangisi lamang siya, napailing. "Loko ka talaga, Jon. Loko."