Napaayos ng pag upo si Don Emmanuel sa sinabi ng anak. Lalo siyang nagtaka at naguluhan dahil hindi naman kusang lumalapit sa kanya si Enrico kapag ito ay may kailangan. Madalas ang mga kuya niya ang nagsusumbong sa kanilang Ama na siya ay may problema at kailangan nito ng kausap at doon lang mangingialam si Don Emmanuel. Kilala niya ang anak. Hangga't kaya nitong hanapan ng paraan at sulosyonan ang problema hindi ito lalapit kahit pa sa kanyang pamilya. Kaya ganito nalang ang nararamdaman ni Don Emmanuel ngayon habang kaharap ang anak at humihingi ng tulong sa kanya. "Maupo ka muna, " aniya kay Enrico. Umupo si Enrico sa bakanteng upuan na nasa harapan niya. "Ano ba iyang problema mo? Bakit kailangan mo ang opinyon ko? " "Dahil sa bilis ng pangyayari na dumating ang anak ko ng biglaa

