Chapter 11

1459 Words
Si Nadia ang may hawak sa sanggol habang tinuturuan siya ni Liel kung ano ang kanyang gagawin sa tamang pagpaligo sa bata. Hindi naman nahirapan si Nadia at nakuha niya kaagad ang mga tinuro dito. Behave ang pamangkin niya. Gustong-gusto niya na pinapaliguan siya. Doon lang siya umiyak nang iahon na siya sa tubig. "Itong bata talaga na ito baliktad ang iyak, " magiliw na saad ni Liel. "Saka ka na magtagal sa tubig kapag malaki ka na. Naku, baka magka pulmonya ka ako pa sisihin ng tatay mo. " Hindi na siya tinuruan ni Liel sa pagbihis dito dahil alam na niya iyon. Pagkatapos bihisan ay pinadede na niya ito at nakatulog ang kanyang pamangkin. "May pangalan na ba iyang anak mo?" Tanong ni Liel habang pumapapak ng apple na sinasawsaw niya sa bagoong. Napangiwi si Nadia at parang nasusuka na nakatingin kay Liel na sarap na sarap sa kinakain. "Oo nga. May pangalan na ba iyan? Mag isang linggo na iyan dito, " segunda ni Ethan. "Wala pa--" "Anak ng tupa! " palatak ni Liel. Mahinang tinapik ni Nadia ang puwitan ng pamangkin ng pumiksi ito nagulat sa pagtaas ng boses ni Liel. "Wag mong sabihin na pati pangalan sa anak mo wala kang maisip, " dugtong niya. Napakamot sa ilong si Enrico. "Parang ganun na nga. " Napatampal sa noo si Liel. Na konsimisyon ito saglit. Si Nadia sa isang tabi ay tahimik lang na nakikinig. Karga parin nito ang pamangkin. Bahagyang inilapit ni Enrico ang katawan sa kanya at mahinang nagsalita. "Ano sa palagay mo ang magandang ipangalan sa kanya? " Napakurap at saglit na natigilan si Nadia. "B-bakit sa akin ka nagtatanong? " "Wala. Naisip ko lang, " lalo pa itong lumapit dahilan ng malalim na paglunok ni Nadia. "So, ano nga? " "Baby Gio? " patanong na sagot ni Nadia. Hindi naitago ni Liel ang ngisi sa labi habang nakatingin sa kanyang bayaw. Sinusuway siya si Ethan dahil baka mahalata siya ni Enrico ngunit sinimangutan niya lang ang asawa. "Mukhang nahanap na ng kapatid mo ang kanyang katapat, " hagikhik na bulong ni Liel sa asawa. Umayos ng upo si Enrico ngunit kay Nadia parin ang tingin. "Why Gio? " "Meaning, God's gracious gift. Iyon ang pagkakaalam ko. " "Mismo! " untag ni Liel. Nabaling ang tingin ni Enrico sa kaharap na mag asawa. Salubong ang kilay at nakabusangot ang mukha. "Umuwi na nga kayong dalawa, " may himig ng pagkapikon ang boses niya. "Iparehistro mo na iyang anak mo nang sa ganon hindi na iyan kulorom. " Bago pa tuluyang mag iba ang mood ni Enrico, inalalayan ni Ethan ang asawa na tumayo. "May appointment ka pa ngayon sa doktor. Kailangan na nating umuwi, " wika niya sa asawa. "Magsabi ka lang kung kailangan mo ng tulong, kahit maselan ang pagbubuntis ko sasamahan kita, " hirit pa ni Liel bago ito nagpatianod nang akayin siya ni Ethan palabas ng mansyon. Mahinang napabuntonghininga si Enrico nang mawala sa paningin ang mag asawa. Hindi naman ganyan noon ang bayaw niya sa kanya, ngayon lang ito naging mapang asar nang dumating ang anak niya. Siguro ay dahil buntis, paiba-iba ang mood swing. Napaiktad si Nadia nang lingunin siyang muli ni Enrico. Nagugulat siya, kinakabahan sa tuwing titingnan siya ng binata. At hindi niya alam kung bakit gayong wala namang nakakatakot dito maliban nalang kung masama ang timpla ng kanyang mukha at kapag ito ay seryoso. "Ilipat mo na siya sa crib. Matulog ka rin habang natutulog pa siya, " kaswal na wika ni Enrico. "Wala kang ibang gagawin dito kundi alagaan at bantayan siya. Yaya ka ng anak ko at iyon lang ang trabaho na gampanan mo. " Napalunok na tumango si Nadia. Hindi niya maibuka ang kanyang bibig upang makapagsalita. Iniwas niya ang tingin kay Enrico. Dahan-dahan niyang inilipat ang pamangkin sa crib. Ngayon, hindi na niya alam ang susunod na gagawin. Naiilang siyang gumalaw, nahihiya siyang magsalita. Nang tumayo si Enrico doon lang niya ibinalik ang tingin sa binata ngunit wala na sa kanya ang atensyon ni Enrico. Naglakad ito paakyat pabalik sa kanyang kwarto. Pagbaba nito nakabihis na siya at mukhang aalis. Hinalikan niya lang ang anak bago lumabas ng bahay ni hindi na niya tinapunan ng tingin si Nadia. Nakahabol ng tingin si Nadia sa kanya. Tatawagin sana niya ito ngunit tuluyan na itong nakalabas ng bahay. "Hindi ko tuloy naitanong kung sino ang naghugas ng mga bote, " napakamot sa ulo na wika ni Nadia. "Di bale, mamaya nalang pagka uwi niya. " Dahil tulog ang kanyang alaga at wala siyang gagawin, dahan-dahan siyang humiga sa couch kung saan siya naka upo. Gustohin niya mang mag muni-muni ngunit hinila na siya ng antok dahil sa puyat na walang tamang tulog dahil namamahay siya kagabi. "Stop it, f*****g idiot! " sita ni Enrico sa kanyang sarili nang maramdaman ang unti-unting pagkabuhay ng kanyang hinaharap. He was tempted by Nadia's sweet smell. Subrang pagpipigil niya sarili kanina nang makita ng malapitan ang makinis na leeg ng dalaga. Lalo na nang maamoy niya ang mabango nitong hininga saglit siyang natulala at kung anu-anong kahalayan ang pumasok sa kanyang isip. Sa porma ni Nadia na naka loose maong pants, long sleeve tshirt, naka messy bun ang buhok, walang kolorete sa mukha, in short parang manang manamit, naakit parin ang isang Enrico Montefalco. "Nag iba na ba ang taste ko sa mga babae? It can't be! " hindi makapaniwala na wika niya sa sarili. "Maybe because she has a big boobs? Right, iyon nga. " Para siyang baliw na nagsasalita mag-isa sa loob ng kanyang sasakyan. Nakalimutan niya tuloy kung saan at ano ang pakay niya kung bakit nakabihis siya at nagmadali na umalis. Pinakalma niya ang sarili at ilang beses na napabuga ng hangin ng tumunog ang kanyang phone. Ang kanyang bayaw na si Janice nagtext. Janice: Kung gusto mo ng tulong para magparehistro ng anak mo sa munisipyo, nandito lang kami ng kuya mo handang tumulong sayo. Text ka lang o tumawag kung kailangan mo ng tulong namin. Napaingos siya ng mabasa iyon. Na appreciate niya ang mga kusang pagtulong sa kanya ng dalawang bayaw, ng kanyang mga kuya, pero paano siya matuto kung ang lahat ng pagiging ama ay hihingi siya g tulong sa kanila? Hindi na niya ni replyan ang bayaw dahil hahaba lang ang kanilang pag-uusap at kung saan na naman mapunta ang kanilang usapan. He's heading to DZM Corporation. Habang binabagtas ang daan napapaisip siya kung sana nandito lang ang kanyang Ina sana ay may kaagapay siya. Sana hindi siya mangangapa, maiilang na humingi ng tulong sa iba dahil nandiyan ang kanyang Ina na pwede niyang lapitan. Nariyan para siya ay gabayan at ituwid sa kanyang maling landas na tinahak. He took a deep breath to hold back his tears. He missed her mom so much. Sa kanilang tatlo na magkapatid siya ang mas malapit sa kanilang Ina. Mama's boy. Kaya ganoon nalang ka hirap para sa kanya na tanggapin ang pagkawala ng Ina. He wants to get revenge on those people na siyang dahilan ng kamatayan ng kanilang Ina ngunit pumipigil sa kanya ang kabilin bilinan ng Ina na huwag gumanti. Na tanggapin kung ano man ang mangyari sa kanilang pamilya dahil natatakot na ito na may mapahamak pang muli sa kanila. Walang nagawa si Enrico kundi sundin ang bilin na iyon kahit umuusbong sa dibdib nito ang galit sa mga taong gustong patayin ang kanilang buong pamilya. Kaagad niyang inalis ang mabigat na emosyon at pinasaya ang mukha na palagi niyang ginagawa. Because no one knew how much pain and sadness he felt when their mother was gone. Lihim na nagtilian ang mga babaeng empleyado ng DZM nang makapasok siya. Bihira lang kasi siyang pumasok sa kompanya na binabalandara ang mukha. Madalas sa secret door siya dumadaan dahil ayaw niya ng atensiyon. Hinihingal na pumasok ang assistant ni Don Emmanuel sa conference room nang makita nito na paparating si Enrico. Pinahinto ng Don ang meeting nang marinig ang ibinalita ng kanyang assistant. Puno ng gulat at pagtataka na may kaakibat na tuwa nang malaman nito na narito ang bunsong anak sa DZM Corporation. Bihira lang din kasi ito pumupunta kapag alam niyang narito ang kanyang ama. Lalo na kapag may meeting hindi ito sumisipot. Ngunit ngayon narito ang anak, personal na pumunta at walang pamimilit na pamaraan. Pormal ang mukha na hinarap siya ng Ama nang siya ay makapasok. Balisa ito at parang nagdadalawang-isip kung itutuloy pa ba ang sasabihin. Pinagsiklop ni Don Emmanuel ang kanyang mga palad at matiim siyang tiningnan. Sa palagay kasi ng Don may mahalaga itong sasabihin kung bakit siya narito. Mariing napalunok si Enrico at lakas-loob na nagsalita. "Dad, can we talk?.. I need your help... I.. I need your opinion. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD