Nagmadali siyang pumasok sa kanyang kwatro para maligo habang tulog pa ang alaga niya. Nanggigigil siya kay Enrico ngunit kailangan niyang pigilan ang sarili na hindi makasabi dito ng masamang salita. Baka bukas ay wala na siyang trabaho kung pairalin niya ang galit at inis dito.
Matapos mag ayos ng sarili binalikan niya ang sanggol. Gising na ito ngunit tahimik lang. Nasa banyo parin si Enrico. Kinuha niya ang sanggol upang papaarawan ito saglit. Hindi niya kasi alam kung paliguan ba ito muna, o sino ang magpapaligo. Hindi niya pa kasi nasabi kay Enrico na hindi siya marunong magpaligo ng sanggol.
"Good morning ho, Don Emmanuel. " nakangiti na pagbati ni Nadia ng makasalubong niya ang matanda sa hagdan. Pa akyat ito. Siguro ay pupunta sana ito sa kwarto ni Enrico para silipin ang apo.
"Magandang umaga, hija. Magandang umaga rin sa aking apo, " magiliw na wika niya na may matamis na ngiti sa labi. Hinaplos niya ng marahan ang ulo ng sanggol. "Tanggalin mo ang lahat ng suot niya bago paarawan. "
"Opo, Don Emmanuel. "
"Umuwi na ba ang tatay niya? "
"Saglit lang po siya umalis kahapon. Bumalik rin naman kaagad. "
Don Emmanuel nooded, sana nga talaga magbabago na ang kanyang bunsong anak para makampante na siya.
"Ipabantay mo siya mamaya sa ibang katulong nang makakain ka ng agahan. "
"Opo."
Hindi akalain ni Nadia na ganito pala kabuti ang isang Emmanuel Montefalco. Tama nga si Nenita, maganda ang trato nila sa kanilang mga trabahador.
"Doon kayo sa likod, doon sa harap ng harden. Maganda ang ambiance ng lugar at ng makalanghap rin ng sariwang hangin ang apo ko. "
"Opo, Don Emmanuel. "
Hindi napigilan ni Nadia ang makaramdam ng konsensya sa pagmamahal at pagtanggap ni Don Emmanuel sa kanyang pamangkin bilang apo niya. Hindi niya inaasahan na ganito ang kanyang maramdaman. Ngunit wala na siyang magagawa pa. Narito na siya sa sitwasyong ito at isa pa maayos at maganda ang buhay na tatamasain ng kanyang pamangkin. Kailangan niya lang tibayan ang kanyang loob, maging bato ang kanyang puso at patayin ang konsensya na naramdaman sa kanyang maling ginawa sa pamilyang ito nang sa ganon masiguro niyang maging matagumpay ang kanyang sinimulang plano.
Aalis rin siya balang araw. Kapag natagpuan na ni Enrico ang babaeng magpapabago sa kanya. Kapag nagkaroon na ng nanay ang kanyang pamangkin, alagaan ito, mahalin, protektahan at hindi iparamdam dito na hindi siya ang tunay nitong Ina. Aalis siya at ipagkatiwala ng buo kay Enrico ang kanyang pamangkin kapag nasiguro na niyang kaya ng gampanan ni Enrico ang tungkulin nito bilang isang Ama.
Pangarap ni Nadia ang makapasok dito sa loob ng mansyon. Nasasabik siyang masilayan kung gaano ito ka laki at kaganda katulad sa mga kwento ni Nenita sa kanya. At ngayong narito na siya, pinagsawaan niyang pagmasdan ang paligid. Sa laki nito, nasisiguro niyang baka hindi niya ito maikot hanggang sa makaalis siya balang araw.
Napanganga sa pagkamangha si Nadia ng makita ang flower garden. Nanonoot rin sa ilong niya ang halu-halong bango ng mga bulaklak na naroon. Pakiramdam niya nasa isang flower farm siya.
"Sayang, hindi ko nadala ang phone ko, " aniya.
Gusto niya sanang lumapit doon kaso baka ma allergy ang alaga niya gayong sensitibo pa ang balat nito.
"Parang palasyo lang na nakikita ko sa telebisyon. Ang ganda dito, no. " kausap niya ang pamangkin. Nakapikit ito nasisilawan sa sinag ng araw.
Hiyang ang kanyang pamangkin sa bahay na ito. Siguro ay dahil sa klima, malamig kasi ang buong bahay at maaliwalas. Kapag dito sa labas ang presko ng hangin at malamig.
Sa ganda ng lugar na kanyang nakikita ni hindi nakaramdam si Nadia ng pangangalay sa paa kahit kanina pa siya nakatayo. Wala kasing upuan dito sa pwesto kung saan siya nakatayo. Naroon pa sa playground. Ayaw naman niyang pumunta doon dahil nagagandahan siya sa pagtitig ng iba't ibang uri ng mga bulaklak na nakaka-akit tingnan.
Napalingon siya ng makarinig ng yabag na papalapit. It was Enrico. Bagong ligo ito at ang presko tingnan. Kahit malayo pa ito sa kanya nanonoot na sa ilong ni Nadia ang mabango nitong amoy. Sweet pants na kulay balck at white tshirt ang suot nito ngunit ang lakas ng dating.
Napatingala siya ng huminto si Enrico tatlong hakbang mula sa kanya. "It's already 7 am. Akin na siya ng makapag agahan ka, " kaswal na wika nito at kinuha sa bisig ni Nadia ang anak.
Lihim na napaigtad si Nadia nang dumampi sa kanyang braso ang mainit at malambot na kamay ni Enrico. Parang wala lang naman iyon sa binata kaya pinatay ni Nadia sa kanyang isipan ang negatibong iniisip.
"Sige na. Nakahanda na ang pagkain doon sa dining. "
"S-sige.. "
Kaagad siyang tumalikod at nagmadaling umalis. Gusto niyang kutusan ang sarili ng mautal siya sa harap ni Enrico. Nawala ang bangis niya. Natunaw bigla ang pagkamuhi na naramdaman niya sa binata.
"Mukhang hindi niya yata ako natatandaan. Sabagay, sa dami ng babae niya imposible na matandaan niya ako gayong isang beses lang kami nagkita, " wika ni Nadia sa sarili. "Mas mabuti na iyon. Baka pag initan ako non kapag naalala niya na ako iyong babae na tinanggihan ang alok niyang sumama sa kanya. "
Kagat-labi na sinundan ni Enrico ng tingin si Nadia. Napangiwi siya ng maramdaman ang pagkabuhay ng alaga niya. "Your nanny is very hot and sexy... And beautiful. Sino ang hindi mabubuhayan ng dugo no'n? "
Mag isa si Nadia na nag almusal. Kanina pa raw nag agahan ang mga kasambahay ayon kay Nenita. Masarap ang mga pagkain ngunit hindi siya makakain ng maayos dahil nahihiya siya. Si Nenita na rin ang naghugas ng pinagkainan niya dahil trabaho niya iyon. Nahihiya man hindi na nakipagtalo si Nadia.
Umakyat siya sa kwarto ni Enrico para hugasan ang mga nagamit na bottle ng bata ngunit pagdating niya roon ay malinis na iyon lahat.
"Si Enrico ba ang naghugas ng mga ito? " tanong ni Nadia sa sarili. Upang malaman, nagmadali siyang bumalik sa ibaba para itanong iyon kay Enrico.
Alas otso ng umaga dumating si Liel kasama si Ethan. Siya at si Janice ang pinagkatiwalaan ni Enrico para magpaligo sa bata. Salitan silang dalawa sa pagpunta ngunit madalas ay dalawa sila na magpapaligo dito at nakiusyo naman ang kanilang mga asawa.
"Liel? "
"Nadia? "
Nagkagulatan na wika nila ng makita ang isa't isa pagkababa ni Nadia sa sala. Hindi inaasahan ni Nadia na makita niya si Liel dito. Hindi niya rin alam na isa sa mga Montefalco ang kanyang na asawa.
"You two know each other? " magkasabay na tanong ni Ethan at Enrico na papalapit sa kanila.
"Yeah, " si Liel ang sumagot. "Madalas kaming magkalaban noon sa mga singing contest. "
"Pati raket ko inagawan mo rin ako ," mahinang usal ni Nadia na si Enrico lang nakarinig. May hinanakit siyang naramdaman kay Liel dahil palagi siyang second option sa mga raket niya sa pagkanta. Pati sa singing contest na sasalihan hindi siya nananalo kapag katunggali niya si Liel.
Ngumiti si Liel sa kanya. "It's nice to see you again, Nadia."
Genuine naman ang ngiti na binigay ni Liel dito kaya nginitian niya rin ito pabalik kahit labag sa loob niya.
"It's good to hear na magkakilala pala kayong dalawa, " wika ni Ethan at yumapos ang kamay sa baywang ng asawa. "Pero hindi naman siguro siya iyong member ng banda na nag away ang mga both fans niyo? "
Napahagikhik na umiling si Liel. "Iba iyon. Naalala mo pa pala ang kwento na iyon? "
Tumikhim si Enrico kaya napunta sa kanya ang atensyon ng mag asawa. Hindi naman sa naiinggit siya. Pero nakakailang tingnan kung dito sa harapan nila ni Nadia sila maglalambingan dalawa.
"Akin na iyang anak mo, paliguan ko na," saad ni Liel dito.
"Si Nadia nalang ang gagawa, " sagot ni Enrico.
"Ha? " tigagal na usal ni Nadia. Tumaas ang dalawang kilay ni Enrico at nagtataka na tiningnan siya. "Ano kasi... Hindi pa ako marunong magpaligo sa sanggol. "
Kusang kumalas ang kamay ni Ethan sa baywang ng asawa ng humakbang ito palapit kay Nadia. "Tuturuan kita, " saad nito. "Mabuti naman at may yaya na iyang anak mo. Alam mo bang pinipilit ko ang sarili ko na bumangon para pumunta dito. "
Umiling na tumalikod si Enrico. "Ayaw mo lang kumawala ng yakap sa katawan ni Kuya e, " himutok nito.
"Babe o," naglalambing na sumbong ni Liel sa asawa.
"Pabayaan mo na. Ganyan talaga kapag walang ka yakap ang isang tao. "
"Paliguan mo na iyan nang makaalis na kayo," kaswal ngunit ma awtoridad na wika ni Enrico.
Napalabi na kinuha ni Liel ang sanggol sa kanyang bisig at dinala sa area kung saan ito papaliguan. Kapag ganitong tahimik at walang mood si Enrico hindi na siya inaasar ni Liel.