Nanginginig, walang lakas ang buong katawan ni Nadia nang marinig ang pangalan na iyon. Ngunit pinipilit niyang kinukumbinsi ang sarili na ang pangalan na binanggit ni Norma at ang taong iniisip niya ay magka iba. Walang nakakaalam sa kanyang ginawa bukod sa kanyang sarili. Iilang tao lang din ang nakaalam sa kanilang baryo ang tungkol sa kanyang Ate Selvia. Kaya imposible na natunton siya ni Peter dito sa mga Montefalco. At kung totoo man na ang tao na iyon at si Peter ay iisa, ano ang pakay niya? "Papasukin mo siya, Norma." Natinag si Nadia at napatingin kay Don Emmanuel na kakapasok palang. Galing siya sa likod doon sa garden na sila lang ang may karapatan na pumasok doon. "Nadia, dalhin mo muna sa itaas ang apo ko. Doon muna kayo sa silid, " aniya. "Norma, ihatid mo sa office

