"Rome, alis muna ako.. mag gro-grocery lang ako.." Paalam ko sakanya habang inaayos ko ang mga dadalhin ko. "Gusto mo samahan kita?" Nag-aalalang sabi niya. umiling lang ako saka nilingon si Rose na tahimik pa din at hindi namin makausap. "Samahan mo na lang si Rose" Tipid ang ngiting sabi ko saka nagpaalam na aalis na ako. marunong naman akong magmaneho kaya ginamit ko ang kotse ni Jerome at pumunta sa mall na pagmamay-ari din ng pamilya nila Jerome. agad akong bumaba nilabas ang sarili kong credit card saka ang phone ko kung kinakailangan. akmang papasok pa lang ako ng may tumawag ng pangalan ko. "Fritzy!" Napalingon ako at laking gulat ko ng naka shade ito at hindi ko naman kilala. "Ako to, si Lloyd.." Aniya kaya napa "Ahh.." ako habang tumatango tango pa. "Teka, paano mo nalaman an

