"f**k!!" Gigil sigaw ni Clim na napahampas pa sa upuan. ako naman nanlilisik ang mga mata ko kay Lloyd na panay sipol simula ng umalis kami pagkababa nila Rose at Fritzy. "I told you dude! ayokong patakasin ang babaeng yun! at dahil mapilit ka, anong nangyari? pumunta doon sa tisoy na lalaking yun kasama ang girlfriend mo!" Kinuwelhuyan ko si Clim dahil sa sinabi niya.
"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko girlfriend ang babaeng yun!" Gigil na sabi ko saka ko binato ng cellphone si Llyod na sipol ng sipol. "Manahimik ka ngang gago ka!"
"Bakit pati ako dinadamay niyo sa galit niyo?" Kunot noong sabi niya. "At kung hindi mo girlfriend yung si... basta yung babaeng humawak sakin.. pwes liligawan ko siya.. I like her.. at hindi lang yun bro, ganoong tipo ng babae ang type.. magalang at marunong magpasalamat.. di lang yun, matapang at simple lang." Nangingiting sabi niya. Sinamaan ko ng tingin si Llyod dahil sa sinabi niya. "What's with that look? don't tell me you like her? Come on bro, she's not your type.. you like sophisticated girls like Aila right? sakanya kana lang.. at akin si Fritzy" Kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya.
"How did you know her name?"
"Why do you care bro? mind your own business" Nakangising sabi niya.
"f**k you!"
"Then f**k me man.."
"I'm gonna punch you asshole!"
"Do it! coward!"
---
"SIGURADO kaba talaga sa nakita mo?" Tumango ako sa tanong ni Jerome.
"Siguradong sigurado ako... nandoon si Butler Shio.." Paninigurado ko.
"Bakit hindi niyo subukang bumalik muna sa mansion niyo? magkalapit lang naman ang mansion niyo ni Rose diba?" Mabilis akong umiling at napatayo sa sinabi niya.
"No way. Alam kong ang selfish namin ni Rose pero ayaw namin! Jerome Ia-arrange marriage kami kapag umuwi kami! kaya nga kami tumatakas at gumawa ng paraan para makapasok sa Victoria University dahil Unique ang unibersidad na iyon.. hindi sila tumatanggap ng pera o suhol para lang makakuha ng mga impormasiyon na gusto mo. hanggat gustong itago ng isang istudyante ang kanyang katauhan.. itatago at itatago iyon ng unibersidad na iyon!" Napabuntong hininga si Jerome sa sinabi ko.
"I know Fritz, pero di kaba natatakot? baka idamay nila si Lyla na napalapit na sainyo. And how many times I told you, I don't trust that girl.. I don't like her smile.. lalo na kung paano siya tumingin! hindi ko alam kung anong tinatakbo ng isip ng babaeng yun." Napakamot ako sa noo dahil sa sinabi saakin ni Jerome.
"Ito nanaman ba tayo sakanya? mabait siya Jerome.. believe me." Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. "Mabait siya kapag nakilala mo siya ng lubos.."
"Sana nga.. at sana huwag mong pagsisihan na naging kaibigan mo siya" Serysong sabi niya saakin saka umalis. hindi ko siya masisisi dahil kahit ilang beses kong sabihin na mabait si Lyla ay ayaw niyang maniwala. kesyo mabigat daw ang loob niya kay Lyla kaya ayaw niya. na wala daw siyang pakielam kahit crush pa ni Lyla si Charls na pinsan niya. napabuntong hininga ako saka humiga sa couch at pumikit. ang araw na ito ang pinaka nakakapagod kahit na wala naman akong masyadong ginawa.
---
"WHAT happened to you?" Takhang tanong saakin ni tita Zoe. napahawak ako sa putok kong labi at muling tumingin sakanya.
"Nagsakapan sila ni Lloyd." Singit ni Clim saka masama ang tingin na tumingin saakin. "Ako sana gagawa kaso naunahan ako nung isa eh." Napaismid ako sa kayabangan niya.
"Kwento mo." Pang-aasar ko saka akmang lalakad ng hawakan ni tita ang braso ko.
"Anong kaganapan to? nagpapaka-isip bata ba kayo tulad nila Masoe at Darost na di magkasundo? ayusin niyo agad ang problema niyo kundi malilintikan kayo saakin... mismo sa harap ng mga magulang niyo." Babala ni tita saka kami binitawan ni Clim.
"May kalokohan nanaman bang ginawa yan si Clim?" napaangat ako ng tingin at nakita ko si Tita Carla na nasa hagdan at may mataray na mukha.
"Ask your son." walang emosiyong sabi ni Tita Zoe saka umalis. umalis na din ako at nakita ko ang mga magulang ni Lloyd kasama siya. mula sa terrace na kinalalagyan ko. Si Iah at si Andy na kapangalan ko.. naging bampira na din siya tulad namin. at kung ang ikinatataka niyo ay kung bakit kasama namin si Lloyd? well, nagdadalang tao na kasi si Iah ng guluhin niya pa si Kuya Dark na may problema sa relasiyon nila Ate Roe that time.. kaya ang laki ng galit ko sakanya dahil isa siya sa sumira kina Ate... At ito namang si Andy alam kong wala siyang gusto kay Iah. nasisikmura niya lang na pakisamahan ang malanding ina ng anak niya dahil sa anak niya. nakakatawa man isipin pero mama's boy talaga si Llyod. psh, kung alam niya lang... hindi pa din nagbabago ang nanay niya at nagpa-plastik plastikan lang ito sakanya dahil sikat siya at kasama niya kami ni Clim. what a slut, kung inaakala niyang mabibilog niya ako tulad ng anak niya pwes nagkamali siya. Isa din ako sa kasabwat ni Andy na huwag sabihin kay Lloyd ang totoo dahil yun ang kaligayahan niya. Llyod is like my little brother to me kaya importante din siya saakin.. ang kaso nag-away pa kami ng dahil lang sa bwisit na babaeng si Fritzy. Kinuha ko ang phone ko at denial ko ang no. ni Aila.
[Aila speaking..]
"Let's date tomorrow.." Ani ko saka pinatay ko na ang tawag ko sakanya.
"Tss, totoo nga ang sinabi ni Lloyd.. your such a coward.. sa susunod mapaghuhulihan kana sa babaeng yun dahil sa ginagawa mo.. ewan ko lang ko di ka magsisi" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Clim. sino ang tinutukoy ng mokong na to?
"Mind your own business Clim. Kung babae lang naman din ang paguusapan natin.. bakit hindi ko kaya buklatin ang nakita ko kagabi? yung eksenang halos mamatay na si Rose dahil sa hayok na hayok mong pag-sipsip ng dugo niya" Nakita kong napakuyom ng kamao si Clim dahil sa sinabi ko. "Kontrolin mo ang sarili mo Clim.. dahil mamamatay talaga ang babaeng yun" Sabi ko saka ko tinapik ang balikat niya.