Chapter 6

1147 Words
DAHAN dahan akong napamulat ng mata ng maka-dinig ako ng maiingay. kumurap kurap ako bago ko inilibot ang buo kong paningin at nakita kong nasa kwarto ko ako, I mean sa dorm na tinutulayan ko kasama ang bestfriend kong si Rose kasama ang ka-dorm naming si Lyla na napalapit na din saamin. ngunit ang ikinatataka ko ay ako lang ang narito.. nasaan sila? anong nangyari? pakiramdam ko na stock ako na hindi ko maintindihan sa panaginip ko na hindi ko naman na matandaan. mabilis akong tumayo sa hinihigaan ko at ginawa ko ang morning rituals ko. matapos noon ay dali dali akong nag-ayos para pumasok sa Victoria University. baka nauna na ang mga yun pumasok, hindi nanaman ako ginising.. "Ingat ka, Fritzy hija.." Napakunot ako ng noo at nangilabot ako sa sinabi saakin ni Gng. Urminite.. ngayon lang siya naging ganyan sakin. lagi kasi akong sinisigawan niyan, actually kaming lahat kaya nga gulat na gulat din ang mga naka tambay lang na nagdo-dorm din dito. Bago pa ako makagawa ng mas malaking eksena ay mabilis na akong umalis at sumakay ng jeep para makapasok na, hindi din naman kalayuan ang school na pinapasukan ko. pwede ko lang lakarin eh. "Manong bayad ho, para na din ho" Ani ko at mabilis na bumaba ng tumigil si manong. tumakbo ako papasok ng unibersidad ngunit hindi pa nga ako nakakalayo sa gate ng maagaw ng atensiyon ko ang nakalagay sa bulletin board. History ng Victoria University ang nakalagay doon. Ilang taon na din daw ang nakalipas bago mapalitan ng Victoria ang Hazen nitong university. at ayon sa history na nakapaskil ay mga special student daw ang iskwelahan na ito noon mag mula ngayon. napaisip ako, bakit pinalitan ng Victoria ang Hazen at bakit may mga special students na ngayon ko lang din natuklasan.. Maglalakad na sana ako ngunit tila para akong binuhusan ng tubig ng may mag pop up sa isip ko at napatitig sa pangalang Hazen. Parang nadinig ko na yan eh.. or nabasa? pero saan? "Fritz!" Napalingon ako at nakita ko si Lyla na kumakaway sakin. napangiti ako at agad na lumapit sakanya. "Bakit ikaw lang ang nandito? nasaan si Rose?" Natahimik siya bigla at napatitig sakin. "Siya na lang lagi.." Bulong niya ngunit hindi ko naman narinig. "Huh? ano yun?" Tanong ko. ngumiti lang siya at umiling. "Hindi ko alam kung nasaan siya eh. basta paggising ko wala na siya." Aniya at mabilis na tumakbo at kumaway sakin. "Bye! kailangan na ako sa cheerdance." Pinanood ko lang siyang maglaho sa paningin ko. Kung wala si Rose paggising niya nasaan si Rose? Uuwi lang yun sa bahay nila kapag kasama ako dahip magkapit bahay lang naman kami. at malayo pa ang bahay namin dito sa lugar na ito.  "Oh my gosh! si Clim!" "Kyaaa! ang gwapo talaga!" "Tara pa selfie tayo!" "Ay teh, may kasama" "Si Rose yun diba? yung model ng Fashion club?" Napalingon ako sa mga nagkakagulong mga babae at nakita ko si Rose na tulala. mabilis akong napatakbo hindi dahil nangangailangan din ako ng autograph o kahit selfie man lang kundi dahil sa nadama kong kailangan ako ng kaibigan ko. humingi ako ng malalim saka nag excuse.. nagplease pa ako pero la epek kaya ginawa ko na ang alam kong magpapatabi sakanila. sumigaw ako at lumingon naman sila ng galit ngunit bigla ding nagbago ang emosiyon ng mukha nila ng makita ako. hinarap ko si Rose saka pinakatitigan. "Rose.." Tawag ko sa pangalan niya at agad siyang napalingon sakin at mahigpit akong niyakap. "What happened?" Nag-aalalang tanong ko saka ko hinaplos haplos ang buhok niya. umiyak lang siya ng tahimik sakin kahit hindi halata ay alam ko. "Pumasok kayo sa loob ng sasakyan kung ayaw niyong kumalat ang katauhan niyo sa publiko" Walang emosiyong sabi saakin ni Clim at nakita kong hindi na lang estudyante ang nakikigulo kundi ang mga media at ibang mga paparazzi. Labag man sa loob ko ay pumasok ako doon kasama si Rose na nakakapit pa din saakin ng mahigpit. pag-upong pag upo namin ay mabilis na humarurot ang sasakyan. "So, magkaibigan pala kayo?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si... Andy. hindi ko alam kung anong dapat na i-react kasi parang medyo sumakit ang ulo ko at may naramdaman akong kakaiba..there's something wrong.. maybe me? I think it's me.. pero ano? jeez... ni hindi man lang ako nakadama ng excite ng makita ko siya.. ang nadama ko ay kirot. but why? "Nandito na kayo sa tapat ng dorm niyo" Napatingin ako at nanlaki ang mata ko ng makita ang mga pamilyar na lalaki sa labas ng dormitory na tinutuluyan namin. "Rose.. they are here.." Bulong ko na nagpalingon sakanya at nadama ko ang paninigas niya ng katawan. kinalikot ko ang bag ko at nakita ko ang bagay na hinahanap ko. "pwedeng pakidala kami dito? please?" Sabi ko. mukhang nakahalata naman si Llyod sa tension naming dalawa ni Rose kaya agad niyang pinaandar ang sasakyan. "What the hell man?! bakit mo sinusunod ang babaeng yan?!" Galit na sigaw ni Clim na nasa likod lang namin. "I'm sorry man, kailangan eh." Sabi ni Llyod at hinanap sa ways kung saan ang direksiyon ng address na binigay ko sakanya. kinuha ko ang phone ko at may kinontack. [Hello?] "Rome, pwede bang mag stay kami jan sayo ni Rose? the butlers..." Ani ko at alam kong alam niya kung anong ibig kong sabihin. Jerome is our knight in shining armor. Actually, Jerome Esianias is A royal prince in France. [Ok, ok, aantayin ko kayo sa labas ng bahay ko] Sabi niya kaya pinatay ko na ang phone ko. "What's the problem?" Hindi ko nilingon ang nagsalita. alam kong si Andy yun. Pagdating na pagdating namin sa tapat ng bahay ni Jerome na nag-aantay sa labas ay agad kong binuksan ang pinto ng sasakyan at unang pinababa si Rose. nang ako naman ang sunod na bababa ay nagulat ako ng may dalawang kamay ang humak sa braso ko. pag lingon ko ay nakita ko si Andy at Clim na madilim ang mukhang nakatingin saakin. natakot ako nung una ngunit nilakasan ko ang loob ko. "Bitawan niyo ko!"  "Sino ang lalaking yun?!" Sabay na sigaw nila. hinila ko ang kamay ko at galit na tinignan sila. "Wala na kayong pakielam doon dahil unang una sa lahat hindi naman namin kayo kaano ano ni Rose. tagahanga niyo lang kami kaya huwag na kayong umasa ng kung ano pa." Inis na sabi ko saka ko hinarap si Llyod na mukhang tutuwa sa hitsura ng mga kaibigan niya. hinawakan ko ang balikat niya kaya nagulat siya at agad na napalingon saakin na nanlalaki ang mata. "Maraming salamat ah.." Sabi ko saka ngumiti. mabilis akong bumaba at lumapit kay Jerome na inaalalayan si Rose. "Bakit kasama niyo sila?" Kunot ang noong tanong niya. Umiling ako bilang sagot. "Huwag mo silang isipin.. baka lalo lang akong maiinis dahil pangalan pa lang nung dalawa doon ay nasisira na ang araw ko. mabuti pa yung kaibigan nilang si Llyod madaling pakisamahan" Tumango tango na lang si Jerome saka kami pumasok sa bahay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD