"AILA!"
"Oh! Baby!" Nairita ako sa tinawag niya saakin at akmang tatalunin niya ako ng yakap ay umiwas ako. "Baby naman eh.." Maktol niya. tinignan ko lang siya ng malamig.
"Bakit ka nagpapasok ng kung sinong babae sa dressing room namin?!" Inis na sabi saka ko hinawakan ng mahigpit sa braso si Aila ngunit parang wala lang iyon sakanya.
"Ah! siya ba? ano nga bang pangalan non? diko pala natanong ang pangalan niya.."
"Stop the crap! tell me kung bakit naroon ang babaeng yun kahapon!" Inis na sigaw ko.
"We need help, masyadong magulo kahapon.. kulang kami sa tao at saktong nag presinta siya kaya inutusan kong ligpitin ang lahat ng costume" Masayang kwento niya. "Sayang nga diko na siya nakita kahapon eh.. babayaran ko sana siya bilang pasasalamat" Sa inis ko napaayos ako ng buhok at mabilis na umalis. "Baby! san ka pupunta!" Hinarap ko siya atsaka ko siya dinuro.
"I told you, I'm not your baby! and stop calling me baby!"
"Bro, Galit na galit ah.. sinong babae ba yung tinutukoy mo?" Tanong sakin ni Llyod. umiling lang ako bilang sagot. "Tss, parehas kayo ni Clim eh.. nakahanap lang ng babae dina namamansin" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. si Clim ba daw kamo nakahanap na ng babae?
"Where is he?" Tanong ko. nag kibit balikat lang siya bilang sagot. babae? impossibleng maghanap o makahanap ng babae yun si Clim. that bastard, nahanap na siguro niya yung batang naligaw noong unang araw na umalis si Ate Roe at hindi na nakabalik. Naglakad ako papunta sa sasakyan ko at mabilis ko iyong pinatakbo papunta sa villa. After One and a half hour nakarating na ako doon at agad agad na pumasok sa loob. sana nilapa na nila yung babaeng yun. paakyat pa lang sana ako sa hagdan ng mahagip ko silang nagtutumpukan doon sa malaking piture frame ni Ate Roe. "Is there something wrong?" Tanong ko kaya nagsilingunan sila at nakita ko si... what is her name? well, I don't know.. Basta siya yung pakielamera na nakaalam ng sikreto ko. kunot ang noong lumapit ako sakanila. as in kompleto silang lahat na may serysong mukha. ang kulang na lang ay sina mom and dad saka si Ate Roe. isama pa si Clim na paniguradong may kalokohang ginawa doon sa babae niya. "Bakit nandito ka?" Nakakunot ang noo at masama ang tingin ko sakanyang tanong. yumuko lang siya at nakahawak sa damit niya.
"Sabi ni Mrs. Hexerian nakita at nakausap daw ng girlfriend mo si Boss" Sabi ni Kuya Benjie na mapagkakatiwalaan namin lalo na ni ate Roe. Kumunot ang noo ko sa sinabi nila. hindi lang iyon, nainis pa ako.
"She's not my girlfriend! at paano niya makikita si ate Roe? she's no longer here! stop this nonsense crap!" Inis na sabi ko ngunit agad akong nanlamig ng tignan ako ng masama ni Aunt. Zoe and Grand Ma. Cecelia.
"Sinasabi mo bang walang kwenta at kalokohan lang ang nadinig ko? eh ni hindi pa nga nakakatapak ang babae mo dito sa villa natin pero alam na niya ang pangalan ng anak ko na matagal ng hindi binabanggit dito. so, tell me Andy, naikwento mo na ba ang buong buhay mo sa babae mo kaya alam niya ang pangalan ng anak ko at nakausap niya pa kanina sa hangin?" Napatapik ako sa noo ko dahil sa sinabi ni tita Zoe, Eto nanaman po tayo..
"Ilang beses ko bang dapat sabihin sainyo na that girl is not my girlfriend or what so ever! She's just a stranger! for pete's sake.." Inis na sabi ko. nilapitan ko siya at hinawakan ang braso niya ng mahigpit. "Tell me b***h, ano nanamang kalokohan ang pinaggagawa mo?" Bwisit na sabi ko. wala ng ginawa ang babaeng to kundi sirain ang araw ko. kundi sisirain ay bu-bwisitin.
"Wala akong kalokohang ginawa, ok? totoong nakita at nakausap ko siya and I don't care kung maniniwala kayo o hindi basta kung ano ang nakita at nakusap ko kanina ay totoo! and for your information, I'm not a b***h asshole! matapos mo akong dalhin sa lugar na ito at iwan na lang sa kalagitnaan na tila ba alam ko ang bawat sulok nito ay pagsasalitaan mo ako ng di maganda?! sayang.. ang gwapo mo nga pero ang pangit naman ng ugali mo. alam mo kung anong mas maganda? ibalik mo ako sa lugar kung saan mo ako kinuha.. para walang problema! kasi may sariling buhay din ako!" Naiiyak na sabi niya ngunit kahit isang butil ng luha ay hindi niya pinabayaang tumulo. talagang malakas ang loob ng babaeng ito.. magsasalita sana ako ngunit agad akong naestatwa ng makita kong gumalaw si Ate Roe sa malaking picture frame niya saka niya niyakap si Pakielamera na mukhang walang naramdaman. napansin ko din na naestatwa ang lahat ng kasama namin at nakatitig lang sa naganap na pangyayari. "Hoy---" Mabilis na sinangga ko ang katawan ko ng bigla siyang mawalan ng malay. tinapik tapik ko pa ang mukha niya ngunit ayaw talagang magising.
"Sino ang dalagang iyan?" Napaangat ako ng tingin at napatingin ako kina Tita Zoe at momsy Cecelia naalala kong ayaw niya palang tinatawag siya ng grand ma.
"I Don't know. ni pangalan niya diko alam, basta biglaan na lang siyang iniluwa ng pintong pinagtataguan ko para makainom ng sariwang dugo. I tried to kill her but this fuckin' necklace restrained me so I have no choice but to bring her here at our villa--- to shut her... mouth?" Sagot ko. Inantay kong mag komento sila ngunit nanatili lang silang tahimik at nakatitig sakin saka sa pabigat na dala ko. itong babaeng bwisit na to.
"Ibalik mo na siya kung saan siya nakatira. and erased her memories about us." Sabi ni tita Zoe na nakangisi saka umalis na sinundan nila Tito Ryouje at Momsy and popsy. Tinitigan ko ang mukha niya atsaka ko lang napansin na ang amo pala ng mukha niya. syempre tulog, iba na kapag gising.
"I like her.." Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Kuya Zero na nakaakbay kay Ate Helea na malaki ang tiyan dahil buntis. "..To be your wife." Nabingi ako sa sinabi ni kuya kaya late na akong nakapag-react ngunit ng mapansin kong wala na pala silang lahat ay napabuntong hininga ako. That's not gonna happen, This girl is not my type..
Maybe Aila? sophisticated is my type.. not boyish.