Chapter 4

1002 Words
NAKAKATAKOT. Iyan ang masasabi ko pagdilat na pagdilat ng mata ko. hindi ko inaasahan na magkakaroon ako ng ganoong panaginip.. para pa nga itong totoo ngunit buti na lang isa lang iyong panaginip. "Buti naman at gising kana.. napaka VIP mong tao" Napalingon ako at nakita ko si Andy. nakatitig lang ako sakanya ng hindi kumukurap. no way, baka panaginip lang din to.. panaginip sa isa pang panaginip! "Kapag hindi kapa tumayo jan gigilitan kita sa leeg" Madilim ang mukhang sabi niya kaya wala sa oras na napabangon ako sa takot. mura na din ako ng mura sa isip ko dahil hindi ako nananaginip! "May pupuntahan lang ako.. huwag na huwag kang gagawa ng kalokohan dito sa villa kung ayaw mong.." Babala niya sakin saka umaktong 'gilit leeg' tarantado tong boy next door na to ah. tapang tapangan ko sa loob loob ko.  Hindi ko din alam kung matatawa ba ako o ano. iwan ba daw ako sa kalawakan ng villa daw eh grabeng pagkalaki laki ng villa na to! para akong nasa loob ng walang katapusang palasiyo! Kaya wala akong nagawa kundi ang maglakad lakad at hanapin ang labasan ng ako lang. "Kainis, ang malas ko" Bulong ko at muli sana akong maglalakad ng mabunggo ako ng isang bata na masayang tumatawa kasama ang dalawa pang bata. napaangat siya ng tingin saakin at napatitig. pag tingin ko naman sa dalawa ay nagulat ako dahil may pagkakahawig silang tatlo. "Kambal kayo?" Wala sa sariling naisambit ko kaya napatakip ako ng bibig. s**t! mamaya baka vampire sila.. ngumiti silang tatlo at nagsama sama sa harap ko. "Hindi po kami kambal pero magpi-pinsan po kami" Sabi sakin nung nakabunggo sakin. "Ang daddy ko po ay si Daddy Ryou" Aniya saka ngumiti ng labas ngipin. ang cute! "Anak naman po ako ni Daddy Youje" Nakangiting sabi nung batang medyo mahaba ang buhok. "Dad Zero" Tipid namang sabi nung isa na may bored expression. Ang nasabi ko na nga lang ay "Ahh.." Saka sila umalis na naghahabulan. at.. bwisit! diko man lang naitanong kung saan ang labasan! napabusangot ako at inilibot ko na lang ang paningin ko sa buong paligid. "Ang laki naman ng villa nato.." Pagkausap ko sa sarili ko. "Madami kasi kaming nakatira dito" Napalingon ako at laking gulat ko ng may katabi akong babae na naka-itim at bagay sakanya ang damit na iyon dahil sa maputi siya. hindi lang iyon.. talagang maganda siya at maamo ang mukha. napansin ko din na medyo hawig siya doon sa mga batang kanina na nakausap ko kapag nakaside view siya. may inabot pa nga siya saaking notebook na agad kong inabot saka binuklat. nakita ko ang Hazen family na sinundan ng Scott at sunod ay Hexerian saka ko siya nakita na naroon. nahagip din ng mga mata ko ang ama nung tatlong bata at kapatid pala niya yun.. nabasa ko din ang pangalan niya. tinignan ko pa nga ang iba at nakita kong may mga naka note doon. ang iba pang pamilyang nakatira dito ay kaibigan ng mom niya kasama ang mga sariling anak na may mga anak na din. so ang generation ni Boy next door ay 3rd generation. wow... yun na lang ang masasabi ko. nabasa ko din kasi ang history ng 2nd generation na niligtas nila ang lugar na ito ng muntik nang sakupin ng mga kapwa nila bampira. "Ang galing pala ng mom mo ate Roe---" Napatigil ako ng wala na siya sa tabi ko. "Hala, nasan na yun?" Tanong ko sa sarili ko. "I choose you to be my keeper." Dinig kong sabi ni Ate Zoe akmang magsasalita ako ng magsalita ulit siya. "Lumayo ka sa mga nagbibigay sayo ng agam agam sa dibdib dahil sila ang handang manira ng kung anong pinanghahawakan mo... Huwag mong pairalin ang awa at lambot ng iyong puso dahil iyon ang gagamitin nila bilang kahinaan mo kaya't pagtibayin mo ang sarili mo.. ang babala kong ito ay nais kong saating dalawa lamang" Matapos noon ay tahimik na ang nadinig ko. wala ng sumunod na salita galing sakanya. ngunit ang malaking tanong saakin ay kung ano ang pinanghahawakan ko upang ako ang sirain? tinignan kong muli ang librong hawak ko na madami pang space at natutok ang paningin ko sa huling pahina na may itim na paru-paro  ngunit makulay ang disenyo ng pakpak nito. nagulat pa ako ng bila itong gumalaw kaya lumurap kurap ako ngunit ng titigan ko ay talagang nakatatak siya sa huling pahina. namalikmata ata ako? kalokang araw na to. "Sino ka?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang isang pamilyar na babae. kung hindi ako nagkakamali siya si Cecelia. Ang pinagmulan ng kaguluhan at misteryo na niresolba ni Zoe. Ang first and second generation. "Bakit nandito ka sa Vampire Villa? Human girl" Napangiwi ako sa huling sinabi niya. "Ah.. ano po.." Ano bang sasabihin ko? iku-kwento ko ba na nagpresinta akong tumulong nung concert ni Boy next door? at natuklasan kong bampira siya saka niya ako dinala dito? geez! "Mom, She's mine" Napaangat ako ng tingin sa hagdan at nakita ko si Zoe na mom ni Ate Roe. oh my gosh.. napapaligiran na ako ng matataas na lahi. "What do you mean she's yours?" Walang emosiyong tanong ng mom niya. walang emosiyon ding sumagot ang mom ni Ate Roe. "Akin siya dahil binanggit niya ang pangalan ng anak ko na matagal nang wala dito. at nakita ko kaninang may kinakausap siya kahit siya lang mag-isa. can't you feel mom? nauulit nanaman ang nakaraan but in different way! nung una naglaho ka kasama si dad and now? my daughter! pero alam mo kung anong kaibahan? walang kasiguraduhan kung buhay pa ba ang anak ko kasama ang dalawang ama ng mga anak niya na hindi magkasundo!" Naguluhan ako sa sinabi niya. anong wala si Ate Roe? eh kakakausap ko palang sakanya kanina eh. "Nagtatalo nanaman ba kayong mag-ina?" Napaangat muli ako ng tingin at nakita ko ang dalawang lalaki. pasimple kong sinulyapan ang librong hawak ko at nakita kong sina Alfred at Ryouje ang naroon. ang asawa ng mag ina. juice ko po.. ano bang magnet ang meron ako at nagsisilabasan sila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD