Chapter 3

959 Words
Nanlalabo at masakit ang ulo kong inilibot ko ang tingin sa buong paligid at laking gulat ko ng makita ang isang malaking silid na hindi pamilyar sa akin. agad akong napabalikwas at hindi mapakali na tumingin ako sa paligid. nasaan ako? iyon ang tanging nasambit ko sa isip ko bago ko madinig na gumalaw ang seradura kaya tarantang nagtulog tulugan ako. pinakiramdaman ko ang paligid at dama kong dahan dahan itong naglalakad palapit saakin. katapusan kona ba? Nahihintakutang isip isip ko. "Alam kong gising ka. Dalawang araw ka ng walang malay kaya kumain ka muna" Napadilat ako ng boses babae ang marinig ko. dahan dahan akong kumilos at umupo paharap sa kung sino mang nagsalita. at nakita ko ang isang babae na maganda.. sobrang ganda. "Ano ang nangyari at napadpad ang isang taong katulad mo kasama ang anak ko?" Nagulat ako sa sinabi niya. anak? don't tell me si Andy ang tinutukoy niya?! my gosh! di halata! parang ate ko lang siya! Napangiti ang babae at nauwi ito sa malakas na tawa na ikinatigil niya. "Alam mo naaalala ko saiyo ang asawa ko noong tao pa siya. Hanggang ngayon pa din naman eh.. nakakatuwa ang mga reaksiyon na ipinapakita niyo." Aniya sa masayang boses. inilahad niya ang kamay niya saakin at ngumiti muli ng matamis. "Ako nga pala si Andrea. Just call me Tita Rea" Napangiti ako dahil ang gaan ng loob ko sakanya. halatang mabait siya kaya ng akmang tatanggapin ko ang kamay niya napaigtag ako sa isang malaki at nakakakilabot na sigaw. "DON'T YOU DARE TOUCH MY MOM! YOU FILTHY b***h!" Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib dahil sa sinabi niya. b***h? ni tatay ko nga di nasabi o naibulong saakin yan eh.. pero siya? Akala ko ang bait niya.. ang pangit pala ng ugali! kung anong kinaganda sa panlabas na kaanyuan siya namang pangit niya sa loob! "Andy!! Hindi ka namin tinuruan ng ganyan ng daddy mo!" Natakot naman ako sa sigaw ni Tita Rea. Iba ata ang Tita Rea na nakilala ko kanina at ngayong nasa harap ko. maski si Andy ay parang maamong tupa na nanlambot ang mukha. "Humingi ka ng tawad sakanya" May awtoridad na sabi ni Tita Rea saka nilingon ako. Nakita kong nanlilisik ang mata ni Andy na nakatingin sakin at alam kong hindi niya gustong humingi ng tawad ngunit labag man ay lumapit siya sakin at siya na mismo ang kumuha ng kamay ko para mag shake hand at humingi ng tawad ngunit napangiwi ako ng higpitan niya iyon at bahagyang kurutin. "Sorry!" Walang ka amor amor na sabi nito sakin saka mabilis na nilisan ang silid. "Pagpasensiyahan mo na ang anak ko.. ewan ko ba kung ba't ganyan yan... siguro nakuha ang pagka suplada, maldita at kalokohan ko noong bata pa ako" Natatawang sabi nito saakin na kung magsalita ay tila para isang matanda. "Ilang taon kana po ba tita Rea?" Kapal kapalan ang mukhang tanong ko. "Nako, matagal na ako dito sa mundong ibabaw.. kasama ang mga naging parte ng buhay ko.. kung tutuusin ay hindi na namin alam kung ilang taon na ba kaming nabubuhay sa mundo dahil sa immortal kami.. ilang tao na ang namatay at ilang pagbabago na ang nangyari sa mundo ngunit eto kami.. namumuhay na parang normal na tao ngunit habang buhay namang nabubuhay at nagpapatuloy sa kung anong sistema ng paligid." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. basta nakanganga lang ako dahil sa nadinig. patay kang bata ka! so ang kaharap ko pala ay hindi tao kundi isang bampira! nalintikan na! bakit ba hindi man lang pumasok sa isip kong ang anak niya ay bampira kaya di malabong bampira din siya! "Ayos ka lang ba? teka ano palang pangalan mo?" Napahawak ako sa sintido at nanlabo ang paningin ko kaya matamlay na bumagsak ang likod ko sa malambot na kama. "Andy! Andy!" "Mom?! bakit po?!" Dinig kong boses ni Andy kahit na nanlalabo na ang lahat sakin. "Hinimatay ang girlfriend mo! huwag mong sabihing buntis na siya? my gosh! magkakaapo na ba ako?!"  "MOM!! HINDI KO YAN GIRLFRIEND FOR PETE'S SAKE!" Matapos ng sigaw na iyon ay nagdilim na ang lahat saakin. --- "HINDI mo naman ako kailangang sigawan my son.. masyado kang defensive" Napahilot ako sa sintido ko at muli akong napatingin sa bwisit na babae na nakahiga sa kama ko. "Kung hindi mo siya girlfriend ano mo siya?" Nanguuyam na sabi ni mom na tila parang nang-aasar pa. "Yan kasing pakielamerang yan natuklasan ang lihim ko! papatayin ko na sana kaso diko magawa! kainis!" Gigil na gigil na sabi ko habang nakaturo pa doon sa babae at nanlilisik ang mga mata ko. "Oh? eh bakit dimo magawa?" Tila malaking kuryusidad ang nagaalab kay mom ng tanungin niya ako. "Dahil dito" Sabi ko sabay turo sa kwintas na diko maalis alis! Ngumisi si mom na ikinataka ko. "Alam kong may alam ka mom tungol dito sa kwintas na binigay ni Tita Zoe. please mom.. tell me kung paano ko maaalis to! kailangan kong gumawa ng paraan para malaman kung nasan na yung pinsan ko, si ate Roe! hindi na nagkakasundo yung mga pamangkin ko!" Naiinis ako sapagngiti ni mom at pagkibit balikat niya. "Mind your own business son.. hayaan mo sina Masoe at Darost, silang dalawa lang din ang makakasagot sa mga katanungan at magpapatahimik sa buhay nila. At ikaw, alamin mo din ng sa sarili mo lang kung paano maaalis yang kwintas na binigay ni Ate Zoe mo.. so, paano ba? alis na ako.. mag a-out of town lang kami ng daddy mo. take care of her" Mahabang litanya ni mom sabay mapang-asar na sinambit ang huling salitang binitawan niya. lalong sumama ang pakiramdam ko dahil bagahe ko pa ang pakielamerang babae na to! Makausap nga si Aila kung paano napadpad ang babaeng yan sa dressing room eh hindi naman siya kabilang sa mga tauhan ni Aila. that stupid talkative girl.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD