CHAPTER 35 -- MAAYOS akong naihatid ni Trevor sa condo. Gusto niya pa sana pumasok sa loob, tumanggi lang ako. Baka tulog na rin kasi si Charie at baka kung ano pa ang isipin nito, mabuti na rin iyong hanggang dito na lang siya sa labas. Marami pa ring tao sa paligid kahit malalim na ang gabi--- mayroon pa ring paroon at parito lumalabas. Ganito naman palagi sa condo kung saan ako tumutuloy parang wala namang nagbago. Madalas nga sa gabi may naririnig pa rin kami ni Charie na may ilan pa ring dumadaang nag-iingay. Hindi naman namin pweding sitahin ang mga tao 'yon at wala naman sa ugali ko kahit na kay Charie mismo. Sa harap lang ng unit, huminto si Trevor. Mabuti na lang at hindi rin ito nagpumilit pa. Kanina kasi habang nasa sasakyan kami, gusto niya raw makiinom. Nagduda naman ako

