C H A P T E R 73 NAKAHINGA ng maluwag si Summer matapos makausap si Daniel at Nanang Esmerald niya. Tungkol Ito sa binabalak niyang bumalik na ng Baguio kasama ang mga ito. Oras na para harapin niya si Roxanne ang aminin ang lahat ng pagkakamaling mayroon siya sa buhay niya, nadamay lang naman ito. Buo na ang loob niya at malaki ang utang na loob niya kay Daniel, kung hindi dahil dito hindi niya marerealize ang lahat ng pagkukulang niya sa sarili maging kay Roxanne. "Anak?" pukaw sa kaniya ng nanang niya. Nasa veranda siya ngayon hinihintay ang pagdating ni Daniel. May inasikaso muna ito nang magpaalam sa kaniya, bago sila lumuwas patungong Baguio. Alam niyang naghihintay na sa kanila si Roxanne d'on, iyon nga lang wala pa rin itong alam sa pag-uwi nila. Balak nya itong surpresah

